kuha ng pagoda isang araw bago ito lumubog sa ilog ng Wawa
Noong ako ay bata pa, mga ilang beses ko ring narinig sa mga matatanda at mga bagets ang pang-Miss Universe na katanungang "Kung ang bangkang sinasakyan ninyo ay lulubog at isa lang ang puwede mong sagipin, sino ang pipiliin mo, ang iyong kasintahan o ang iyong nanay?". Madalas itong pinagtatalunan na napupunta sa maboteng usapan dahil walang gustong magpatalo sa kung sino ang may tama o ang may maling sagot. Buti pa ang manok, napatunayan na nating huling dumating kaysa mga itlog ni Adan.
Ang tanong, paano ka sasagip ng buhay kung hindi ka naman marunong lumangoy?! Paano mo rin magagawang sagipin ang mahal mo sa buhay kung daan-daang tao rin ang nakikita mong unti-unting nalulunod ng sabay-sabay? Hindi ka ba matataranta at matatakot?
Ang eksenang ganito ay ang isa sa mga kinakatakutan ko dahil hindi ako marunong lumangoy. Kaya hindi ako nag-seaman ay dahil may pangamba akong malunod kaagad kapag nag-ala-Titanic ang barkong sinasakyan. Marunong ako ng langoy-aso pero mga isang minuto lang ay hindi na ako lumulutang dahil ngalay na. Marunong din akong mag-floating dahil madali lang naman magpatay-patayan. Mukhang tanga lang sa tubig kaya minsan ay pinapangarap kong sana ay katulad nalang ng Dead Sea ang lahat ng dagat para tiyak na 'di ako lulubog!
Kapag trahedya sa anyong-tubig ang pinag-uusapan, dalawang malagim na pangyayari sa Pinas ang naaalala ko - ang paglubog ng MV Doña Paz noong 1987 at ang BOCAUE PAGODA TRAGEDY.
Ayon sa mga kuwento ng ating mga ninuno, ang kapistahan ay pagbibigay-pugay sa banal na krus ng Wawa na natagpuang lumulutang daw sa ilog 200 taon (1850's) na ang nakakaraan. Ang isa sa mga pinakasikat na istorya tungkol dito ay kung paano nito sinagip ang isang nalulunod na babae. Magmula noon ay naging tradisyon na ng Bocaue, Bulacan ang paggunitang isinasagawa tuwing unang Linggo ng Hulyo. Tinawag ito sa kasaysayan bilang "PAGODA SA WAWA" na kilala rin sa mga tawag na "Bocaue River Festival", "Bocaue Pagoda Festival", at "Pista ng Mapagpalang Krus sa Wawa". Ang replika ng krus ay inilalagay sa pagoda na ipinaparada sa ilog sa pamamagitan ng mga bangka. Ito ay dinadaluhan ng mga lokal ng Bulacan at dinarayo rin ng mga deboto galing sa iba't ibang panig ng bansa.
Sa paniniwala nating mga Pinoy, normal lang ang mga "buwis-buhay" kapag may ganitong mga kapistahan. Hindi ba't isa sa mga inaabangan sa balita kapag "Araw ng Quiapo" ay kung ilan ang namatay sa prusisyon? Pero kung lampas sa dalawandaang katao ang masasawi, ito ay hindi na natin masasabing pangkaraniwan.
JULY 2, 1993, mga bandang 9:00 ng gabi, ang kapistahang dapat sana ay kasiyahan ang dala ay nauwi sa trahedya. Ang madilim na lugar ng Wawa (nagkataong brownout noon) ay nabalot ng iyakan at paghingi ng saklolo matapos bumigay ang mga bangkang kinalalagyan ng pagoda at unti-unting lumubog papailalim sa halos nasa 20-talampakan ng maburak na ilog. Mahirap ang pangyayaring iyon dahil sa sobrang dilim ay hindi maaninag ng mga nais tumulong ang mga taong kailangang sagipin. Mabilis ang pangyayari dahil ilang saglit lang ay biglang nanahimik ang ilog - hudyat na ang iba ay ligtas na at ang iba naman, sa kasamaang-palad, ay binawian na ng buhay.
