Thursday, October 13, 2011

A.I.D.S. Does(n't) Matter


Nabasa ko sa Yahoo! News na nakamit ng ating bansang Pilipinas ang "all-time high" na 204 Human Immunodeficiency Virus o HIV cases sa buwan Hulyo ng kasalukuyang taon ayon sa Deprtment of Health. Sa madaling salita, pitong Pinoy ang tinatamaan ng nakamamatay na virus kada 24 oras. Ito ay mas mataas sa average ng nakaraang taon na limang HIV patients daily. Sa ngayon, isa ang Pinas sa pitong bansang patuloy na tumataas ang kaso ng HIV at Acquired Immunodefieciency Syndrome o AIDS kasama ang Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Tajikistan.

Sa panahon ng efbee at mga tabletang sobra sa high-tech, parang pangkaraniwan nalang kapag nabalitaan mong may isang taong dinapuan ng sakit na ito. Ang impresyon lang ng karamihan, wild at adventurous ang naka-jackpot sa sakit na hanggang ngayon ay wala pang lunas. Parang "wala lang" at "eh ano ngayon?". Dedma.

Noong Dekada NoBenta, ang sakit na ito ay hindi pangkaraniwan. Isa itong kinatatakutang salot na dahil sa bago pa noon ay kung anu-anong haka-haka at paniniwala ang nabuo.

Pero bago ko simulan ang kuwentong walang kuwenta, alamin muna natin ang kaibahan ng taong may HIV at taong may AIDS dahil hindi naman ibig sabihin na kapag ang isang nilalang ay HIV+, siya ay may AIDS na. Ayon sa pagsasaliksik, "HIV is a condition in the human body in which there is a progressive deterioration of the immune system (body defense) or the ability to fight off disease. AIDS is a disease of the human immune system when it is greatly weakened by HIV. This makes the infected individual vulnerable to other life threatening infections.". Now you know. Huwag mong sabihin balang-araw na "I was not informed!".

Ang unang kaso ng AIDS sa bansa ni Uncle Sam ay noong June 5, 1981 na kinasasangkutan ng limang binabae. Noong una ay GRID ang itinawag dito o "gay-related immnune defieciency". Tinawag din ito ng Center for Disease Control (CDC) na "the 4H disesase" dahil ang mga karaniwang nagkakaroon nito ay ang mga Haitians, homosexuals, hemophiliacs, at heroin-users. September 1982 unang ginamit ng CDC ang medical term na AIDS.

Sa unang taon ng nineties, ginulat ang mundo ng musika sa pagpanaw ni FREDDIE MERCURY ng bandang Queen noong November 24, 1991. Kahit na noong 1987 pa siya na-diagnose sa pagiging HIV+, nalaman lang ng madla ang kanyang karamdaman isang araw bago siya pumanaw. Siya ang kauna-unahang "sikat" at tinitinigalang homosexual celebrity na yumao sa pagputok ng Dekada NoBenta. Ang "The Freddie Mercury Tribute Concert for AIDS Awareness" na ginanap noong April 20, 1992, ay ang isa sa mga benefit concerts na nagmulat sa mundo pagdating sa sakit na ito.

Ang kauna-unahang high profile heterosexual na yumao sa sakit na ito noong nineties ay si ARTHUR ASHE, isang African American tennis player na nanalo ng tatlong Grand Slam titles noong kanyang kalakasan. Ayon sa mga kuwento, nalaman niyang siya ay HIV+ noong August 31, 1988 at nakuha niya raw ito sa pamamagitan ng blood transfusions na ginawa noong siya ay dumaan sa isang operasyon para sa kanyang puso early 80's. Dahil ang sakit na ito ay kinatatakutan ng lahat, inilihim niya ito sa madla hanggang April 1992. Pumanaw siya sa sakit na AIDS-related pneumonia noong February 6, 1993.

