Wednesday, April 25, 2012

I Smell Sex and Candy

"Isa kang Batang Nineties kung kilala mo ang mga bida sa 'Cebu Boarding House Scandal'"

Habang nakikinig ng kung anu-anong kaingayan mula sa uugud-ugod kong laptop ay biglang tumugtog ang awiting "Sex and Candy", ang breakthrough single mula sa 1997 self-titled debut album ng grupong Marcy Playground. Bigla kong naalala ang sagot ni TNL Liz Z sa tanong ko sa pagkakaiba ng mga Tunay Na Lalake ngayon at mga TNL ng 90's: "Kapag nagbukas ng radyo ang TNL ng 90s, hindi siya mahihirapang maghanap ng makalalakeng kanta. Hindi niya rin problema ang paghahanap ng makalalakeng pelikula pag nagpunta siya sa cinema. Sa VHS siya nanonood ng porn, at magaling siyang makipagphone sex sa landline. Nagkakandado siya ng kuwarto dahil kina Ina Raymundo at Carmina Villaroel.".

Parang kendi lang na nabibili sa pinakamalapit na suking tindahan noon ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa pakikipagtalik - naging kilala ang pahayagang Abante dahil kay Xerex; pinutakti ng mga manyakis ang mga sinehan dahil sa mga titi-llating at "ST" films; nagkalat sa mga bangketa ng pirated VCD's sa Recto ang mga detalyadong "educational film" (kumpleto sa ungol at mga sex toys)  sa paggawa ng bata; at umusbong ang mga SEX SCANDALS.

Bago pa man sumayaw si Katrina Halili sa "Careless Whisper" sa harap ng tinagong camera ni Hayden Kho at naging "most searched" kay pareng Googs ang mga salitang "pinay scandal", at "kantot" ay may mga makamundong trip na ginawa na ang Dekada NoBenta.

LEWINSKY SCANDAL
Simulan natin ang kuwentutan sa kalokohang kinasangkutan ng pinakamakapangyarihang lider sa buong mundo noong Nineties - US President William Jefferson "Bill" Clinton. Umalingawngaw sa lahat ng media noong January 17, 1998 ang balita sa relasyong sekswal ng presidente at White House intern nitong si Monica Lewinsky. Nailantad ang lihim nilang dalawa nang isumite ni Linda Tripp sa Independent Counsel ang mga recorded tapes ng mga pakikipag-usap kay Lewinski tungkol sa relasyon ng huli kay Clinton. Ito ay ginawa ni Tripp nang malaman niyang gumawa ng affidavit si Monica sa Paula Jones Case (isa pang kasong sekswal) na nagsasabing wala siyang relasyon kay matulis na Bill. 

Taena, natatandaan ko pa ang malufet na linyang binitiwan ng anak ni Uncle Sam: "I did not have sexual relations with that woman, Miss Lewinsky. I never told anybody to lie, not a single time; never. These allegations are false. And I need to go back to work for the American people. Thank you.". Malufet na sana kaso bandang huli ay nabulgar sa mga pagdinig na mula November 1995 hanggang March 1997 ay nagkaroon ng siyam na "karanasan" si Lewinsky kasama ang presidente sa Oval Office. Pero mariing sinabi ni Monica na walang pagtatalik na naganap kundi bibig at kamay lang ang naging paraan ng pagpaparaos. Ayun, impeachment ang kinahinatnan ng kaso. Gayunpaman, nanatiling mataas ang approval ratings ni "Teflon Bill" sa kabila ng lahat. Tama si Sen. Bongbong Marcos, "Government Warning: Cigar is Dangerous to a Presidency"!


CEBU BOARDING HOUSE SCANDAL
Sa Pinas ay may isang tatay na mahilig mag-eksperimento. Hindi gamit ang mga science lab equipment kundi gamit ang isang sinaunang camcorder. Gusto niya yatang maging isang porn director kaya naisipan niyang sumubok ng ganitong trip. Porn star, check - bida ang anak niya at mga kaklase nito. Setting, check -  sa mismong bahay nila. Story, check - hidden cam na kinukunan ang sexcapades ng magbabarkada. 

Napanood ko ang dokyu na ginawa ng Channel 2 tungkol dito nang pumutok ang balita noong 1997 at ayon sa kuwento, ito ay naganap sa Lapu-Lapu City kung saan ang mga kababaihan ay pawang mga commerce students mula sa San Carlos University. Nakilala itong "Cebu Boarding House Scandal" pero ang totoo, ito ay naganap sa pamamahay ni Ernesto Iway sa Camella Homes. Pinapayagan 'di umano ng ama ang kanyang anak na magdaos ng mga inuman sessions sa kanilang tahanan. Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakatagong video cam na puwedeng kumuha sa anumang sekswal na magaganap. 

