Ang aking ipakikilalang blogger ay hindi na kailangan ng pagpapakilala dahil kilalang-kilala na siya blogosperyo. Halos lahat ng puntahan kong mga tambayan kapag may panahon akong makapag-bloghopping ay nandoon ang link ng kanyang datkom. Sa madaling salita, sikat na sikat ang featured blogista ko ngayong linggo.
Mga Ka-Dekads, ikinakarangal kong ipakilala sa inyo si MASTER GLENTOT ng WICKEDMOUTH.
Noong ako ay bata pa, kapag naririnig ko ang salitang "wicked", ang naaalala ko ay ang Wicked / Evil Queen na nagpakain ng mansanas na may lason kay Snow White para makatulog at manakawan ng halik ni Prince Charming. Naaalala ko rin kung paano gawing mala-Mara Clara ng Wicked Stepmudrax (Lady Tremaine) ang buhay ng inaaping si Cinderella. Isama mo pa sa eksena ang panget na magkapatid na sina Anastasia at Drizella, potah siguradong impiyerno! Epekto ng Disney, tumatak sa tuyot kong isipan na dapat maging mabait tayong mga bata para magpakita sa atin si Fairy Godmother at gawin tayong tunay na tao tulad ni Pinocchio.
Habang tayo ay tumatanda, unti-unti nating nauunawaan na kailangan natin maging mabait para makasama sa heaven si Papa Jesus kapag nadedo tayo. At kasabay ng pagtanda, natutunan din natin na meron palang mga kalokohang minsan ay kailangan din upang tayo ay mamuhay ng masaya.
Kung mayroong isang kantang mula sa Dekada NoBenta ang maihahambing ko sa pagkatao ni Master, ito na siguro ay ang kanta ni DJ Alvaro na may lirikong "...maginoo pero medyo bastos". Hindi ako sigurado sa part na "maginoo" pero konting sigurado ako sa part na "medyo bastos" dahil ang pagiging "GREEN" niya ang pinakamarami kong nabasa sa kanyang profile na galing pa sa mga testicles ng kanyang Friendster account. O sige na nga, sa tingin ko naman, hindi dadami ng kanyang mga kaaway kaibigan kung hindi siya maginoo.
ito ang kodak moment!
Kapag binabasa ko ang mga entries ni Master, naaalala ko ang kasabihang "Masarap ang Bawal". Huwag mo nga lang papansinin ang sinabi ni pareng Drake na "bawal kumain ng tae". Kahit na wickedness ang tema at laman ng kanyang mga isinusulat, nadadaan ito sa effortless na katatawanan kaya naman hindi mo mapapansing napakasama niya sa buhay. Paborito ko ang kanyang mga khikhi stories (member ako ng fan club ni khikhi sa effbee), ang kanyang mga panlalait sa mga bobo sa mundo, ang kanyang mga mudrax experiences, mga kuwento kung paano niya sirain ang buhay ng mga nilalang na walang kamalay-malay na sila ay napaglalaruan, at iba pang mga istoryang may tatak-Glentot. Sa totoo lang, iba talaga ang nakikita kong istilo sa kanyang pagsusulat. Ika nga ni pareng Jepoy, "ang ganda ng structure".
Ang isang kuwentong inulit-ulit kong basahin sa kanyang bahay ay ang "Miz Zafra" na tungkol sa kanyang pagkakapanalo sa LitWit Challenge ng idol na idol kong si Jessica Zafra. Paksyet, ilang beses kong tinangkang sumali 'dun kaso walang lumalabas na ideya sa utak ko kahit ilang beses ko pa itong pigain! Inggit na inggit talaga ako sa ating blogista kaya simula noong araw na nabasa ko ang entry niyang ito, itinuring ko na siyang MASTER.
Heto naman ang kuwentong-karanasan ni Master Glentot noong Dekada NoBenta:
Title: TRANSFIXED
Nung kinasal ang mga magulang ko, ang una nilang binili ay TV. Yung TV namin noon ay black and white, nasa loob ng wooden case na may paa at mas matanda pa sa akin. Madalas akong iwan mag-isa sa bahay noon at isa sa mga unang itinuro sa akin ay kung paano mag-on at off ng TV.
