Thursday, October 6, 2011

Bless the Beasts and the Children

Hanson Brothers - Zac, Isaac, and Taylor

Nabalitaan ko sa internet na dinalaw kamakailan ng Westlife ang bansang Pilipinas para magtanghal ng kanilang munting konsiyerto. Marami raw loyal fans ang dumalo at karamihan dito ay ang mga kababaihang nalaglagan ang mga panties. Sayang at nandito ako sa China, sana ay nasa Pilipinas ako. Hindi ko pa naman sila gustong mapanood. Pero sa totoo lang, ang kanta nilang "My Love" ay ang isa sa mga napag-tripan namin ng mga roommates ko noong ako ay nagtatrabaho pa sa Saudi. Ganun yata talaga, kapag dinatnan ka ng topak sa disyerto ay kakapal ang mukha mo para magpakagago.




ang Yan Burats

Ang mga grupong katulad ng Westlife ay ang mga nagpasaya at nagpagulo sa industriya ng musika noog Dekada NoBenta. Ang mga kanta nila ay patok na patok sa masa at ito ay isa sa mga dahilan upang "mapabagsak" ang mga tulad ng Smashing Pumpkins. End of music. Taena na kasi ang mga ito, wala namang alam na tugtuging musical instrument pero BOYBANDS ang tawag. Utot niyong blue, mukha lang ang naman ang puhunan niyo!

Sikat pa rin yata sila dahil hanggang dito sa China ay naririnig ko pa rin ang mga pilit nilang boses at ang malufet ay may mga intsik version pa! 

Kung boybands lang naman ang pag-uusapan, mas sasang-ayon pa ako sa grupo ng magkakapatid na HANSON na kinabibilangan nila Isaac (guitar, vocals), Taylor (keyboards, piano, vocals), at Zac (drums, vocals) dahil may kanya-kanya silang instrumentong tinutugtog. Maniwala man kayo o hindi, ang kanta nilang "MMMBop" ay naririnig kong pinapatugtog sa mala-KFC na resto naming kinakainan dito sa lupain ng mga tsekwa. Hindi ko alam kung talagang delayed lang ang bansang ito sa western music o talagang itinadhanang maging pangmatagalan ang kasikatan ng awit ng magkakapatid. Kapag naririnig ko ang pinakasikat nilang single na nagawa ay hindi ko alam kung matutuwa ako o maiirita dahil sa totoo lang, isa ako sa mga humanga, nakinig, at naumay sa kantang ito. Sa kasagsagan ng mga punyemas na boybands at unti-unting pagkamatay ng alternatibong musikang Pinoy at grunge, natuwa ako noong una kong mapanood ang video ng MMMBop sa MTV bandang 1997 dahil may marunong pa rin palang gumamit ng gitara noong mga panahong iyon. Simula noon ay madalas na namin itong abangan nila utol. Akala pa nga namin noong una ay babae ang bokalista nila dahil boses at mukhang babae siya. Paksyet, naisahan kami ng kapwa naming may lawit rin sa ibaba. Ang ganda ng beat at catchy ang lyrics lalo na 'yung chorus na hindi mo naman talaga alam kung ano ang kahulugan:
Mmm bop, ba duba dop, Ba du bop, ba duba dop Ba du bop, ba duba dop, Ba du
Potah, mainsteam success ang inabot ng trio dahil sa massive play nila sa airwaves. Ang debut album nilang "Middle of Nowhere" kung saan galing ang sikat na sikat na kanta ay bumenta lang naman ng 10 million copies worldwide. Nag-number 1 ito sa 27 bansa at nakuha nito ang #12 ranking sa US Billboard 100 noong 1997 kung kailan ito ito ay lumabas. Sa End of Decade Charts ng US Billboard 100, nakuha naman nito ang  #57 spot. Nakuha naman nito ang #20 rank sa VH1's "100 Greatest Songs of the 90s".

Kung maraming natuwa, siyempre ay marami ring naalibadbaran sa paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit na pagpapatugtog ng kantang pang-LSS. Kaya naman noong 2010 ay nakuha nito ang #17 ranking sa AOL Radio's 100 Worst Songs Ever. Binoto naman ito noong 2011 bilang #6 sa Rollingstone Magazine's "Worst Songs of the 90's". Ang tindi talaga nila, 'di ba?

