Sunday, August 7, 2011

Featured Blogger: Lio Loco of [SAME SHIT, DIFFERENT DAY]



Paano mo sisimulan ang pagpapakilala sa isang blogger na lubos mong hinahangaan? 

Sa totoo lang, hindi ko alam. Sa mga ganitong pagkakataon nahihirapang mag-isip ang tuyo kong utak ng kung anu-anong shit na dapat isali-type. Halos ganito ang nararanasan ko sa tuwing tinatangka kong magsulat ng isang parangal sa iniidolo kong si Jessica Zafra - hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang entry ko tungkol sa kanya dahil sa sobrang galing niya, nangangamba akong baka magmukhang buris lang ang magagawa kong sanaysay. Sa dami ng naiisip at gusto kong sabihin ay hindi ko mapagtagpi-tagpi ang mga salita upang maipahayag ang mga ito ng maganda.

Anyway highway, maglalakas-loob akong ipakilala sa inyo ang ikalawang "featured blogger" ko sa pagdiriwang ng ikalawang taon ng aking walang kakuwenta-kuwentang tambayan. Mga ka-dekads...si Sir LIO LOCO ng [Same Shit, Different Day].

Noong una akong mapadapad sa kanyang crib ay talaga namang nabighani kaagad ako sa kanyang istilo ng pagsusulat. Kasing-tindi ng paghanga ko kay Xerex noong mga panahong nagbibinata akong tinutubuan ng mga buhok sa mga nakakatawang parte ng aking katawan na punung-puno ng raging hormones. Kung ang mga entries ni Ser Lio ay droga, ang sarap nitong simutin hanggang latak hanggang sa ikaw ay lumutang papuntang alapaap. Panalo sa mga banat at may laman ang bawat pangungusap.

ser, kampay tayo pag may pagkakataon!

Si Ser Lio, para sa akin, ay si April Boy Regino, "IDOL". Pero sa kaso ng ating bida, hindi siya ang iniidolo ng masa. Sa lalim ng kanyang pag-iisip at sa madalas na paglabas ng kung anu-anong shit sa kanyang utak na  topakin, hindi lahat ay kayang sakyan ang kanyang trip sa buhay. Ika nga niya, hindi ka-wavelength. Buti nalang, isa ako sa mga ka-utak.

Kapag tumatambay ako sa kanyang datkom, lagi kong nasasabi sa aking sarili na "sana ay ganito kalufet ang blog ko!". Sa tingin ko, masarap makasama sa inuman si Ser Lio dahil ang mga trip ko habang umiinom ng bote ng happy horse ay may pinupulutang mga "may sense" na usapan. Kahit na abutin hanggang madaling-araw, walang problema.

May mga blogistang maangas. Meron ding mga nag-aangas-angasan lang. Sa dalawang nabanggit, si Ser Lio ang pinakamaangas. Nakikita ko sa kanyang katauhan ang karakter ni Holden Caufield na galing sa isa sa mga pinakapaborito kong nobela mula kay J.D. Salinger. Kung sa pelikula naman, naaalala ko sa kanya si Tyler Durden na handang makipagsuntukan kay Lincoln. Maihahanay ko rin siya sa mga tulad ng hinahangaan ko ring TNL na si Lourd De Veyra.

Bilang patunay sa kanyang kaangasan, ibabahagi ko sa inyo ang isa sa kanyang mga quotable quotes:

I love writing and someday, when I’ve already reached the stars and danced under stardust sprinkles, I will write the Great Filipino Novel that will put the Philippines in the world literary map. In the meantime though, I content myself with polluting the Internet bandwidth with fuck-me-Freddy rants and unlimited R18 invectives.

Ser, aabangan ko 'yan! Pa-autograph ha.







Heto naman ang regalo ng aking idol matapos kong magmakaawa sa kanya:

TITLE: BANKRUPT

Papano ko ba sisimulan ang pagsasalitype sa isang dekadang hindi naman talaga 'ko dabarkads?

Mahirap balikan ang nakaraan ng Dekada Nobenta kung wala ka talagang maalala. Ano nga naman ang pwede mong maitipa kung sa simula pa lang ng sampung taong ‘yun eh supot pa ang tite mong maugat at TL pa sa tsupon ng gatas sa dibdib ng nanay? Pero mahirap tanggihan ang isang bumibeerday na manunulat ng buladaspir na sa isang buslo ng mga itlog eh alam mong hindi bugok.

