Friday, August 26, 2011

Featured Blogger: Mar Castillo of "TAYMPERS"


Taympers, isang naimbentong salita na may kapangyarihang pahintuin ang lahat.

Isang simpleng solusyon na madalas sambitin ng mga bata sa kalagitnaan ng isang nakakahingal na laro kapag medyo napapagod na. Kumbaga sa basketball at iba pang mga sports, ito ang "time-out" na kailangan natin upang maiayos ang ating grupo o ang ating sarili.

Sa tuwing gusto kong kumawala pansamantagal sa hamon ng lecheserye ng totoong buhay, may isang tambayan sa mundo ng mga blogista akong pinupuntahan. Isang bahay kung saan pwede kong bumalik sa nakaraan at muling maranasan ang saya ng kabataan - ito ay ang mundo ni MAR CASTILLO ng TAYMPERS.


 'di masyadong naka-emote dito si idol!
(dahil gusto mo ng maliit na pektyur, your wish is my command!)

Sabi ni Vanessa Williams sa kanyang 1992 signature song, dapat daw ay "Save the Best for Last" kaya naman hinuli kong ipakilala sa inyong lahat ang isa sa mga pinakatinitingala kong bloggers sa larangan ng pagbabalik-tanaw.

Nagkrus ang aming landas sa kuta ng mga makukulit at pareho naming paboritong mga kalye boys na sila Tem-i, Tenco, at Tikboy (sayang, 'di na sila aktibo). Nagustuhan ko ang kanyang alyas kaya napadpad ako sa kanyang bahay. Sa pagbisita ko ay agad akong napa-huwaw ako sa mga "effortless" na pagkuwento ng kanyang mga karanasan noong siya ay hindi pa oldies. Kapag binasa mo ang kanyang mga entries, parang ang tagal mo na siyang kakilala at parang nakalaro mo na siya sa kung saang lupalop ng mundo ng mga bata. Simula noon, naging IDOL ko na siya.

Tuwang-tuwa ako nang mapadpad siya dito sa NoBenta. Hanggang ngayon ay tanda ko pa na una siyang nag-iwan ng puna sa entry tungkol sa laban nina Shawn Michaels at Bret Heart na mas kilala sa tawag na "Montreal Screwjob". Syet, proud na proud ako noong panahong iyon. Biruin mo, nag-comment ang aking iniiidolo sa blog ko! Isa pa, nagbigay rin siya ng pic greet na hiniling ko bilang regalo para sa aking ika-32 na kaarawan. Kapag may mga bagay kinalaman sa kanya na konektado sa akin, lalo akong ginaganahang magsulat ng kung anu-anong kuwento tungkol sa Dekada NoBenta.

Idol, ang hiling ko lang, sana ay mag-update ka na para mas masaya!




Ito ang malufet na regalo ng aking maestro:


Title: AKO SI TAYMPERS

hindi ako ipinanganak nang marangya. sapat lang yong tatlong beses kami kumain sa loob ng isang araw nang sama-sama bilang pamilya. magkaroon ng bagong damit at kung meron mang bagong laruan, bonus na yon para sa aming magkakapatid. lumaki ako sa probinsya at hindi ko ikakailang payak ang aming pamumuhay.ipinanganak ako late 80's kaya ang pagkabata ko ay mas namulat mula na nung dekada nobenta.dito nahubog ang aking kabataan dekada nobenta rin ng maranasan kong tunay ang saya ng totoong buhay, ito ang kwento.


“kaming mga makukulit”
marami kaming magpipinsang hindi nalalayo ang edad sa isat isa. ako, si marvin, si michelle, si kuya lando, si jenny, si marlon, yong kapatid kong maldita, at si rey. kami ang madalas na magkakalaro nun. nasa iisang compound lang kami maliban kina kuya michelle, rey at jenny. nasa kabilang baranggay sila. dumadayo pa sa amin para makipaglaro.

