"Isa kang Batang 90's kung napapaisip ka minsan kung nasaan na ang Nirvana Baby."
Tapos na ang Part 1 kaya heto na ang Part 2 ng mga batang naging pabalat ng mga iconic albums na inilabas noong Dekada NoBenta.
Malaki ang naitutulong ng packaging sa pagbebenta ng kung ano mang bagay na iyong itinitinda kaya kahit na ang mga musikero ay naglalaan ng mga kakaibang konsepto para kapag dinampot ang kanilang CD sa estante ng mga music bars ay makapukaw ng atensyon. Ang ibang album covers ay idinadaan sa cartoons. Ang iba ay naglalagay ng mga seksing babae. Meron ding gumagamit ng mga brutal na imahe.

Pero ang iba, gumagamit ng larawan ng mga bulilit.
Natatandaan mo pa ba ang kerubin sa "1984" album ng Van Halen? Eh 'yung mga bata sa debut albums ng Violent Femmes at Lemonheads? Hindi rin papatalo ang mga totoy sa "War" ng U2 at self-titled album ng Placebo.
May kung anong karisma ang mga bata kaya nagkakaroon tayo ng interes kapag sila ang bumibida. Subukan mong palitan ng mga gurang ang mga bida sa "Goin' Bulilit" at panoorin ang mga mais na patawa, sigurado akong matatae ka sa bad trip. Ang corny, nakakatawa lang kapag bata ang nagsasabi.
Tampok sa pabalat ng self-titled debut ng iniwanang grupo ng yumaong si Shannon Hoon ang 1975 larawan ni Georgia Graham, ang nakababatang kapatid ni Glen na drummer ng Blind Melon. Nagustuhan ito ng grupo dahil ayon sa kanila, ang pagsusuot ng costume at recital sa eskwelahan ay isang "classic American thing" na maiintindihan ng lahat ng mga Kano. Ngayon ay nasa edad 42, isa na siyang New Orleans interior designer. Madalas magbiro sa kanya noon ang kanyang kuya ng "You don't understand what a big deal it was, you were one of the most famous album covers of all time.", at ang isinasagot lang niya ay "Fine. Whatever.".
Paumanhin ngunit wala akong mahanap na pinakabagong pektyur niya.
ang Bee Girl na sumikat dahil sa music video
Marami ang nagkakamali sa paniniwalang ang "Bee Girl" sa album cover at sa music video ay iisa. Ang totoo, ang noo'y sampung taong gulang na si Heather DeLoach ang tap-dancing chubby girl sa music video ng "No Rain". Nakuha siya sa audition dahil sa malaking pagkakahawig niya kay Geogia at dahil na rin sa kanyang nerdy look na kailangan sa konsepto. Nakatulong ng malaki sa pagiging multi-platinum album ang cool na cool na music video ng kapatid ni Jollibee. Kahit ako, madalas ko itong abangan sa MTV - may kung anong awa akong nararamdaman sa role ni Heather sa tuwing napapanood kong pinagtatawanan siya ng mga taong pilit niyang pinapakitaan ng kanyang talento sa kwento ng video. Overnight success, ayon nga sa karamihan, ang natamo ni Heather at ng Melon Boys.
Sino ba naman ang mag-aakalang muling makikita si Heather bilang Bee Girl ulit sa music video ng "Bedrock Anthem" ni Weird Al? Naaalala mo pa ba na siya ang nagtapos ng 1993 MTV Music Awards gamit ang kanyang signature tap dance? Iniyayabang lang naman niya na nakilala niya sa event na 'yun sina Michael Jackson at Madonna, at katabi niya si Eddie Vedder sa upuan!
Sa ngayon ay may college degree na siya at ang kanyang pagiging bahagi ng pop culture ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang karera sa pag-arte.
Sa ngayon ay may college degree na siya at ang kanyang pagiging bahagi ng pop culture ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang karera sa pag-arte.
Ano kaya ang masasabi ni Shannon kay Heather?