Ang isa sa mga 'di ko rin malilimutang balita na pumukaw sa atensyon ng buong mundo noong mga unang taon ng dekada ay ang pasabog ni EARVIN "MAGIC" JOHNSON, ang sikat na sikat na point guard ng L.A. Lakers na naglalaro para sa National Basketball Association o NBA. Nasa first year highschool ako noong mapanood namin sa teevee ng lola ko ang news flash ng GMA7 na nagpalabas ng anunsiyo ng malufet na basketball player. November 7, 1991 nang ibalita ni Magic na magreretiro na siya dahil sa pagiging HIV+. Nooong una ay sinabi niyang hindi niya alam kung paano at saan niya nakuha ang sakit pero nang lumaon ay inamin niya rin ang pagkakaroon ng multiple sexual partners. Noong mga panahong iyon ay bihira pa ang makakuha ng sakit na ito sa pamamagitan ng heterosexual intercourse kaya nagkaroon ng tsismis na siya ay bading o bisexual. Itinuro niya si Isiah Thomas na nagkakalat ng paninirang-puri na matindi namang pinabulaanan ng huli. Nakapaglaro pa siya sa 1992 NBA All-Star Game kahit na marami sa mga players ang maglaro siya sa court sa pangambang baka masugatan siya. May isa namang tsismis na wala naman daw talagang sakit si Magic. Na-Mafia lang daw siya at ang sakit ay isang palabas lang para hindi na siya makapaglaro sa NBA.

Maraming taong takot sa sakit na AIDS. Ang problema nga lang noon ay hindi naman alam ng karamihan kung ano ang dapat katakutan. Sa Pilipinas nga lang ay nagkaroon ng AIDS scare kung kailan takot ang mga taong magpunta sa mga malls dahil sa balitang may nagtuturok daw ng virus sa mga pampublikong lugar. Isang urban legend na hindi malilimutan ng mga batang nineties.

Sa kasagsagan ng lumalalang sakit ng lipunan at ng buong sanlibutan ay nagkaroon ng mga pelikulang nagbigay ng kaalaman sa kung ano nga ba ang AIDS. Isa na dito ay ang "PHILADELPHIA" na ipinalabas noong December 24, 1993. Pinagbidahan ito Tom Hanks at Denzel Washington kung saan ang kuwento ay tumatakbo sa isang abogadong idinemanda ang kanyang kumpanyang pinapasukan matapos na siya ay tanggalin sa dahilang pagiging HIV+. Hindi ko makakalimutan ang pelikulang ito dahil ito ay isa sa mga movie reports na tinalakay namin noong ako ay nasa high school. Dito ko lang nalaman na ang Philly ay "The City of Brotherly Love". Magaling ang pag-arte ni Hanks dito kaya siya nanalo ng Academy Awards for Best Actor. Sa pelikula ring ito sumikat ang kanta ni Bruce Springsteen, ang "Streets of Philadelphia" na ilang beses kong napanood sa MTV.

Isa pang dabest na pelikulang napanood ko ay ang "THE CURE" na ipinalabas naman noong April 21, 1995. Hindi ko ito napanood sa sinehan, sa movie special lang ng Channel 2 ko ito natunghayan. Ito naman ay tungkol pagkakaibigang namagitan sa dalawang bata na ang isa ay nagkaroon ng AIDS dahil sa blood transfusion. Wala silang iwanan hanggang sa huli. Natatandaan ko pa ang mensahe ng Dos bago ito magsimulang ipalabas -  na dapat daw ay intindihin ng mga magulang upang ito ay maipaliwanag ng mabuti sa kanilang mga anak. Pagkatapos ng pelikula, lahat kami sa bahay kasama ang alaga naming asong si Putchie ay nag-iiyakan dahil sa nakaka-sad na ending!

Tayong mga Pilipino ay hindi nagpadaig sa mga pelikulang Kano dahil noong 1993 ay ipinalabas naman ang pelikulang "DAHIL MAHAL KITA" sa direksyon ni Laurice Gullien. Ito ay pinagbidahan ng "Star for All Seasons" na si Vilma Santos. Gumanap siya sa karakter ni MA. DOLZURA CORTEZ, ang kauna-unahang Pinay na lumantad sa publiko bilang AIDS patient / victim at namatay noong 1992. Ang totoo, hindi naman siya masyadong napansin ng mga tao. Nakilala lang ang kanyang pangalan matapos maipalabas ang pelikulang ito. Para sa akin, ang memorable scene rito ay ang ending kung saan gusto pa ring maligo ni Dolzura bago siya bawian ng buhay.