"go go power rangers…"
friday night pa lang excited na kaming magpipinsan. every friday kasi nun ang power rangers kada alas-otso ng gabi sa abs-cbn (pagkatapos nun e yong super laf-inn naman na naging kalaban ng buble gang.) sabik na sabik kaming inaabangan yang power rangers na yan. sabado at linggo naman ang araw at oras ng mahaba habang laruan. itong araw na to ang nagiging forum day din namin, oo kasi...ewan ko ba kahit napanood na namin yong palabas e otomatik magtutumpok tumpok kami saka namin pag-uusapan hangang sa mauwi sa tuksuhan hangang sa awayan.otomatik din naming gagayahin yong napanood naming power rangers at masked man na yan. may mga bida, may mga kalaban. ang madalas naming kalaban e yong mga puno ng mangga sa likod. kaya kawawang mga puno kung hindi sabug sabog ang dahon nagiging latay absorber din ng aming mga patpat. pero wala yang mga portrayal na yan sa pinoportray ng kapatid ko, yong balerina sa hiraya manawari. tawa kami ng tawa pag ginagaya nya yun.ansagawa kasi.


"silang mga batang hiraya manawari"
silang mga babae ang madalas maglaro ng chinese garter.at kaming mga lalaki ang madalas manggulo sa kanila o mang asar. ito ang ritwal. pagkatapos naming manood sa umaga (during saturday and sundays) ng hiraya manawari tuwing sabado at bayani naman pag linggo. lahat kami nasa bahay ng aming lolo't lola, kanya kanyang pwesto, kanya kanyang hilata. isa yun sa hindi ko makakalimutang tagpo. yong tv pa nila nun yong sony na di-pihit ang channel. legend.


"nung bata pa ako aware na ako na may ganitong klase ng tao, bungangera."
pagkatapos naming manood ng tv mag-uunahan naman kaming magsisilabasan kung sino kasi ang mahuhuling lumabas sya yong mag aayos ng naiwang kalat. walang gustong mag ayos kaya ang ending yong tita kong otamatik bungangera ang syang mag-aaayos. pagkatapos naming manood saka kami maglalaro sa harapan ng bahay, sa ilalim ng puno ng kaymito. lahat ng pwede naming malaro, taguan, patintero, habulan at tatsing.bata pa lang ako andun na yong punong yon. saksi sa mga halakhak, pambubuska, pang-aasar, at ilang beses ding nagsilbi bilang taguan base ng mga batang minsan pa'y naglaro at nagkaisip sa lugar na yon.


"hindi cristy per minute ang nakakapagpatigil sa mundo namin kundi,"
naging fanatic din pala kami ng sineskwela, bayani, epol apple, mathinik, pahina at lalong lalo na ang batibot. sinong hindi makakaalala kina ningning, pong pagong, kuya bodjie, ate sienna, manang bola, kiko matsing, at marami pang iba. lagi namin tong pinapanood sa bahay naman ng isa pang pinsan. napakasayang alalahanin ang mga panahong yon. mga musmos na hinulma ng panahon.sa school lagi kaming nagtsitsismisan tungkol sa batibot.


"esmyuski, three o clock habit na!"
dekada nobenta din ng maintroduce sa aming magpipinsan ang dalawang saging ang bananas n pajamas kasama ang mga kaibigan nilang oso at daga. dahil sa bananas ang pajamas na yan naisip ng kapatid ko na siguro si lulu yong bear na nasa bearbrand. bright idea pero mali sya. pinapalabas to tuwing umaga at tuwing hapon pagkatapos ng three o' clock prayer. speaking of three o clock prayer memorize din pala naming magpipinsan yan. sabay sabay kaming magdarasal parang sabayang bigkas lang. tapos meron pa nun yong palabas na pelikula tuwing hapon saka yong ang tv na. sinong hindi nakakaalala? weh di nga?


"sometimes creativity fails at its peak, but i must endure the pain"
napagusapan na din lang yang gatas na yan, oo ilang beses ko nang nabanggit na laking bear brand ako. dahil dyan ilang beses ko ring tinangkang gawing laruan ang karton ng gatas na yon, ginagawa kong dyip. nilalagyan ko muna ng puting papel para matakpan yong blue na packaging saka ko do-drowingan ng gulong sa magkabilang gilid, ayun instant toy car na! minsan dahil sa creativity na yan gumawa ako ng picture frame. same method...binalutan ng puting papel, pinaganda at binutasan sa gitna. saka ko nilagay yong picture kong nakasmile. nung nakita ng nanay kong nakadisplay sa istante agad nya akong tinawag saka hinampas sa ulo ko yong ginawa kong picture frame. nagalit sya, mukha daw kasing kabaong na ewan. nagulat ako syempre pero sabi ko na lang hindi naman masaaaakeeet.


