Showing posts with label repulika de lata. Show all posts
Showing posts with label repulika de lata. Show all posts

Wednesday, January 11, 2012

Sampu't Sari: Renmin Nadela ng Agaw Agimat


Noong Dekada NoBenta, ang musikang Pinoy ay siksik sa iba't ibang tema at ang isang klase ng tugtugang nagustuhan ko ay mula sa mga grupong masasabi kong may paninindigan pagdating sa mga usaping may kinalaman sa iba't ibang kaganapan sa ating pamumuhay. Ang pagpapahayag ng mga ideolohiya ay idinadaan sa pamamagitan ng paglikha ng mga orihinal na awit. Mga seryosong kantang kadalasan ay mga puna sa maling sistemang bumabalot sa ating lipunan. Mayroong mga piyesang nakakatawa na sa huli ay katotohanan pa rin ang gustong iparating sa mga nakikinig. Ang iba naman ay pinaghahalo ang pagiging seryoso at pagpapatawa upang ilarawan ang mundong ating ginagalawan.

Walang halong pagpapakyut. Masarap pakinggan dahil nagmumula sa puso. Tumatagos sa buto dahil walang halong pagkukunwari. Hindi mo puwedeng sabihing basura dahil hindi bulok ang nilalaman.