Lumaki ako sa harap ng TV. Nanonood na ako ng Batibot kahit hindi ko pa ito naiintindihan, hindi ko na nga naaalala yung mga characters eh. Basta sabi ng Nanay ko, nakatutok lang ako sa TV nun with some Milo and Jelly Ace at masaya na ako.
Nang ma-retire ang TV naming vintage at napalitan ng colored at cable-ready, na-expose ako sa mga syndicated TV shows galing US, lalo na noong 90s. Lalo akong na-hook sa harap ng TV, wala na akong social life. Nung Grade 6 graduation nga eh ayoko sana um-attend kasi kasabay ng timeslot ng graduation ang paborito kong TV show.
Eto ang mga paborito kong shows noon.
Saved by the Bell
Marami akong good memories habang nanonood nitong series na ito with matching Fita and Pop Cola. Naalala ko ang cool na si Zack at ang pa-tweetums na si Kelly at ang dork na si Screech. Gustong gusto ko ito dahil teen-oriented at nakakatawa pero laging may lesson. I'm sure may lesson hindi ko lang maalala.
Charmed
Eto yung tatlong mangkukulam na magkakapatid. Yung isa may power na manghagis. Yung isa may power na malaman ang mga sikretong pinakatatago mo kapag hinawakan nya ang maseselang bahagi ng katawan mo. Yung isa naman may kapangyarihan na patigilin ang oras para gawin nya lahat ng gusto nya sa iyo. Yan ang naaalala ko sa Charmed.
Everyday after school ko napapanood ito. Tamang-tama yung oras na yun sa katatakutan dahil ako pa lang mag-isa sa bahay noon (gabi pa umuuwi sila Mudrax at Pudrax). May mga times na hindi ko kinakaya ang pagka-horror nito kaya lumalabas ako ng bahay. LOL.
7th Heaven
Nako-cornihan ako noon sa show na ito dahil punung-puno ng what I like to call "Tanging Yaman moments". Na-hook lang ako dito noong minsang Holy Week at nagkaroon ng 7th Heaven marathon sa TV. Dahil hindi ako maka-relate noon sa mga pelikula ni Lino Brocka at kay Elsa na binaril sa burol, dito na lang ako tumutok. Ang dami kong natutunang gintong aral sa series na ito. Matapos ang Holy Week, ibinaon ko na rin sa limot lahat ng natutunan kong gintong aral.
Dawson's Creek
Hindi ko ito pinanood.
Early Edition
Lagi ko itong nakikita noon sa commercial pero hindi ko pinapansin kasi mukhang boring. Hanggang sa sumapit ang Holy Week at napagtripan kong manood. Ang ganda pala. Tungkol ito sa guy na nakakatanggap ng dyaryo one day in advance (meaning yung mga nababasa nya sa dyaryo ay mga bagay na mangyayari pa lang sa araw na iyon) at dahil nice guy much sya, pakiramdam nya kailangan nyang iligtas yung mga taong maaksidente, mahoholdap, magagahasa etc etc. No, hindi sya tumataya sa Lotto.
Alex Mack
Every Sunday ko naman ito napapanood. Hindi ko na maalala masyado ang exact plot basta tungkol ito kay Alex na natilamsikan ng kung anong radioactive na katas at nagkaroon sya ng kapangyarihang maging liquid form at pwede syang dumaan sa mga ilalim ng pinto, kisame, kanal etc etc. Now that I think of it, walang kwenta ang power nya. Ewan ko ba kung bakit ko nagustuhan ito.
Are You Afraid of the Dark?
This show is the shitttt. Eto ang bumubulabog sa aking Friday nights. Ang nagbigay sa akin ng mga nightmares at dahilan ng aking bedwetting episodes. Ang laging sinasabi sa akin ni Doris noon: "Nood ka nang nood ng horror, tapos matatakot ka!" Alavet.
Ang kaibahan ng US series sa local shows? MADAMI. Ayokong simulan ang pagkokompara dahil baka masabihan akong hindi tumatangkilik sa sariling atin.
glentot for the win.
ReplyDeletenice, gusto ko yung goosebumps and are you afraid of the dark.. pati ang charmed :D
nagbabasa din ako ng blog ni ser glen.