"...and when creativity succeed, sweet sap as a reward"
wala pang beyblade nun. dahil madalas nga kaming maglaro sa ilalim ng punong kaymito doon na din namin natatagpuan yong mga bagay na pwede naming gawing laruan. alam mo yong mga bunga ng kaymito na maliliit na nalaglag? kinukuha namin yon saka tutusukin ng walis tingting sa gitna at gagawing trumpo. pipihitin ng dalawang kamay, iikot at magpapatagalan.kung sinong pinakamatagal ang syang mananalo.meron pa yan, ginagawa naming kwentas yong maliliit na bulaklak nito. tapos merong isang klase ng damo na namumunga ng puti. pinapatuyo namin yon saka gagawin ding kwentas. bright ideas di ba? at sino ang hindi nakaranas sa instant sweet juice ng bulaklak ng santan. antamis tamis nun.

"esaaa...dalaw-wa... tat-looo.. aaa-pat.. lima..a-nim"
teks.dito ako naadik. kung may mga batang naadik sa dota ngayon. meron ding naadik sa teks noon. yong baon ko kasi ipinambibili ko na lang ng teks. yong piso mo makakabili na ng singkwenta na teks, yong mga caricature pa nya e yong mga action movie. paniwalang paniwala din ako na pag nag-iisa yong bida sa teks e matinding pambato yon. super pambato ang tawag namin dun. tapos kung anong teks naman yong andun yong kontrabida e malas na yon. doon ko ata natutunan ang stereotyping. dumadayo pa kami sa kabilang baranggay para lang makipagteks. inaabutan kami ng gabi minsan.


"Everybody's looking for that something one thing that makes it all complete..-flying without wings."
grade 6 ako taong 1999 nang una ako ng magkaroon ng walkman. usong uso pa noon yong kantang born for you ni david pomeranz na naging national anthemn ng buong school campus. ang ginagawa ko nirerecord ko sa casette recorder yong mga bagong kanta sa fm saka ko naman ipaparinig sa mga klasmeyt. instant famous ako nun lalo na sa mga klasmeyt kong mahihilig sa boybands. sino ba naman ang hindi makakakilala sa westlife, a1, backstreet boys, savage garden at nsync na yan. oo, amindado ako naging fan ako ng backstreet at westlife.


"mas naunang nauso yong gupit ng magkapatid na aaron carter at nick na hati sa gitna ang bangs kesa sa gupit na boss trim trim lang"
sa tuwing nago-grocery nun ang nanay ko madalas kong ipabili e songhits. bente pesos lang yun, nagtatabi ako ng maliit na halaga para makabili ng songhits. hindi pa kasi ganun kauso ang internet, mahirap magdownload ng lyrics kaya sa songhits ako dumidepende. nang minsan naging cover si aaron carter na pwedeng gawing poster, nakita to ng mga kaklase kong malalandi nang minsan kong dalhin sa school. yong bente pesos na songhits naisubasta ko sa halagang singkwenta. kumita ako. ang hindi nila alam mas makakamura sila sa sampung pisong poster sa palengke kesa sa pinagkaguluhan nilang kapirasong papel.


"handa akong masubsob sa nguso wag lang makagat ng aso--marvin"
andami kong memories nung dekada nobenta, dekada nobenta ng una akong makagat ng aso, dekada nobenta din ng una kong malaman na may pangontra pala sa nanggagalaiting aso. sabi sabi lang to kelangan mo daw magcross finger saka kagatin ang dila mo. pero never kung ginawa yan. pramis. as in never. never at all. lagi kasi kaming hinahabol pag magi-stroll kami sa kabilang baranggay gamit ang aming bisekleta.


"nanay, nanay! pasok ka na andyan na ang aswang!"
dekada nobenta din noon ng unang umere ang wansapanataym. pinopromote pa lang yun nun sa abscbn tinatandaan na namin kung anong araw. linggo alas siete ng gbi. ang akala naming magpipinsan e nakakatakot na programa e hindi pala.more on magical stories at inspiring stories na para sa mga bata. in fairness nahooked kami dito. ang hardcore sa amin nun e yong okatokat ni agot isidro aka rona catacutan tuwing tuesday, hindi ko magawang umihin nun nang walang kasama. at sinong batang nobenta ang hindi nanood ng maganda gabi bayan tuwing halloween season na yan. effects palang pamatay na. what more ang true stories ng mga iniinterview. memorable sa akin yong kwento ng isang mama na hinarang sya ng isang kabaong kinagabihan at may biglang umangat na katawan sa kabaong. na-freak out talaga ako nun. pag ganung moment na kasi lahat kaming magpipinsan muling nagsasama sama sa loob ng bahay para manood. tapos yong mga tita at nanay ko naman e nasa labas ng bahay kung hindi gunagawa ng kakanin e nagtitsimisan.meron pa one time na masyadong affected yong kapatid ko, pinapapasok nya yong nanay ko kasi andyan na daw yong aswang. terrified o praning? pareho.



