Monday, February 13, 2012

Houston, We Have a Whitney

WHITNEY ELIZABETH HOUSTON
August 9, 1963 - February 11, 2012

Ako ay isang Batang Nineties na may malaking respeto sa isa pang dekadang aking kinalakihan, ang Eighties. Kahit na wala pa ako sa "kamunduhan" noong mga panahong iyon ay may muwang naman na ako sa kung anu-anong pakulo ng mga "Regal Babies", sa "That's Entertainment", at sa iba pang "coolness" na napanood niyo sa pelikulang "Bagets". Kahit na hindi masyadong maintindihan ng uhugin kong kukote ang mga pinaggagawa ng sangkatauhan noon ay ramdam kong napakasaya ng Dekada Otsenta dahil isa ako sa mga napapasawsaw-sayaw sa dance-pop song na "How Will I Know", ang third single mula sa 1985 album ni Whitney Houston na nagpakilala sa kanya sa MTV audience.

Nasa grade one ako nang lumabas ang self-titled album na ito kung saan kasama rin ang mga hit ballads tulad ng "All at Once", "You Give Good Love", at "Saving All My Love for You". Ang pagsikat niya ng husto ay naging daan upang matanggap sa industriya ang iba pang mga female African-American singers tulad nina Janet Jackson at Anita Baker. Naging idolo siya ng mga biritera kasama ang mga tita kong entertainers sa HK na natatandaan kong nagpadala pa sa amin ng "voice tape" na naglalaman ng mga renditions ng mga kanta ni Whitney. Ang single namang "The Greatest Love of All" na inilabas mga isang buwan matapos ang EDSA Revolution ay ang madalas kong marinig na ineensayo ng mga pinsan kong babae para ipanlaban sa mga patimpalak tulad ng "Ang Bagong Kampeon" nina Bert Marcelo at Pilita Corales.

Mid-80's rin nang mai-release ang ilang hit singles tulad ng "I Wanna Dance With Somebody (Who Loves Me)", "Didn't We Almost Have It All", "Where Do Broken Hearts Go", at "One Moment in Time". Ang tagumpay ng kanyang unang dalawang albums ang nagbigay sa kanya ng karangalan sa industriya ng musika at siyempre, ng limpak limpak na dolyares. Siya ay nakasama sa hanay ng mga highest paid performers noong Eighties.

Sa pagpasok ng Dekada NoBenta, sino ba ang mag-aakalang puwedeng maging commercial single ang "The Star Spangled Banner" na pambasang awit ni Uncle Sam? Sa tindi ng kanyang pagkakakanta nito sa Super Bowl XXV na ginanap noong January 27, 1991, ito ay nagustuhan ng mga Puti na naging dahilan upang ito ay makapasok sa US Top 20.

Mga "Diva's" ang naging bansag sa mga babaeng bumibirit tulad ni Whitney noong Dekada NoBenta at ilan sa mga katunggali niya sa karerang ito ay sina Mariah Carey at Celine Dion. Sa bansa ni Juan Tamad, may bersyon tayo nito sa katauhan nila Regine Velasquez, Zsazsa Padilla, at Kuh Ledesma.

Dala ng kasikatan, tulad ng nangyayari dito sa Pilipinas, siya ay nabigyan ng mga offers upang maging isang artista at subukan ang mundo ng pelikula. Kung ilalarawan ko si WH sa maka-nineties na pamamaraan, ang una kong maiisip ay ang "The Bodyguard" na ipinalabas sa takilya noong 1992 co-starring Kevin Costner. Napanood ko ito sa teevee pero hindi ko na matandaan ang kuwento - ang naaalala ko lang ay ang mga makikinang na damit na ginamit ni Whitney sa mga eksena at kung paano nagbuwis ng buhay ang bodyguard. Kahit na hindi ganun kaganda ang mga reviews at nabigyan si Whitney ng "worst actress" nomination sa Razzie Awards ay kumita naman ito ng $121M sa Tate at $410M sa buong mundo. Pasok ito sa 100 grossing films in film history at its time of release.