Ang ikalawang Pinay na lumantad sa publiko sa pagiging HIV+ ay si SARAH JANE SALAZAR sa edad na 19 taon noong 1994. Kakaiba ang kuwento ng buhay niya dahil noong una ay naging AIDS activist at educator siya para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga tao tungkol sa sakit na ito. Pagsapit ng 1997, siya ay kinasuhan ng "child abuse" dahil sa pakikipagtalik ng "walang proteksyon" (na taliwas sa kanyang itinutro sa mga forums) sa noo'y 16 taong-gulang si Ritchie Atizado. Naging laman ng mga diyaryo at telebisyon ang mga kontrobersiyang ginagawa nila. Inlababo daw sila sa isa't isa kaya wala naman daw masama sa kanilang ginagawa. Ang malufet nito ay nagbunga pa ang kanilang pag-iibigan. Sumakabilang-buhay si Sarah noong June 11, 2000 pero bago nito ay dumaan siya sa matinding depresyon na naging dahilan upang siya ay ipasok sa National Center for Mental Health. Noong 1994 ay ginawa ring pelikula ang buhay niya - "THE SECRETS OF SARAH JANE (SANA'Y MAPATAWAD MO)" kung saan si Gelli De Belen ang gumanap sa kanyang katauhan.

Ang AIDS ay isang sakit na hanggang nngayon ay walang lunas. Wala sa mga tuko at mga halamang-gubat ang gamot para dito. Tanging si Bro lang ang nakakaalam kung ano ang makakapagpagaling at Siya lang din ang nakakaalam kung bakit hindi kayang malaman ng tao ang makakapuksa sa karamdamang kadalasan ay mga gahaman sa laman ang tinatamaan. Maaaring ito ay malinaw na paalala na HINDI MASARAP ANG BAWAL.

Ang tanging lunas para rito ay disiplina sa sarili at pagiging tapat sa kabiyak. Sa mga pagkakataong naiisip mong masarap ang bawal, isipin mo nalang ang sinabi ni Drake na "Bawal Kumain ng Tae".


10 comments:

  1. Naalala ko nga sila. Ito ata ang pinaka nakakatako na sakit na alam ko noon.

    ReplyDelete
  2. Batang 90s nga talaga ako. Literal na bata noong nobenta, pero tanda ko 'tong ilan dito lalo 'yung kay magic, sarah at iba pang urban legend na may kinalaman sa aids.

    ReplyDelete
  3. @dlysen: hanggang ngayon, ito pa rin namn ng pinakanakakatakot!

    @goyo: parekoy, kung ikaw ay literal na batang 90s, ako naman ay panggap lang. matandang 90s naman talaga ako! hehehe \m/

    ReplyDelete
  4. oo nga anu. nakakatakot naman at nakakalungkot. nanariwa nga sken ang mga taong ito, sa balita man o pelikula. Eh, pinagiingat mga call centers ngayon diba..pero dapat lahat tayo magingat. at sana nga totoo ung mga palabas sa tv na may lunas na dito thru natural ingredients. ung mga halamang gamot for ex.

    http://mitchlists.blogspot.com/

    ReplyDelete
  5. Asan na kaya si Ritchie Atizado??? Buhay pa kaya sya? Kumusta kya babies nila ni Sarah??

    ReplyDelete
  6. Yes.. He's still alive.. May asawa siya at mga anak

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tlga? Buhay p sya? Nku eh di bka may aids n din yung bago nyang asawa

      Delete
  7. I like ur article.very honest and unapologetic.nkpgasawa ako ng bakla na drug addict(mga bkla rn ang ksma nya sa pgddrugs).sinasaktan nya rn ako kht buntis p k.nmatay sya ilang buwan after ng kasal at cnabi skn ng doctor nya after na kumpirmadong may aids sya.ngkamali ako sa pgaasawa(ibangiba sya nung d p kmi kasal).naniniwala ako na punishment talga kya naimbento ang aids.pra sa mga bakla.niligtas ako at ang baby ko ng Diyos dhl hindi kmi nahawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. My goodness you are so blessed!!! Wish you and your child well!!

      Delete
  8. @Anonymous, kung pag aaralan mo pang mabuti ang history ng HIV marerealize mo na hindi punishment ang AIDS. It was accidentally created by scientist. Interesting ang history ng HIV.

    ReplyDelete