"Isa kang Batang 90's kung napanood mo ang kauna-unahang episode ng MMK na pinamagatang 'Rubber Shoes'."
Dear (Ate) Charo,
Magandang araw sa iyo. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at nawa'y nasa kundisyon na para i-terminate ang paksyet na host ng noontime show niyong Wowowee. Itago mo nalang ako sa pangalang MaBenta dahil ayokong isipin mo na isa akong salesman kapag ginamit ko ang tunay kong pseudonym na "No Benta". Naisipan kong sumulat sa inyo sa pamamagitan ng blog kong ito dahil gusto ko lang malaman mo na isa akong tagahanga ng inyong show.
Ang buhay nating mga Pinoy ay sadyang ma-drama kaya nga bata pa lang ako ay nakikinood na ako sa teevee ng lola ko kapag ipinapalabas ang "Lovingly Yours, Helen" sa siete. Noong ako'y nasa grade six at medyo may isip na ay paborito naman naming magkakapatid ang "Kung Maibabalik Ko Lang" segment ng "Teysi ng Tahanan" o "TnT" (Bakit ba kasi ang hilig ng istasyon niyo na magpauso ng mga acronyms ng show - e.g. TSCS, SNN, PBB, PDA, at ang inyong sarili na MMK?! Sana sa susunod ay iklian niyo nalang ang title para 'di niyo na ginagawaan ng mga initials.). Nang nawala ang mga makabag-damdaming mga shows na ito ay medyo nabawasan ang ka-dramahan namin sa buhay. Kaya nga tuwang-tuwa kami nang unang ipinalabas noong May 16, 1991 ang pilot episode ng MMK. Simula noon ay 'di na kumpleto ang Thursday nights kapag hindi napapanood ang iyakan episode mula sa programa mo.