No kissing ass. But here's the shit, anyway:

Noong una eh binalak kong ibitin patiwarik ang kung anu-anong shit na pumulandit sa sumusuray-suray na sampayan ng 90's. Pero ano ang silbi ng pagbanggit ng kung anu-anong kaganapan kung pwede namang i-Google ‘yun ng mga batugan? Kaya naman sa halip na patulugin kita sa kwento ng pagsikat ng pager (hindi ko naabutan ‘to) o ng pagsupsop ng sambayanan sa Zagu (meron pa ba nito ngayon?), ng kahindik-hindik na massacre films ng isang huwad na National Artist o ng chumuchuvachuchung kabaduyan ng isang jumu-Jolens na taartits, mas pinili kong pitikin sa pitak ang isang paksang alam kong alam na alam ko at alam kong alam ako:

Taong 1999 nung unang umere sa GMA 7 ang pambatang palabas na di-kalauna’y pinasok na rin ng mga matatanda at isip-bata. Ang totoo niyan eh nauna pa siyang pinalabas sa IBC 13 at RPN 9 pero dahil namumutiktik sa split ends ang dalawang naunang istasyon sa di-nila pagtapos sa palabas, sa bakuran lang talaga ni Felipe Gozon napansin ng masa ang programa.

Sa Japan, anime ang tawag nila sa ganitong uri ng teevee program. Para sa mga magulang at walang alam, cartoon na wala raw maidudulot na maganda. Sa akin? Wala akong pakialam kung Ligaya ang itawag nila sa aking paboritong palabas nung elementarya. Basta ang alam ko, humahangos ako sa pag-uwi galing sa iskul tuwing hapon para mapanood lang ang Ghost Fighter.

Mahuli, taya!

Sinasabing sa lupet ng hatak ng anime na 'to sa mga manonood, maihahalintulad ang alikabok sa kalsada tuwing hapon kapag nananapak si Manny Pacquiao ng milyun-milyong pera sa lona. Kung ang 80's eh merong Voltes V, ang GHOST FIGHTER na siguro ang maituturing na pantapat ng 90's sa kalawanging robot na may laser sword at dalawang tropang trumpo.


Sino nga naman ang makakalimot sa tamang topak ni Eugene na sinahugan pa ng kabulastugan ng chopsuey trio: ang gago pero kengkoy na si Alfred, ang maangas na si Vincent, at ang misteryosong si Dennis? Andiyan din ang supporting cast na sina Jericho, Master Jeremiah, Jenny, Susie, at Michaela. Siyempre pa, mawawala ba naman ang mga Max Alvarado at Paquito Diaz ng palabas? Si Taguro na pag tinabi mo kay Arnold Schwarzenegger eh magmumukang malnoris ang Governor Terminator; ang kapatid ni Taguro na kilala ko lang bilang kapatid ni Taguro; si Sensui na hindi ko alam kung pinaglihi sa giraffe o mahilig lang mag-stretching sa leeg.

Kapag pinalabas na sa teevee ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Eugene at ng kaniyang mga kasama, bawal nang mag-utos si ermats para bumili sa tindahan ni Aling Nena, bawal na ring magpatakbo sa kanto ni erpats para sa yosi at toma. Bawal ang maingay, bawal ang bumubula ang bibig sa dami ng laway. Bawal ang may anghit, bawal ang bad breath.

Dahil sa mga panahong nakatutok na ang lahat sa teevee set, kelangang sina Eugene lang ang bida at walang sinumang talipandas ang manggugulo sa konsentrasyon ng mga manonood.

Nakatutuwang isiping sa simpleng anime na tulad ng Ghost Fighter eh milyun-milyong tao ang naulol sa kwento. Ibang klase nga kasi ang hatak ng programa sa mga manonood. Kumbaga sa pelikula, taob ang cheesy love story na pinagbibidahan ni John Lloyd Mongoloid. Kumbaga sa unang toknakan, na-doglock ang manonood sa programa. Kumbaga sa tae, bestseller echas na pinagpipiyestahan ng mga lasing na langaw sa tabi.

Pero sa dinami-dami ng mga programang ipinagduldulan ng mga istasyon sa teevee, ano nga bang meron sa Ghost Fighter at pinilahan 'to ng masang malamang sa alamang eh fans ni Sharon Cuneta?

Siguro kasi maraming tao ang nakaka-relate sa kwento. Di tulad ng iyaking si Mara na matagal nagdusa sa pang-aapi ni Clara, mabilis ang pacing ng pambihirang plot. Idagdag mo pa rito ang sali-saliwang kwento na siyang dahilan para maging kapana-panabik ang susunod na kabanata.

Siguro kasi ibang klase ang bitaw ng linya ng mga bida. Ang mga karakter eh hindi dumudura ng tipikal na one-liner shits na ilang beses mo nang narinig sa soap opera. Timplado ang bitaw ng dayalogo: pwede kang humagalpak sa tawa sa isang episode dahil sa katarantaduhan ni Alfred tapos sa susunod eh maiiyak sa love story ni Eugene at Jenny.