Kinabukasan ay laman ng lahat ng balita ang naganap. Napanood ko sa teevee ang mga bangkay na nakuha galing sa ilog at talaga namng makapanindig-balahibo ang aking nasaksihan. Sa murang edad kong kinse anyos, ang makakita ng mga kalunus-lunos na sinapit ng nalunod na buntis, mga bata, at iba pang dumalo sa pagdiriwang ay mahirap malimutan. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan ang itsura ng mga lumobo nilang katawan dahil sa pagkakababad sa tubig. Kahit na sa teevee ko lang ito nakita ay amoy na amoy ko ang pagkakalarawan ng mga mamahayag sa hanging kanilang nalalanghap na nagmumula sa lugar kung saan nakalatag ang mga bangkay. Simpatya ang naramdaman ng buong sambayanan sa mga kaanak ng mga nasawi - ang mapanood mo silang nag-iiyakan, balisa at tuliro habang isa-isang sinusuri ang mga katawang nakahilera sa pagbabakasakaling nandoon ang mga mahal sa buhay na nasawi ay kukurot sa iyong puso.
Kasama sa mga nasawi ang 13-anyos na si Sajid Bulig, ang batang bayani na sumagip sa apat na batang nalulunod. Sa kasamaang-palad, natamaan siya ng mga nagbabagsakang kahoy at ito ang naging dahilan upang siya ay pumanaw.
Si Crispin Mendoza, isang photographer, ay isa rin sa mga hindi pinalad na makaligtas nang lumubog ang pagoda. Ang larawan sa itaas ay galing sa kanyang camera na kuha noong July 1, 1993, isang araw bago ang trahedya.
Sa kabuuan, 296 katao ang naitalang nasawi sa trahedya.
Marami ang itinuturong dahilan kung bakit lumubog ang istrukturang ginamit sa prusisyon. Ayon sa imbestigasyon ng NBI, bago pa man maglayag ang mga bangka, ang pagoda ay nakatagilid na sa isang bahagi. Nalaman ding walang inilagay na mga drums na nagsisilbing "floaters". Mas mataas din ang pagodang ginamit kumpara sa nakaraang taon, dahilan upang ito ay maging mas mabigat at hindi kinaya ng mga bangkang bumubuhat dito. Isama mo pa ang kapasidad na hanggang 300 katao lang; ayon sa mga saksi, ang lulan ng pagoda bago ito lumubog ay nasa 500 katao. May mga nagsabi rin naman sa mga nakaligtas na tumagilid ang pagoda nang magpuntahan sa isang bahagi dahil sa panonood ng fireworks.
Sa naganap na trahedya, inakasuhan ng "Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide" noong taon ding 'yun ang mga nasa likod ng pag-organisa ng Bocaue River Festival - Roberto Pascual, Claro Florentino, Teodoro Nicolas, Nicasio Pangan, at Jose Pangan. 1993. Ang malufet nga lang, walang nanagot sa kanila dahil ibinasura ng korte ang kaso laban sa kanila noong 1995. Kapos sa buhay ang karamihan ng mga kaanak ng nasawi kaya kakaunti lang ang may kakayahang magbayad ng "attorney's fee" para umusad ang pagdinig. Ang mga nagsampa ng kaso ay pumayag nalang sa kasunduan na sila ay bayaran hindi bilang danyos kundi bilang tulong lang sa naganap.
Sa pagkakatanda ko, isinapelikula noong 1995 ang trahedya sa ilog. Hindi ko sigurado kung ang "Bocaue Pagoda Tragedy" sa direksyon ni Maria Saret ay isang pito-pito film dahil hindi ko ito napanood. Wala rin akong balita kung nakatulong ito ng pinansyal sa mga naiwanan ng mga nasawi.
Maraming mga donasyong nalikom mula sa iba't ibang sektor ng lipunan, dahilan upang magkaroon ng kooperatiba ang mga nakaligtas at kaanak ng mga di-pinalad. Pero dahil ang tao ay mukhang pera, marami ang nasilaw sa salapi at ito ay naging maanomalya.
Sa pangyayaring naganap, ito ay naging isang dagok sa buong bansa. Itinigil ag pagdiriwang mula 1994 hanggang 1999 sa pangambang baka ito'y maulit. Nang muli itong ipagdiwang para gunitain ang mga biktima ng pagoda at pagbigay-pugay sa banal na krus, naging maingat na ang lokal na pamahalaan ng Bocaue sa pamamagitan ng paglatag ng mga panuntunan.
