High school daw ang pinakamasarap sa lahat. Oo para sa karamihan dahil ito ang panahon na una kang tinubuan ng buhok sa mga kakaibang parte ng katawan mo. Isama mo pa ang first gelpren o boypren mo, siguradong nakakakilig na parang isa sa mga eksena ng lecheseryeng “First Time” ng Siete. Pambansang soundtrack ng buhay nila totoy at neneng ang kanta ni Ate Shawie na laging pinapatugtog kapag malapit na ang graduation.