ReplyDeletepanalo yung 7th heaven, pinapanood ko din yan pag Holy Week.
siya na nga ang Master!
Thanks NoBenta!!! May ganun talagang introduction whahahaha nahiya naman ako bigla! Glad to be part of your 2nd anniversary celebration. Your blog is one of the best concept blogs na nakita ko, your posts are well researched and well written, kahit mahaba sulit... I'm sure you won't run out of stuff to write about from the 90's, and I'm sure we all won't stop learning from the past! Mabuhay! LOL
ReplyDeletemaster glentot is a sure winner! \m/
ReplyDeleteda best sa'kin ang "are you afraid of the dark". nagagamit ko siya kapag kami naman ng tropa ang nagtatakutan kapag nag-iinuman!
ang galing ni master, di ba? 'di ko matandaan kung nakapanood ako ng "7th Heaven"
ReplyDeletemaster, maraming salamat talaga sa kuwento mo. at mas marami pang salamat sa nakakataba ng puso mong comment! \m/
ReplyDeletenakarelate ako ng sobra sa blog na'to!saya talaga ng dekada nobenta!
ReplyDeletenagbabasa rin ako ng blog ni glentot. nakilala ko siya dahil kay maldito. unang post pa lang, hooked na 'ko. kaya pagkatapos kong magbasa, nilagay ko na agad siya sa blogroll ko kahit wala siyang permiso. lol!
ReplyDelete'yung are you afraid of the dark?, shet 'yan. wala akong pinalampas na episode gabi-gabi. ang lupet kasi. paborito kong part 'yung simula kapag nasa bonfire 'yung magkakatropa tapos magsisimula nang magkwento 'yung isa sa kanila. sends chills down my spine! \m/
hahaha, si glentot, batang studio 23, lahat yan doon pinapalabas,haha.. pag binabasa ko mga papuri niyo sa kanya, napagtanto ko madaming tao din pala ang salbahe katulad niya Bwahahahaha..sabagay hindi ko magiging kaibigan ito kung hindi siya salbahe.hahaha Peace bro!!!..
ReplyDeleteAnyways, Mr. Nobenta, ang galing ng blog mo, naalala ko ang kabataan ko dahil dito.. mabuhay ka!!!! idol na din kita katulad ni Idol Glentot..
Yeah boi! glentot FTW talaga hahaha.. Halos lahat ng shows na binanggit alam ko ang kaso hindi ko masubaybayan.. english kasi.. bwahaha ay meron din pala yung Goosebumps tsaka are you afraid of the dark... hehehe \m/
ReplyDeletetumatanda na talaga ako parekoy! akala ko eh WTF ang ibig mong sabihin. hehehe. naduling ang lolo mo! welcome back polding!
ReplyDeleteser, welcome sa tambayan at maraming salamat! \m/
ReplyDeleteser mark, maraming salamat sa pagdaan. at maraming salamat din na nagustuhan mo ang aking blog. pero nahiya ako bigla dahil bigla mo akong naging idol! i'm not worthy! \m/
ReplyDeleteser, nakakaadik talaga ang mga banat ni master glentot kaya ang sarap din basahin! \m/
ReplyDeleteApply 2 to 3 inches of mulch over the plants root system once all foliage is removed and discarded.
ReplyDeleteIt has a very strong odor that will take your breath away.
Grass clippings are full of nitrogen and break down quickly.
my blog post :: mulching
What kind of favorable publicity do you think you'd get from a once-a-month letter in your local publication. The benefits of having high thread count sheets is that mills are forced to create much finer threads in order to increase the amount of threads in a square inch (keeping in mind that they don't also increase the
ReplyDeleteply). Professional newspaper reporter must be acquainted with all aspects of human activities.
God gets all buddy-buddy with Satan and in fact hires Satan to cause
our hero all sorts of misfortunes and calamities.
Finer threads usually result in a much smoother and softer fabric.
Feel free to visit my website; egyptian newspapers
If you experience some emotional or physical problems in your life it can soon be seen in the condition of your hair, using natural and organic products aids in the recovery of your hair.
ReplyDeleteMy hair doesn't always look good when I'm going to attend openings and red carpet events.
Generally, these products are more expensive than their watered-down counterparts,
but you can find a few affordable pure silicone hair products (see below).