Akala ng lahat ay magiging aral na ang Bocaue Tragedy sa pagdiriwang ng mga "fluvial parades" sa Pinas pero ito ay nasundan pa ng ilang trahedya sa ibang panig ng bansa tulad ng sa Pampanga at Visayas.
Sa mga nasawi, sigurado kaming masaya na kayong nagtatampisaw sa ilog ni Bro.
Kapag trahedya sa anyong-tubig ang pinag-uusapan, dalawang malagim na pangyayari sa Pinas ang naaalala ko - ang paglubog ng MV Doña Paz noong 1987 at ang BOCAUE PAGODA TRAGEDY.
Ayon sa mga kuwento ng ating mga ninuno, ang kapistahan ay pagbibigay-pugay sa banal na krus ng Wawa na natagpuang lumulutang daw sa ilog 200 taon (1850's) na ang nakakaraan. Ang isa sa mga pinakasikat na istorya tungkol dito ay kung paano nito sinagip ang isang nalulunod na babae. Magmula noon ay naging tradisyon na ng Bocaue, Bulacan ang paggunitang isinasagawa tuwing unang Linggo ng Hulyo. Tinawag ito sa kasaysayan bilang "PAGODA SA WAWA" na kilala rin sa mga tawag na "Bocaue River Festival", "Bocaue Pagoda Festival", at "Pista ng Mapagpalang Krus sa Wawa". Ang replika ng krus ay inilalagay sa pagoda na ipinaparada sa ilog sa pamamagitan ng mga bangka. Ito ay dinadaluhan ng mga lokal ng Bulacan at dinarayo rin ng mga deboto galing sa iba't ibang panig ng bansa.
Sa paniniwala nating mga Pinoy, normal lang ang mga "buwis-buhay" kapag may ganitong mga kapistahan. Hindi ba't isa sa mga inaabangan sa balita kapag "Araw ng Quiapo" ay kung ilan ang namatay sa prusisyon? Pero kung lampas sa dalawandaang katao ang masasawi, ito ay hindi na natin masasabing pangkaraniwan.
Kinabukasan ay laman ng lahat ng balita ang naganap. Napanood ko sa teevee ang mga bangkay na nakuha galing sa ilog at talaga namng makapanindig-balahibo ang aking nasaksihan. Sa murang edad kong kinse anyos, ang makakita ng mga kalunus-lunos na sinapit ng nalunod na buntis, mga bata, at iba pang dumalo sa pagdiriwang ay mahirap malimutan. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan ang itsura ng mga lumobo nilang katawan dahil sa pagkakababad sa tubig. Kahit na sa teevee ko lang ito nakita ay amoy na amoy ko ang pagkakalarawan ng mga mamahayag sa hanging kanilang nalalanghap na nagmumula sa lugar kung saan nakalatag ang mga bangkay. Simpatya ang naramdaman ng buong sambayanan sa mga kaanak ng mga nasawi - ang mapanood mo silang nag-iiyakan, balisa at tuliro habang isa-isang sinusuri ang mga katawang nakahilera sa pagbabakasakaling nandoon ang mga mahal sa buhay na nasawi ay kukurot sa iyong puso.
Kasama sa mga nasawi ang 13-anyos na si Sajid Bulig, ang batang bayani na sumagip sa apat na batang nalulunod. Sa kasamaang-palad, natamaan siya ng mga nagbabagsakang kahoy at ito ang naging dahilan upang siya ay pumanaw.
Si Crispin Mendoza, isang photographer, ay isa rin sa mga hindi pinalad na makaligtas nang lumubog ang pagoda. Ang larawan sa itaas ay galing sa kanyang camera na kuha noong July 1, 1993, isang araw bago ang trahedya.
Sa kabuuan, 296 katao ang naitalang nasawi sa trahedya.
