"Isa kang Batang Nineties kung inakala mong may kaugnayan ang 'Spoliarium' ng Eraserheads sa rape case ni Pepsi Paloma."
Masyado na ang pagsikat ni Tito Sen sa internet. 'Yun nga lang, bilang isang bigotilyong kontrabida ng RH Bill, LGBT groups, at ng mga bloggers.
Nagsimula ang kanyang kalbaryo sa mga netizens nang mabuko na ang isa sa kanyang mga talumpati ay walang pahintulot na naglalaman ng mga artikulo mula sa isang kapwa-blogger. Sa madaling salita, PLAGIARIZED. Lumala ang sitwasyon nang sinabi niyang "Bakit ko naman iku-quote ang blogger? Blogger LANG 'yon." bilang pagtatanggol sa sarili.
