Monday, December 6, 2010

Naputol na Kaligayahan


Noong ako ay bata pa, inutusan akong bumili ni ermats ng toothpaste kina T'ya Uling na may may-ari ng isang mabentang sari-sari store sa lugar namin. "Pabili nga po ng Colgate, 'yung Pepsodent ang tatak...". 

Sa ating mga Pinoy, kapag sinabing Xerox, photocopier machine ang ibig sabihin. Kapag Mongol naman ang hiningi sa'yo ng anak mo para sa eskuwelahan, alam mo na ang ibig niyang sabihin. Hindi tayo makapagluto ng pagkain kapag walang Shellane o Gasul sa bahay. Hindi naman alam ng karamihan na ang Frigidaire ay isang brand ng refrigerator. Katulad na rin ng mga brand names na Styropor at Styrofoam, ang daming nagtatalo kung ano ang dapat o tamang gamitin sa pakikipag-usap.

Sa bansa ni Uncle Sam, ang term na "imeldific" ay tumutukoy sa mga taong mahihilig sa sapatos tulad ni Imelda Marcos. Ang "glorification" noong panahon ni Gloria Arroyo ay tumutukoy sa mga taong ayaw bumaba sa puwesto kahit na ayaw na ng kanyang nasasakupan. Sa blogosphere naman, kapag pangalan ko na ang nabasa mo (ehem), siyempre ang maiisip ay ang Dekada NoBenta!

Eh kung banggitin ko sa'yo ngayon ang term na "BOBBITTISED PUNISHMENT", sino ang maiisip mo?

Paano mo ba puputulan ng kaligayahan ang isang lalake? Hindi na kailangan itong itanong, tama ba?

JUNE 23, 1993, umuwing lasing si JOHN BOBBITT sa kanilang apartment at dahil sa pagkakalangok sa alak ay na-rape niya ang kanyang sariling asawa na si LORENA BOBBITT. Matapos ang mala-binaboy na Xerex Sex Story, lumabas ng kuwarto ang babae para uminom ng tubig. Nang makita niya ang isang carving knife sa kanilang kusina ay bigla niyang naalala lahat ng pang-aabuso sa kanya ng asawa niya. Dahil doon ay dinampot niya ang kutsilyo at dinala pabalik sa kanilang kuwarto upang putulin ang etits ng kanyang naghihilik na asawa.

Halos kalahati ng kanyang pagkalalaki ni John ang naputol ni Lorena. Tinangay niya ito at itinapon sa daan habang nagmamaneho palayo ng kanilang bahay. Nang mahimasmasan ang babae at medyo naisip kung gaano kalala ang kanyang nagawa, tumawag siya sa 911 para i-report ang nangyari. Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang etits na nawawala sa lugar na sinabi. Naikabit naman ang naputol na pag-aari sa pamamagitan ng isang surgical operation na tumagal ng nine and a half hours!!

Nadakip si Lorena at nagkaroon ng mga paglilitis sa krimeng nagawa. In the end, napatunayang hindi siya guilty. Nagawa niya lang ang karumal-dumal na pagputol dahil sa domestic violence na kanyang naranasan sa asawang si John. Naghiwalay din ang dalawa after ng trial.

Nang pumutok ang balita, maraming mga second rate trying hard copy cat crimes din ang naganap. Naging synonymous ang "bobbit" sa pagputol ng etits. Nagkaroon pa nga ng local movie na hango sa kuwento nila dahil panahon ng mga titi-llating films noon. Gumanap si Ruffa Gutierrez bilang "Loretta Baustista" sa pelikulang "Loretta (1994)". Kasama niya dito si Gabby Concepcion na gumanap naman bilangasawa ni Ruffa. Matatandaang ito ang isa sa mga pelikulang inilaban sa 1994 Manila Film Festival kung saan naganap ang kontrobersyal na "Take it! Take it!" sa gabi ng parangal.

Si Weird Al Yankovic nga ay naisama rin ang istorya nila sa kanyang kantang "Headline News". "Then there was this guy who made his wife so mad one night that she cut off his weiner"

Naitatag ang Lorena Red Wagon na tumutulong sa pag-prevent ng domestic violence through family-oriented activities. Kung si Lorena ay namuhay na "low profile" after ng malufet na event ng dekada, ang kanyang dating asawa naman ay maraming ginawang gimik sa buhay para pagkakitaan ang nangyari sa kanila. 

Ipinangangalandakan ni John na after niyang malampasan ang muntikan ng pagkaputol ng kanyang kaligayahan, lahat na ng taong nakakahalubilo niya ay gustong makita ang kanyang nakatago kaya pumayag siyang maging bold star. 

Potah naman, sino ba ang gustong manood ng porn na ang bida ay may etits na tinahi?! Sabagay, kahit na nakakatawa ang mga titles na "Frankenpenis" at "Bobbitt Uncut" ay mapapaisip ka rin talaga!!








6 comments:

  1. katakot ang maputulan ng ari at lalo na ang tahiin ito.

    ReplyDelete
  2. natawa ako sa kasamang pekpektyur, ser. A for ey-fort sa paglalagay ng mata at bibig. lol! parang gusto ko na rin magpaputol ng ari. gusto ko rin kasing maging porn star. loljoke! \m/

    ReplyDelete
  3. well minsan kasi naiisip ng iba ang RAPE ay hindi pwede mangyari sa mag-asawa o sa prostitute o sa taong makati o malandi.

    Rape is rape, pag ayaw, ayaw.

    ReplyDelete
  4. Aww! Wawang bobbit. Ang sakit nun awwwtttsss!!!!

    ReplyDelete
  5. UU nga, bili mo nga ako ng sunsilk, yung palmolive ha? hahahaha

    ReplyDelete
  6. ang galing mo magkwento nobenta, para lang ako nakikipag usap sa fren...

    ReplyDelete