Kung nanonood ka dati ng "Celebrity Deathmatch" ay sigurado akong ituturing mong klasik ang laban sa pamagitan ng Spice Girls at Hanson Brothers para sa titulong "Most Annoying Band in the World". Walang nanalo dahil sabay-sabay silang kinatay ni Marilyn Manson na aminadong iritado sa dalawang grupo. Rakenrol! May mga tsismis kasi noon na pinaniniwalaang sugo ni Satanas ang mga bata. The devil works in his mysterious and clever ways - ang MMMBop daw ay ang ginagamit ng demonyo para malayo tayo sa pananampalataya kay Kristo. Siyempre, hindi papayag ang "Most Evil Mn in America" na makuha sa kanya ang pagiging Anti-Christ Superstar! Heto ang video kung ikaw ay interesado:





Alam niyo bang sa sobrang pagkabuwisit ng marami sa kanta ng Hanson ay naisipan gamitin ito ng ibang tao sa mga fund-raising campaign? Ang Delone Catholic High School sa Pennsylvania, USA ay nagkaroon ng pakulong "Stop the Bop" para matulungan ang nasalanta ng bagyong Katrina. Papatugtugin ang "MMMBop" sa loob ng eskuwelahan bago magsimula ang araw at tuwing kada simula ng isang period o klase. Huminto lang ang ganitong katarantaduhan nang makalikom na sila ng $3,000.

Ginaya rin ito ng Mount Douglas Secondary School at ang mas malufet, non-stop itong pinapatugtog bago magsimula at matapos ang klase. Para mas nakakabingi, isinama pa nila ang lunch break! Hindi raw ito hihindi hangga't hindi sila nakakapag-ipon ng perang pampagawa ng panibagong eskuwelahan sa ibang lugar. Ayus sa impossible (pero mukhang nakamit yata; 'di ako sigurado) dream.

Ang grupo ng Hanson ay hindi ibinibilang sa listahan ng mga "One-Hit Wonders" dahil marami silang mga sumikat na kanta bukod sa kantang ayaw mo na ring mabasa sa enrty ko.

Teka, ano nga ba ang mga iyon? Bigyan kita ng mga sampols.

Natatandaan mo ba 'yung sumikat nilang "MMMBop"? Eh 'yung isa pa nilang single na "MMMBop"? Tsaka sumikat din 'yung "MMMBop".




9 comments:

  1. mmmmbop....

    may dance steps pa nga yan. hahahaha

    nabaliw ang at ko dyan sa hanson, lels. kras nia si taylor,

    alam ko may isa pa silang naging hit song..... ayun... weird.... emote mtv hahaha

    ReplyDelete
  2. ampotek!... isa ako sa nahumaling sa kantang ito..... meron din rivalry ng mga fans HANSON vs. MOFFATS... eheheheheh

    ReplyDelete
  3. woaaahahaha namiss ko tong mga to. Elementary days. Uso pa boy bands non.

    ReplyDelete
  4. @khanto: tama, sinayaw yat ng streetboys ang mmmbop. lahat naman yata ng kababaihan eh naloka kay taylor. wala silang choice kasi mukhang kabayo yung dalawa niyang kapatid! hahaha

    @shyvixen: next entry ang moffatts. masyado na kasing mahaba kung isisingit ko sila sa kuwento ng hanson

    ReplyDelete
  5. @makina: kapag walang magawa at biglang naririnig sila sa radyo, biglang bumbalik ang mga alaala. hehehe

    ReplyDelete
  6. hahaha! ang dami nga nilang sumikat na kanta. hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino sa kanila ang may pekpek. teka, lalake ba sila lahat? kala ko gay. lol!

    p.s. feel na feel ng yan burats 'yung my love o. XD

    ReplyDelete
  7. ser lio, tagal mong mag-update sa crib mo! oo naman, marami silang kantang sumikat. nakalimutan ko ngang idagdag 'yung isa pa nilang sikat na kanta....yung "mmmbop".

    taenang YBR yan, mukhang mga tange. \m/

    ReplyDelete
  8. ser jayson, pasensiya. medyo toxic ang audit shit ngayon - peak season - kaya madalang ang update. o_O

    ReplyDelete
  9. hongapala, malapit na matapos ang taon kaya malamang ay madalas ang pag-finger mo sa calculator! ser, painom ka kapag akuha mo na ang premyo mo sa SBA! \m/

    ReplyDelete