Friday, May 7, 2010

Seattle's Best Love Story

Naaalala niyo pa ba ang palabas ng Shitty Siete na "T.G.I.S." noong Dekada No Benta? Well, suwerte mo ngayon dahil hindi ito tungkol sa tropa ni Dingdong Dantes noong ka-love team niya pa lang si Antoinette Taus. Layas ka na muna sa bahay ko kung nalalaglag ang panty mo sa host ng Family Feud.

Ang bida sa entry ko ngayon ay ang isa sa mga iniidolo kong si Cameron Crowe at ang masterpiece niya na talaga namang malapit sa puso kong metal. Para sa mga jejemons, c mR crOwE p0WH lng nmn aNG dIReC2R, wRITeR, aT ProdUcEr ng MGA M0vIEz 2Lad Ng ~ "Jerry Maguire", "Vanilla Sky", ahT "Almost Famous" na isa ko pang peyborit. Okay, hindi ko ito gagawin isang movie review dahil magiging biased ako kapag ganun ang tema.

SINGLES. Love is a game. Easy to start. Hard to finish.

Kaya mo bang mabuhay mag-isa? Madalas kong marinig kay Ms. San Juan na "Walang taong perpekto. In short, no man is an island" - pamatay na banat ng nakaaway kong teacher noong nasa highschool pa ako. Kahit na parang binaboy niya ang mga quotable quotes dati na ginawa rin ng Siete sa pambababoy sa lahat ng fairy tales sa lecheseryeng "The Last Prince", may point ang guro namin.


Naisipan kong i-download ang pelikulang ito dahil pinatugtog ko ang soundtrack nito kaninang umaga habang nagpapatay-oras sa office. Okay sa olrayt ang album na ito dahil sa mga contributing artists na mostly ay galing sa Seattle tulad ng Pearl Jam, Soundgarden, Alice in Chains, at Mudhoney. Isama mo pa ang idol din naming Smashing Pumpkins para sa kanta nilang "Drown" na madalas kong i-request tuwing "Remote Control Weekend" ng NU107 noong wala pa akong copy ng CD nito. Ayon kay pareng Wiki, naging malaki ang contribution ng soundtrack nito hindi lang sa success ng movie kundi ang pagbibigay ng idea sa mainstream crowd ng tunog ng Seattle Scene o Grunge Movement. Ito nga ang nagpakilala sa akin kina pareng Layne Staley at Jerry Cantrell. Kung wala ka pa nito o gustong marinig ang ipinagmamalaki ko ay pumindot lamang DITO.

Hindi ako mahilig sa love story (sinasabi ko lang para mas magmukhang astig). Walang aaming rocker na nanonood o kinikilig siya sa pelikula nina John Lloyd at Bea na "One More Chance" (bukod sa akin). Pero noong una kong mapanood ang "Singles", na-inlababo na agad ako sa pelikula. Para kasing sinulat ni Cameron ito para sa mga bandistang katulad ko noong panahon namin. Unfortunately, hindi ko ito napanood mismo sa sinehan dahil binigyan ng paksyet na MTRCB that time ng R-18 rating ang pelikula. Kahit na anong pagmamakaawa ko sa nagbebenta ng ticket sa Fiesta (Carnival) Cinema sa Cubao ay 'di nila ako pinagbigyan. Buti nalang at nakahiram kami ng mga barkada ko ng VHS copy nito sa arkilahan namin sa kanto. Napanood ko rin siya ng pangalawang beses nang mamasyal kami ng tropa sa bahay sa Filinvest ng vocalist naming si Joe.

Originally released on September 18, 1992, the story revolves around the lives of people mostly in their twenties living in an apartment for "singles". Ang setting nito ay sa Seattle, Washingston during the "grunge era" noong early nineties. Ang isang love team ay betweeen Cliff Poncier (Matt Dillon) and Janet Livermore (Bridget Fonda). Ang kuwento nila ay tungkol sa isang coffee bar waitress na obsessed sa kanyang boyfriend na  aspiring musician at vocalist ng bandang Citizen Dick. Ang isa namang love team ay tungkol sa couple na hindi mapagdesisyunan kung kailangan na ba nilang magkaroon ng commitment sa isa't isa. Medyo seryoso ang kuwento nila Linda Powell (Kyra Sedgwick) at Steve Dunne (Campbell Scott) dito dahil mostly about sex, pregnancy, at relationship. May kuwento rin dito tungkol kay Debbie Hunt (Sheila Kelley) na desperately seeking for a boyfriend kaya sumali sa "Expect the Best", isang social network dati na kung saan magpapasa ka ng video mo para makahanap ng partner. Hindi ko ikukuwento sa inyo ang movie, nasa inyo na kung paano kayo gagawa ng paraan para mapanood ang best love story ng panahon namin.