Marami ang itinuturong dahilan kung bakit lumubog ang istrukturang ginamit sa prusisyon. Ayon sa imbestigasyon ng NBI, bago pa man maglayag ang mga bangka, ang pagoda ay nakatagilid na sa isang bahagi. Nalaman ding walang inilagay na mga drums na nagsisilbing "floaters". Mas mataas din ang pagodang ginamit kumpara sa nakaraang taon, dahilan upang ito ay maging mas mabigat at hindi kinaya ng mga bangkang bumubuhat dito. Isama mo pa ang kapasidad na hanggang 300 katao lang; ayon sa mga saksi, ang lulan ng pagoda bago ito lumubog ay nasa 500 katao. May mga nagsabi rin naman sa mga nakaligtas na tumagilid ang pagoda nang magpuntahan sa isang bahagi dahil sa panonood ng fireworks.
Sa naganap na trahedya, inakasuhan ng "Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide" noong taon ding 'yun ang mga nasa likod ng pag-organisa ng Bocaue River Festival - Roberto Pascual, Claro Florentino, Teodoro Nicolas, Nicasio Pangan, at Jose Pangan. 1993. Ang malufet nga lang, walang nanagot sa kanila dahil ibinasura ng korte ang kaso laban sa kanila noong 1995. Kapos sa buhay ang karamihan ng mga kaanak ng nasawi kaya kakaunti lang ang may kakayahang magbayad ng "attorney's fee" para umusad ang pagdinig. Ang mga nagsampa ng kaso ay pumayag nalang sa kasunduan na sila ay bayaran hindi bilang danyos kundi bilang tulong lang sa naganap.
Sa pagkakatanda ko, isinapelikula noong 1995 ang trahedya sa ilog. Hindi ko sigurado kung ang "Bocaue Pagoda Tragedy" sa direksyon ni Maria Saret ay isang pito-pito film dahil hindi ko ito napanood. Wala rin akong balita kung nakatulong ito ng pinansyal sa mga naiwanan ng mga nasawi.
Maraming mga donasyong nalikom mula sa iba't ibang sektor ng lipunan, dahilan upang magkaroon ng kooperatiba ang mga nakaligtas at kaanak ng mga di-pinalad. Pero dahil ang tao ay mukhang pera, marami ang nasilaw sa salapi at ito ay naging maanomalya.
Sa pangyayaring naganap, ito ay naging isang dagok sa buong bansa. Itinigil ag pagdiriwang mula 1994 hanggang 1999 sa pangambang baka ito'y maulit. Nang muli itong ipagdiwang para gunitain ang mga biktima ng pagoda at pagbigay-pugay sa banal na krus, naging maingat na ang lokal na pamahalaan ng Bocaue sa pamamagitan ng paglatag ng mga panuntunan.
Akala ng lahat ay magiging aral na ang Bocaue Tragedy sa pagdiriwang ng mga "fluvial parades" sa Pinas pero ito ay nasundan pa ng ilang trahedya sa ibang panig ng bansa tulad ng sa Pampanga at Visayas.
Sa mga nasawi, sigurado kaming masaya na kayong nagtatampisaw sa ilog ni Bro.
dahil batang 90's me. naaalala ko ang news tungkol dito. nakakasad nga lang at andami namatay.
ReplyDeleteat same tayo, di ako marunong lumangoy... kahit nag-swimming lessons me... walang epek.
hi! grade 2/3(? hindi ko masyadong maalala)noong maganap ang pagoda tragedy,nag-aaral ako sa isang eskwelahan sa bocaue noon. isa sa mga nakasakay sa bangka ay ang kaklase ko at ang tatay nya. Mabuti at nakaligtas naman sila. Nakakalungkot ang nangyari noon, at mas na-realize ko na lang ang impact nya ng unti-unti nakong tumatanda. Hindi din ako marunong lumangoy..heheheh
ReplyDeleteSobrang tragic ng pangyayaring ito... Nakita ko sa news noon sa TV, nakakaawa mga namatay. Yung dati kong officemate na si Jheng at yung younger sister nya kasama sa mga nailigtas... Nagka trauma silang magkapatid sa dagat or sa ilog...
ReplyDeleteHmmm.... what I love about your post is your attention to details. Parang every post kailangan may research! Haha. Batang 2000s kasi ako eh kaya di ko masyadong alam to. hehe. :)
ReplyDeleteay major major news ito sa mga laking dekada 90!
ReplyDeletekaloka nga ang naganap dito at grabe ang mga ghost stories na nafeature dahil dito sa lihim ng gabi dati sa gma 7!