Siguro kasi ibang realmo ang idinudulog ng anime na 'to at bilang mag-aaral na banas na sa maghapong combo ng basa-sulat-laro sa paaralan, gusto mo lang tumakas sa isang astig na mundong namumutiktik sa adventure at walang suwangit na teacher na kung hindi naglalako ng yema at tocino eh nagpapahinguto sa sipsip na seatmate mong si Shiela.

Noong isang araw lang, habang sakay ng bus papunta sa trabaho, natyempuhan ko bigla ang Ghost Fighter na pinapalabas sa teevee. Pinagmasdan ko ang mga kasama kong naka-pormal-pormalan at naghahabol din siguro sa bundy clock ng opisina. Tutok ang lahat ng mata sa kwadradong monitor at tulad ng dati, bungisngis sa mga patawang banat nina Alfred at Eugene.

Tamo nga naman; walang nagbago.

Bulbulin na't lahat pero heto't nauulol pa rin sa kinagisnang pambihirang kwento ang mga damuho. Siguro nga kasi sa malupet na mundo ng Ghost Fighter, ikaw si Eugene at lahat ng gustong tumarantado sa'yo eh isang Rei Gun lang ang katapat!


P.S.

Kung ang taong 1980-1989 eh 80's o Dekada Otsenta at ang taong 1990-1999 eh 90's o Dekada Nobenta, ano naman ang tawag mo sa taong 2000-2009? Seryoso ako; hindi ko kasi alam. XD

14 ang biglang may naalala:

  1. like!!!!

    sinusundan ko din ang blog ni lio loco kasi kakaiba ang way nia para magwento. nakakatawa na alam mo na may lalim ang bawat words na kanyang ginagamit.

    clap.clap

    ReplyDelete
  2. paborito ko ito..... 
    ako si dennis d2,ung bunsong babae si eugene at dennis , at ung lalaki si vincent..dami q pa mga texts nto..tas pglingan pa kami mgdrawing ng character ng dalawa kong kapatid..ang masaklap nito..kht replay at ilang beses na namin napanood, tlgang pnanood pa tlga...ahahhah..at tama po, s IBC at RPN to napalabas nang una..kund ako nagkakamali,dun din nanggaling ang dragonball z n knabaliwan nming mgkakapatid..ayahaya..salamat poh sa pgsusulat abt this ghostfighter...  :)

    ReplyDelete
  3. saka ko nalang i revisit tong site pag alam ko ang sagot dito...
    Kung ang taong 1980-1989 eh 80's o Dekada Otsenta at ang taong 1990-1999 eh 90's o Dekada Nobenta, ano naman ang tawag mo sa taong 2000-2009?
    NAAAAPAKA lufeet!!! :)

    ReplyDelete
  4. naks! tumigas ang tite kong maugat sa intro mo, ser. di nga? holden caulfield-tyler-durden-lourd de veyra combo? pucha, nahiya naman ako sa balat ko para maihanay sa mga astiging nilalang na 'to! lol!

    ni-link ko 'to sa datnet ser kaso hindi raw nila ma-open. nag-e-error daw eh; palagay ko sa disqus nagkakatalo. hehe. pero oks lang, hits pa rin 'yan. XD

    hapee 2nd blog beerday ule, ser jayson! blogenroll! \m/

    ReplyDelete
  5. ser, nakalimutan mong isama sa como sina xerex at april boy. lols! walang halong buladas an intro na ito. peksman.

    taenang disqus ito. ang daming nasayang na comments. dapat na akong mag house renovation. next month....

    blogenroll ser lio!! \m/

    ReplyDelete
  6. parekoy, wellcum sa aking tambayan.balik-balik lang kung gusto mong sumulyap sa panahon naming mga oldies! \m/

    ReplyDelete
  7. oi, salamat sa pagdaan dito! pasalamat tayo kay ser lio dahil sa kanya galing ang entry na ito. ang lufet 'di ba?! \m/

    ReplyDelete
  8. double like!!

    malufet talaga si ser lio. buti nalang at ka-wavelength nya tayo parekoy! \m/

    ReplyDelete
  9. Kung bakit magsing-Idol kayo ni pareng lio ay alam ko na. Basta tanda ko nakabalik na rin ako ng ilang beses dito ng ikampanya tayo ni pareng lio nung PEBA last year.

    Cheers, ser!

    ReplyDelete
  10. Nung ni-click ko yung Facebook sa itaas ser, ikaw po pala yung Jay Kit. Magkaconnect na pala tayo sa FB.

    ReplyDelete
  11. ser, balik-balik lang dito kung trip mong sumulyap sa dekada kung saan kami ang bida! \m/

    ReplyDelete
  12. ser, anong profile name mo sa fb? small world di ba? hehehe

    ReplyDelete
  13. Slamat sa n u..napawi ng konte ang lungkot ko d2 sa mid-east dahil sa blog na 'to..More Power mga ka 90s..Tnx tnx..

    ReplyDelete

Sikat Daw