" dear lola, apart from youre being melodramatic, you're comical too."
when it comes to comedy. mas paborito ko yong palibahasa lalaki nina joey marquez, richard gomez, john estrada, amy perez at ang the gwapings atbp. lagi kasing may nababasa sa set at halata mong adlib lang yong ibang script. okey din yong abangan ang susunod na kabanata may pagka political satire kaya lang di ko masyadong naiintindihan nung bata pa ako gusto ko kasi literal na comedy. gaya ng home along da riles.tanda ko pa na tuwing huebes ng gabi to pinapalabas sa abs cbn. lagi ko tong pinapanood kasi paborito ko pa noon yong kulitan ni vandolph at boy 2. after naman ng home along e ipapalabas yong maalaala mo kaya ni charo santos. nasa kalagitnaan palang ng programa e nakakatulog na ako, ang lola ko talaga ang may paborito dito.walang pinalalampas na episode lagi syang may good morning towel na hawak, pampunas luha.


"naisip ko, hindi ba ganun katibay ang mga proyekto ni ramos para kailanganin pa ng kumaw?"
kung may angry birds ngayon. noong bata kami totoong ibon ang nilalaro namin. tinitirador namin yong ibong maya. nang minsang makapanood kami ng isang episode ng wansapanataym na hindi tama ang paghuli sa ibon, natigil na din kami. ayun kasi sa kwento baka daw isang diwata ang ibon na yon at isusumpa kami. sinong hindi matatakot? gagawing uod. duh. pero wala nang mas kakabog pa sa takot yang kumaw na na yan. na kesyo may dudukot na lang sa yo bigla at gagawing pampatibay ang yong dugo sa mga ginagawang tulay. isusuli daw ang ulo mong may palamang limpak limpak na pera. hardcore? oh yes it is.


"i had an estuary memories between saline past and fresh future..."
malaki ang naihubog sa akin ng dekada nobenta. marami akong natutunan, marami akong . at nagpapasalamat ako dahil sa henerasyong nobenta nalasap ko pareho ang primitivong pamumuhay noon at ang unti-unting pagyabong ng modernisasyon ngayon. naranasan ko ang mga larong lahi. napanood ang mas makabuluhang programa. at naramdaman kung anong saya ang naidulot ng dekada nobenta sa aking pagkabata. hindi matatawaran ang mga bagay na naranasan ko mismo sa henerasyong ito.

ako si taympers. at ito ang kwento ng henerasyon ko.

18 comments:

  1. Kumusta naman parekoy? Ang haba ng post mo pero.

    Natutuwa akong maging kasama mo noong PEBA 2010 Nominees.

    Miss na kiya pre at pati ng Peba.

    ReplyDelete
  2. oi, parekoy! salamat sa pagadaan.

    mahaba ba? bitin pa nga eh....\m/

    ReplyDelete
  3. sir ang ganda po ng psot niyong to.... napansin ko po... nung kapanahunan ng 90's ang simple lang ng buhay natin... ngayun.... ang layo na ng buhay ng kabataan... =_= parang yung quote lang na kumakalat sa FACEBOOK na "When I was a kid, I didn't have a laptop, iPod, Blackberry, PS3 or iPad. I played outside with friends, bruised my knees, made up adventurous fantasies and played hide and seek. I ate what my mom made; Jollibee was a treat. I would think twice before I said "no" to my parents. Life wasn't hard, it was great and I survived. Kids these days are spoiled. Re-post this if you appreciate the way you were raised. I think we were happier kids! Kids these days lost something - APPRECIATION"

    ReplyDelete
  4. Buti naman at bumalik na ang comment box na 'to. Nahihirapan ako sa disqus e. Yun lang. Haha.

