Monday, October 15, 2012

Weird Al Cobain

"Isa kang Batang 90's kung alam mong ginawaan ni Weird Al ng parodya ang Teen Spirit nila Cobain."

Sa mundo ng musika, mayroong mga nilalang na ipinanganak na may talento sa paggawa ng mga awitin. Ang iba naman ay biniyayaan ng kakayanang manggaya ng mga kanta sa pamamarang "OA" upang maging nakakatawa. Parody. Dito nakilala ang Kanong si ALFRED MATTHEW "WEIRD AL" YANKOVIC.

Ang totoo, Dekada Otsenta siya unang narinig ng madla sa kanyang hit single na "Eat It", isang parodya ng "Beat It" ni Michael Jackson. Simula noon ay naging kakambal na ng kanyang pangalan ang pagpapatawa sa pamamagitan ng pagbabago ng mga lyrics at panggagaya ng mga music videos ng mga sumikat na kanta. Sa ngayon, nakagawa na siya ng labing-tatlong albums na naglalaman ng humigit sa 150 pinagsamang parodies at orihinal na mga kanta.

Oo, bukod sa mga bersyon niya ng mga hit songs ng iba ay may sarili rin naman siyang komposisyon. Sigurado akong narinig at nagustuhan mo rin ang paborito kong classic acoustic ballad "You Don't Love Me Anymore" na sa wari ko ay ang pinaghugutan ng inspirasyon ni pareng Bitoy para sa kanyang single na "Sinaktan Mo Ang Puso Ko".

Hindi ako diehard fan ni Weird Al pero may mga nagustuhan ako sa mga ginaya niya. Nakakatawa kasing pakinggan kaya nakakawala ng stress. Abangan mo pa ang music video ng single sa MTV at siguradong hahalakhak ka pag nakita mo ito. Ilan sa mga paborito ko ay ang "Bedrock Anthem", parody ng "Give It Away" ng Red Hot Chili Peppers. Ang lyrics nito tungkol sa Flinstones ay nagpapaalala sa akin ng parody naman ng Green Jellÿ sa kantang "Anarchy in the UK" ng The Sex Pistols. Panalo ang video kung saaan makikita ang "Bee Girl" ng "No Rain" ng Blind Melon na nagta-tap dance sa intro at itutulak ng gitaristang hilaw na tutugtog naman ng intro ng "Under the Bridge".


Gusto ko rin ang "Amish Paradise" na parody ng kaisa-isang kantang alam ko mula kay Coolio, ang  "Gangsta's Paradise". Tungkol ito sa mga Amish Mennonites o grupo ng mga tradisyunal na Christian na napako sa simpleng pamumuhay na wala ang makabagong teknolohiya. Hindi rin ako nagsawang panoorin ang video ng  "Headline News", ang parodiya ng "Mmm Mmm Mmm Mmm" ng Crash Test Dummies. Tungkol naman ito sa mga tatlong headliners nooong Dekada NoBenta kung saan kasama ang pagputol ng etits ni Bobbitt.

Bukod sa lahat, ang pinakapaborito kong single ni Weird Al ay ang "Smells Like Nirvana" na parodya ng awiting mas nagpasikat sa grupo ni pareng Kurdt Cobain. Nabasa ko sa SPIN ang panayam kay Weird Al tungkol sa single na nagbigay sa kanya ng magandang "comeback" matapos ang tatlong taong pananahimik. Hindi kasi naging maganda ang pagtatapos ng dekada kay Yankovic dahil sa nilangaw niyang pelikulang "UHF" na ginawaan niya rin ng hindi rin nag-click na soundtrack.


Sa kasikatan ng Grunge Music sa Seattle, naisip ni Weird Al na "perfect timing" upang gawaan niya ng parodya ang "Smells Like Teen Spirit". Nang humingi siya ng pahintulot mula sa grupo, ang unang tanong ni Mighty KC ay kung magiging tungkol ba ito sa pagkain dahil kilala ang parodist sa paggawa ng mga lirikong may kinalaman sa paglamon. Nang sinabi ni Yankovic na ang gagawin niya ay tungkol sa liriko ni Kurt na mahirap pakinggan at intindihin, pumayag ang demi-god.