"...that girl (Heather DeLoach) was so annoying I was ready to strangle her the day we were shooting the video. Her parents got mad because I took off all my clothes and ran through this field. They didn't take too kindly to that and grabbed her by a wing and left. (1995)"
SIAMESE DREAM (Smashing Pumpkins; July 27, 1993)
Paborito ko ang ikalawang album na ito ng grupo ni Pareng Billy. Halos lahat ng mga tinutugtog namin noon ng banda kong Demo From Mars ay galing dito - Cherub Rock, Today, Quiet, Rocket, Disarm, at Mayonaise. Kaya nga kahit na binaha na ng habagat ang Maynila noong August 7, 2012 ay pinilit pa rin namin ni misis na makarting sa Araneta upang mapanood ang kanilang konsiyerto.
May nakakaaliw na kwento sa kung nasaan na ang dalawang nene na nasa album cover ng Siamese Dream. Noong 2007 ay lumabas sa isang blog entry ng SP ang isang mensahe na: "NEED HELP! Looking for girls from Siamese Dream album cover. There's no one better to ask than the super fans themselves! We are trying to locate the girls that adorn the cover of Siamese Dream. As you all know, they were quite young when the photo was taken. They are not conjoined anymore, as far as we know." Sa totoo lang, hindi naman talaga kambal-tuko ang mga bata dahil sa album sleeve ay may mga litrato na nagpapakitang magkahiwalay ang kanilang mga katawan.
Walang sumagot sa anunsyo ng grupo pero noong February 2011 ay ibinalita ni Billy sa kanyang Twitter account na ang bago nilang bahista na si Nicole Fiorentino ang batang nasa kaliwa.
Lumabas na ito ay isang hoax. Kung pagbabasehan ang edad, si Nicole ay 14 taon sa panahon ng photo shoot; malayo sa sinasabing edad na 7 ng mga batang nasa pabalat. Hindi natin alam kung ano ang dahilan ng malufet na trip pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natutunton kung nasaan na ang batang nasa kaliwa na kinilala lang bilang si LySandra R.
Ang nasa kanan namang bata ay siwalang iba naman kundi si Ali Laenger na ngayon ay isang model at fashion designer. May mga kumakalat na picture sa internet kung saan makikitang kasama niya si Billy Corgan.
NEVERMIND (Nirvana; September 24, 1991)
Hindi na kailangan ng palabok upang ipakilala ang album na itinuturing na soundtrack ng Dekada NoBenta. Bukod sa ginulat ng Nirvana ang Gen X na kabataan sa pamamagitan ng kanilang musika, ginulat din nila ang madla sa paglagay ng isang lumalangoy na hubad na sanggol. Ang malufet nito ay kitang-kita ang tuli na nitong pututoy.
Alam ng record company na marami ang pupuna sa konsepto kaya gumawa sila ng alternate version na hindi kita ang "baby penis" ng noo'y tatlong buwang si Elden Spencer. Ayon sa kuwento ay hindi papayag si Kurt na ilabas ang "malinis" na kopya kung hindi ito lalagyan sa genital area ng sticker na nagsasabing "If you're offended by this, you must be a closet pedophile." Alam niyo na kung ano ang nasunod.
Sa ngayon ay isa na siyang artist at naging isang masugid na tagahanga ng bandang nagbigay sa kanya ng malufet na katanyagan bilang "Nirvana / Nevermind Baby".
Umaabot na sa 30 million copies ang naibebenta ng klasik album ng trio ngunit walang royalty si Elden para sa iconic cover. Ang bayad lang na natanggap ng kanyang mga magulang noon ay $200 habang si Spencer ay maituturing na "biggest little porn star" dahil sa milyung-milyong kataong nakakita sa na kanyang etis!

recreated cover para sa Rollingstone magazine

No comments:
Post a Comment