    ReplyDelete
  5. potah.buwahahaha. bakit anlaki ng picture ko dyan? rekwes lang, pakiliitan yong potang inang picture. hahahaha.

    salamat sa pagfeature, alam mo namang ikaw ang idol ko. ikaw at ikaw lang yon.

    salamat,
    taympers

    ReplyDelete
  6. yung 3 oclock habit! :D hehehe panalo talaga, brings back memories. Naalala la ko lagi akong pinapagalitan dati dahil ayaw ko matulog.

    Narealize ko lang na ang lalim ng boses nung nagdadasal. Yon na yata ang pinaka malalim na boses na narinig ko ever.

    "3 o clock in the afternoon is hour of great mercy..."

    hehe, can stil remember it!

    ReplyDelete
  7. ayos ang post na gawa ni taympers...... suer time spacewarp. iyung mga nabanggit nia ay super relate me much. san na napunta ang panahon.... nakakasad ng slight.

    ReplyDelete
  8. @pierrot05: parekoy, salamat sa pagpunta sa aking tambayan. salamat rin at nagustuhan mo ang malufet na entry ni ser mar. tama ka, wala na ang "apppreciation" ng mga bata ngayon. noong panahon natin, simple lang ang pamumuhay pero astig! \m/

    @goyo: honga, buti nalang at natanggal ko na ang potang disqus na yun. ang daming nagrereklamo sakin nun eh!

    @taympers: idol wag mo na akong bolahin dahil bilog na ang mukha ko sa pagiging chubby. at dahil ikaw ang featured blogger, your wish is my command! \m/

    ReplyDelete
  9. @ rah: kapag naririnig ko ang boses ng nagli-lead ng dasal tuwing alas-tres, inaantok ako. ang lalim nga, sobra. pero medyo makapangyarihan ang dasal na 'yan dahil napapahinto nya ang mga nagbi-bingo sa lugar namin! "sa B.....ooops, alas-tres na, dasal muna tayo!" \m/

    @khanto: ang ganda talaga ng entry ni taympers. ramdam na ramdam ko ang kabataan ko.

    ReplyDelete
  10. hello, I just read ur entry and i was astonished and eager to read every words, phrase, sentence sa post mo na iyon! punto per punto naka relate ako It was like parang nag balik yong 90's...i was born in the year 1986 so same with you my childhood years ay nasa dekada nobenta talaga and most of the tv shows you mentioned ay na panuod ko din almost all ay nasa ABS CBN yon( kasi sa baryo namin ABS CBN lang yong may clear signal dati)im smiling reading u entry! i love it ... so far the best! lotsa love peace out

    ReplyDelete
  11. andami kong relate sa mga nisabi ni ser Taympers. Alam ko dati napadpad siya sa blog ko para sa contest na Libre Lang Mangarap ni Otep, kasi sumali din yata siya di ko na po tanda ser.

    Panalo ang Power Rangers at yung ETV ng channel 2 kasama dun yung Hirayamanawari at ang alas tres na panalangin na sinasabayan pa namin dahil namemorize na. xD
    nabanggit din si Ramos na tanda ko na ang Pilipinas ang susunod na Tiger Economy ng Asia, ngayon mga buwaya pa rin sa kongreso hahahaha

    be blessed ser!

    ReplyDelete
  12. Ang galing ha.. I can super relate to this because I so lived in this era.. And I am happy for you mr nobenta because you were able to interact with your idol.. :)

    ReplyDelete
  13. @akolasalista: una, welcome sa bahay ko! hindi po sa akin ang entry. sa idol ko ito at natutuwa akong nagustuhan mo ang kanyang regalo sa blogsary ng tambayang ito. relate 'di ba? \m/

    @pong: taena, kung natupad lang ang pangarap ni ramos, sana wala ako dito sa china!

    @zen: salamat sa pagdaan sa aking tambyan! ako naman, more than happy na may interaction kami ni idol taympers! \m/

    ReplyDelete
  14. two thumbs up ang post mo bossing, talagang masaya ang dekada 90, keep it up!

    ReplyDelete
  15. If you really read it word by word how come richard gutierrez nasa palibhasa lalake! Hehe peace!

    ReplyDelete
  16. parekoy, maraming salamat sa iyong puna. \m/

    ReplyDelete
  17. Ang Galing!! Habang Binabasa q nagpa Flashback din skin yung mga nilalaro at mga hilig qng panoorin.. saktong sakto.. :D more Power Po.. :D

    ReplyDelete