April 14, 1992 ay lumabas ang ika-pitong studio album ni Yankovic, ang "Off the Deep End". Ang carrier single nitong "Smells Like Nirvana" ay umabot hanggang No. 35 ng US Billboard Hot 100 at No. 35 ng US Hot Mainstream Rock Track. Ang single ring ito ang isa sa mga pinakamatagumpay niya sunod sa  "Eat It" na inilabas noong 1984. Sa album cover pa lang, nakuha kaagad nito ang atensyon ng masa dahil ginaya rin ni Yankovic ang artwork ng "Nevermind". Siyempre kung ikaw ang makakakita nito, alam mong may kinalaman sa Nirvana ang bagong obra.

Nakakatawa ang lyrics ng kantang nagawa ni Weird Al. Sapul. Kahit naman sinong nilalang noong Dekada NoBenta ang makarinig sa Teen Spirit ay mahihirapang umintindi sa kung ano mang sinasabi ni pareng Kurt. Kahit ako na may luga ang tenga ay hindi ko alam ang tunay na lyrics dati. "Aling Nena...Aling Nena..." ang naririnig ko sa huling verse ng kanta. Sabi nga sa kanta ni Weird Al,  bargle nawdle zous.


SMELLS LIKE NIRVANA

What is this song all about?
Can't figure any lyrics out
How do the words to it go?
I wish you'd tell me, I don't know
Don't know, don't know, don't know, I don't know!
Don't know, don't know, don't know...

Now I'm mumblin' and I'm screamin'
And I don't know what I'm singin'
Crank the volume, ears are bleedin'
I still don't know what I'm singin'
We're so loud and incoherent
Boy, this oughta bug your parents
Yeah!

*belch*

Hing!

It's unintelligible
I just can't get it through my skull
It's hard to bargle nawdle zouss
With all these marbles in my mouth
Don't know, don't know, don't know, I don't know!
Don't know, don't know, don't know...

Well, we don't sound like Madonna
Here we are now, we're Nirvana
Sing distinctly? We don't wanna
Buy our album, we're Nirvana
A garage band from Seattle
Well it sure beats raisin' cattle
Yeah!

Moo..

Baa...

And I forgot the next verse
Oh well, I guess it pays to rehearse
The lyric sheet's so hard to find
What are the words, oh nevermind
Don't know, don't know, don't know, I don't know!
Don't know, don't know, don't know...

Well, I'm yellin' and we're playin'
But I don't know what I'm sayin'
What's the message I'm conveyin'?
Can you tell me what I'm sayin'?
So have you got some idea?
Didn't think so
Well, I'll see ya
Sayonara, sayonawa
Ayonawa, hodinawa
Odinaya, yodinaya
Yaddayadda, yaaahyaaah
Ayiyaaaaaah!

Nang mapanood ko ang video ng kanta ay talaga namang mas natawa ako dahil sa unang tingin ay mapagkakamalan mong ang orihinal na video ng Teen Spirit ang iyong pinapanood. Gumamit ang sila Yankovic ng parehong props, parehong sound stage, at kahit ang ilang mga extra's ay galing sa orig na music video ng Nirvana. May basbas si Cobain kay Weird Al kaya malaki ang naging suporta ng mga producers ng orig sa video ng "Smells Like Nirvana". Nandoon ang orig na janitor pati ang ilang mga orig na cheer leaders. Alam mo bang pati si Tony Hawk ay naging extra sa vid ni Yankovic? Hindi pa siya sikat noon kaya kahit si Weird Al ay hindi siya kilala. Astig, hindi ba? Malufet din ang mga ginamit nilang wigs lalo na 'yung nanggaya kay Dave Grohl dahil sumasabay sa pag-headbang! Ang sikat na dugyot outfit ay hindi rin pinalampas.

Taena sa kulit ang video. Mahirap ipaliwanag kaya gamitin mo nalang si pareng YT.

Maganda ang naging pagtanggap ng masa sa album. Ito ang nagbigay ng panibagong buhay sa career ng tanyag na parodist. Kahit si Kurt Cobain, inamin niyang ang paggawa ng parodiya ng isa sa mga kanta nila ay isang patunay na sila ay isang "tunay" na banda na. 

Hindi nakakatawa kapag ginaya ka ng walang pahintulot, kaya ang tawag doon ay "sotto-copy". Pero kapag si Weird Al ang nanggaya sa'yo, ang tawag doon ay parody.




1 comment:

  1. Sarap balikan ang nakaraan.Batang 90's ako pero bakit di ko kilala si weird al. Di ko lang siguro sya trip. Nice post :)

    ReplyDelete