Ang nakakatuwa rin sa movie na ito ay ang mga cameo appearances ng mga sikat na tao ngayon na noon ay 'di pa ganun kakilala. Isa na dito si Tim Burton na idol ko rin sa paggawa ng mga dark movies. May apperance din si Tad Doyle na vocalist ng Tad noong magkamali ng dial sa phone si Janet. Ka-banda ni Cliff sa Citizen Dick sila Eddie Vedder, Stone Gossard, Jeff Ament (na members lahat ng Pearl Jam). Dito mo rin makikita ang biglang pagsulpot ng batambatang si Chris Cornell (longhair pa siya dito na kamukha ni Dodong Cruz ng The Youth) sa isang scene sa labas ng apartment. Ang malufet sa lahat ay ang club performance ng Alice in Chains para sa mga songs na "It Ain't Like That" at "Would?". Makikita mo rin sila Kim Thayil and the rest of Soundgarden playing "Birth Ritual".

This is a romantic comedy with a lot of "kilig moments" na nakita kong inumpisahan nila at ginaya rin ng ibang producers. Nakakatawa 'yung isang scene na tinuruan si Steve ng kanilang doctor tungkol sa sexual reproduction. After ng lecture ay ikinuwento niya sa barkada niya na may lalabas sa kanilang pututoy kapag nakipag-intercourse.....SPAM (nabingi siya sa sperm)!! Klasik naman ang style na papaunahin mong pasakayin sa kotse ang babae tapos sa rear ka iikot bago pumasok sa driver seat. Kapag binuksan ng girl ang lock, may concern siya sa iyo. Napanood ko na itong scene na ito sa isang mob movie, 'di ko lang maalala 'yung title pero may pampakilig na ginawa ang Singles kumpara doon. Maganda ang naging respond ng Generation X crowd nang lumabas ito sa takilya. Kaya nga nagkaroon ng mga successful imitators tulad ng "Reality Bites" at "Threesome". Nagkaroon din daw ng offer si Cameron from other producers na gawaan ng teevee seies ang movie kaso hindi siya pumayag. Dito nabuo ang concept ng "F.R.I.E.N.D.S".

Tulad ng nasabi ko kanina, astig ang OST nila. Maganda ang musical scoring na ginawa ni Paul Westerberg (The Replacements). Timing ang pagpasok ng mga kanta sa mga scenes ng pelikula. May isang part nga pala sa pelikula na maririnig mo ang early acoustic version ng intro ng "Spoonman". sakto ang iyak ng gitara ni Jimi Hendrix sa part na gustong halikan ni Steve si Linda kaso naudlot. Mostly grunge at alternative artists ang kinuha nila for this kaso sa gina ng lahat ay inayawan ni pareng Kurdt ng Nirvana ang offer. Heto ang interview sa kanila about this. Ang sabi naman ng iba, masyado nang mahal ang presyo nila dahil kasikatan na ng "Nevermind" noong time na ginagawa 'yung soundtrack. Paborito ko ang "Dyslexic Heart". Dahil sa kantang ito ay nalaman kong may ganitong salita pala na ang ibig sabihin ay "difficulty in learning to read or interpret words". Kahit ang salitang "misconstrue" na part ng lyrics ay kinunsulta ko pa si pareng Oxford para malaman lang ang meaning.

Hindi pumatok sa mga Pinoy ang pelikula na ito siguro dahil sa kulang na publicity. Kaya nga madalas akong makipagtalo sa mga paksyet na nagsasabing "Uy, soundtrack yan ng TGIS ha" kapag naririnig na nila ang "na na na na... na na na na na....."!



P.S.

To acces Cameron Crowe's diary on this movie, CLICK HERE




9 comments:

  1. Favorite ko din tong movie na ito kasi mga favorite bands ko ang gumawa ng OST nito.

    Very nice post!!! =)

    ReplyDelete
  2. yup, klasik talaga ang mga kantang na-contribute ng mga kumpare ko para sa movie na ito. da best. walang tatalo.

    ReplyDelete
  3. have not seen the movie...

    hahanapin ko yan minsan...

    ReplyDelete
  4. parang kay tagal tagal na ng movie na yan! Kung di ako nagkakamali grade 4 palang ako nyan!

    Hahhaha

    Ingat

    ReplyDelete
  5. @ gillboard: salamat sa pagdaan. sige, try mo maghanap.sulit ang download time

    @ drake: parekoy, 'wag ka na magpabata dahil magkasing-edad lang tayo!

    ReplyDelete
  6. Di ko lam tong movie na ito ah..buti na lang napadaan ako..thanks sa pag share..download ko nga..

    ReplyDelete
  7. parekoy,

    download na dahil sulit ang pelikula. 'di ka magsisisi

    ReplyDelete
  8. Papuri sa nakaimbento ng torrent.

    itotorrent ko to. lol

    ReplyDelete