Sigurado ako, tandang-tanda lahat ng kaedaran ko ang ilan sa mga awitin mula malufet na original soundtrack nito tulad ng "Run to You", "Every Woman" at "I Have Nothing". Isama mo pa ang naging signature song niyang "I Will Always Love You" na originally sang by the joga queen Dolly Parton. Nakakaumay ang kantang ito dahil lahat ng mga jologs radio stations ay ipinapatugtog ito kada oras. Naging kanta nina Manong Guard at Yaya. Nakasaksi pa nga ako ng libing na ito ang tumutugtog sa karong may lulan ng kabaong; biglang nalaos ang "Hindi Kita Malilimutan"! Wala nang nilalang sa mundo ang makakapantay sa pamatay na "INDAAAAHAYHAY......". Sa kasalukuyan, ang OST nito ay napakagbenta na ng humigit-kumulang 44 milyon na kopya at angkin ang titulong "best selling soundtrack album of all time".

 
Nasundan pa ng ilang pelikula ang kanyang unang pinagbidahan at kabilang sa mga nagawa niya noong 90s ang "Waiting to Exhale", "The Preacher's Wife", at "Cinderella". Ang totoo, halos buong dekada ay paggawa ng pelikula ang kanyang naging concentration. 1998 ay bumalik siya sa music scene sa pamamagitan ng album na "My Love is Your Love" kung saan galing ang mga hit singles na "Heartbreak Hotel" at "It's Not Rigt But It's Okay".

Nang matapos ang 80's at 90's ay nag-iba ang ihip ng hangin. Ang dating perpektong imahe niya ay nawala at napalitan ng mga intriga. Nandiyan ang paratang na gumagamit daw siya ng ipinagbabawal na gamot;  ang masalimuot na pagsasama nila ng kanyang asawang si Bobby Brown; ang mga hindi pagsipot at pagiging late sa mga rehearsals, interviews, at concerts; at kung anu-ano pang mga nakakasira ng puri. Sa kabila ng lahat, itinuring pa rin siya bilang isa sa mga institusyon. Ilan sa mga karangalang nakamit niya ay ang Rank #3 sa VH1's "50 Greatest Women of the Video Era";  Rank 116 sa VH1's "200 Greatest Pop Culture Icons of All Time";  Rank #9 sa Billboard's "Hot 100 All-Time Top Artists"; at ang kanyang debut album ay kabilang sa "500 Greatest Albums of All Time" ng Rolling Stone magazine.

Kahapon, nabalitaan ko nalang kay pareng Yahoo! na pumanaw na ang diva. Nakakapanghinayang dahil isa nanamang talento ang binawi ni Bro para idagdag sa kanyang choir sa heaven. 'Di bale, kapag pumunta na tayo sa langit ay siguradong malulufet ang mga kumakantang angels na sasalubong sa atin!




7 comments:

  1. di talaga ako fan ni aleng whitney *sumalangit nawa
    pero nabigla din ako nung binalitang patay na sya. nabigla ako kasi bigla na lang umiyak ang tita ko. hai nga naman mga die hard.
    babalik ko sa'yo ang pinakauna kong natanggap na kcomment mula sa'yo ser: blog en roll parekoy \m/n_n\m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi,parekoy! salamat sa pagtambay. kakapanghinayang talaga si whitney. sayang at maaga siyang kinuha ni Lord!

      Delete
  2. Thanks for sharing.. nice blog with lot of info -- made with love ika nga! ;)

    Naku maraming biritera dito sa Virginia, USA ang nalulungkot

    ReplyDelete
    Replies
    1. welcome po sa aking tambayan. sana ay mapadalas ang pagtambay niyo dito! \m/

      Delete
  3. ngayon ko lang nalaman na siya pala ang kumanta ng i "wanna dance with somebody." lol! lahat ata ng kanta niya sinasalang sa bidyoki, ser. hindi naman ako masyadong affected kasi hindi ko naman siya gaanong kilala maliban na lang sa pagkakaalam na siya ang kumanta ng "indaaaaaaaaaaay" na paboritong pambirit ng mga sumasali sa singing contest. pero ayun nga, magaling siyang singer. hehe.

    o eh kumusta naman ang malayo sa piling ng minamahal sa araw ng mga puso? pibalemtayms ser! \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser lio, hpi baletaympers! sensya na at hindi tayo nakapagtoma noong bakasyon ko dahil sobrang nag-focus ako sa mga kulilits. next time nalang talaga :)

      Delete
  4. nakakarelate ako sa blog mo, fan kasi ako ni Whitney Houston at nasa high school naman ako nang sumikat siya noon kaya lahat ng kanta niya alam ng kageneration ko hehehe...at syempre ang mahilig sa karaoke kilala rin siya dahil sabi mo nga pambirit talaga mga kanta niya, hay sayang talaga siya

    ReplyDelete