May isang pares na naghinalang may magnanakaw na nakatago sa likod ng pinto kaya humingi sila ng tulong sa mga kapitbahay. Laking gulat nila nang matagpuang pawisan si Mang Ernie habang hawak-hawak ang camera. Napansin ito ng media at nagkaroon ng mga kopya sa mga rentahan ng Betamax at VHS. Kung gaano kabilis itong kumalat ay ganun din kabilis na nawala ang kaso kaya ang paksyet na tatay, abswelto! Tsk.


ANDERSON - LEE SEX TAPES
Naaalala niyo pa ba si da bomb Pamela Anderson na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa teevee series na "Baywatch" habang tumatakbong naka-bathing suit sa dalampasigan? Siya kasama ang noo'y asawang si Tommy Lee (ng Mötley Crüe) ay itinuturing na isa sa mga naunang celebrities sa listahan ng mga "internet sex tape  sensations". Sabi nila, nanakaw daw ang kanilang sex videos na ginawa habang nasa kanilang honeymoon noong 1998. Ito ay naging viral sa cyberspace na naging dahilan upang idemanda ng mag-asawa ang Internet Entertainment Group na nag-upload at nagpakalat ng kanilang pagmamahalan. Matapos ang ilang pag-uusap, sila ay nagkasundo sa halagang ibabayad ng IEG sa mga Lees para maibahagi ito ulit sa mga subscribers ng website. Sinubukan namin ng mga kabarkada kong maghanap ng kopya sa Quiapo at Greenhills noon pero kami ay nabigo. Salamat sa internet ngayon, mas maganda ang pagbabalik-tanaw!


OURFIRSTTIME.COM
Ang totoo, hindi ito isang scandal pero may kinalaman sa pa rin sa sex. Naisipan ko lang isama dahil may kaugnayan ito sa IEG na website host ng sex tapes nina Pamela. Sa kasikatan ng internet at sa kapusukan ng mga tao noong Dekada NoBenta ay isinilang ang site na OurFirstTime.com na ibinibida ang wholesome na magkasintahang sina Mike at Diane. Pareho silang 18-year old virgins na unang sasabak sa pagkikipagtalik at ipapakita ng "live" sa internet pagsapit ng August 4, 1998. Pumayag ang IEG na sila ang mag-host ng site ngunit bandang huli ay nag-back-out din sa dahilang nalaman nila ang tunay na plano ng may-ari nitong si Ken Tipton. Sisingilin nila ng $5 ang bawat viewer bago magsimula ang "live show" pero lingid sa mga excited na parokyano ay naka-sked na ang kunwaring pagbabago ng isip ng magsing-irog. Potah, isa ito sa mga unang HOAXES sa internet. Isa ako sa mga napaniwala nito, walang halong biro!


JOJO VELOSO SCANDAL
Hindi na bago ngayon ang mga balita tungkol sa mga talent scout slash manager na inaabuso ang mga nagbabalak mag-artista o modelo. Marami ang gustong maging artista kaya naman patok na patok noong 90's ang "Face of the Year" Search kung saan organizer at may-ari si Jojo Veloso. Ang siste, isa siyang "manananggal ng lakas" sa mga boylets at ang mga kalaswaang ginagawa niya ay kinukunan pa ng videos. Ang pinakasikat na biktima ng panghahalay ay si Hans Montenegro na isa pa lang binatilyo noong mga panahong iyon. Ito ay ibinulgar ni Jobert Sucaldito na noon ay nasa Startalk pa ng GMA at naging dahilan upang ang manager ay imbestigahan ng NBI. Tulad ng ibang scandals, hindi siya nanagot sa pang-aabuso sa mga menor de edad. Sa ngayon, balik-showbis siya at ang balita ko ay may plano pang maging pu-pu-li-li-TI-TI-KO-ko.


Ang tao ay may kanya-kanyang trip. May kanya-kanyang kamunduhan. Sigurado ako, dali-dali mong pinindot ang link nang mabasa mo ang "SEX" sa taytol ng entry ko. 




3 comments:

  1. natawa ako dun sa wento nung videographer tatay na kumukuha ng vid. hehehhe. hindi ba nya pede i-set na lang yung camera sa isang place?

    yung kay jojo veloso, sikat sa balita yan noon, andaming nabiktima.

    ReplyDelete
  2. balik tanaw sa mga scandal ng 90s. yung cebu scandal hindi ko nabalitaan yun.. weird lang ng tatay.

    ReplyDelete
  3. ayus na naman parekoy...tagalog na tagalog..kaya gustong gusto kong nagbabasa sa blog mo..

    talagang baliktanaw.

    ReplyDelete