"Isa kang Batang Nineties kung alam mong may milagro daw na naganap sa Agoo."
Kapag sumasapit ang kaarawan ni Mama Mary ay may naaalala akong isang pangyayari noong Dekada NoBenta na pinaniwalaan ng maraming Pinoy. Hindi ito naganap sa mismong birthday ng ina ni Bro pero ito ay may kaugnayan sa pagpapakita ng Mahal na Birhen sa isang lugar sa La Union.
March 6, 1993 ay dumagsa ang halos nasa isang milyong deboto sa AGOO matapos ipahayag ni JUDIEL NIEVA na magkakaroon ng aparisyon ang Birheng Mariya.
Natatandaan ko kung paano pumutok ang balitang ito.
Laman ng teevee isang buwan bago ang "Agoo Apparition" ang 'di-umano'y madalas pagluha ng dugo ng estatwa ni Virgin Mary na pagmamay-ari ng pamilya Nieva. Ang kababalaghan ay pinatunayan ng ilang mga dumalo sa misa kung saan naroroon din ang estatwa. May mga balita rin na nagsasabing naging "dugo at laman" daw ang Banal na Ostya sa bibig ni Judiel.
Isang rehiliyosong bansa ang Pinas kaya naman matindi ang naging pagtanggap sa kaganapang ito. Ang lahat ay gustong pumunta sa Agoo para masakhihan ang himala. Kahit na sinabi na ni Ate Guy na ito ay nasa puso lang ng tao, marami pa rin ang sumugod papuntang norte. Kahit ang opisina nila erpats, natatandaan kong nagpunta sa "Appartion Hill".
Naalala mo pa ba ang kanta ng Yano na "Iskolar ng Bayan"? Kahit sila pareng Dong ay nai-konek ang milagro ng Agoo sa pagtatapos ng mga taga-peyups.
Ang kuwento ng mga naniniwala, ang noo'y 16-taong gulang na si Judiel ("Bearer of God's Mercy" daw ang ibig sabihin ng kanyang pangalan) ay unang pinagpakitaan ni Mama Mary noong siya ay sampung taong gulang pa lamang (1987). Nakita na niya 'di-umano ang Holy Family kasama ang mga anghel na nagmula sa langit. Ayon sa kanyang mga magulang ay may nakakitaan daw nila si Judiel ng "special powers" noong siya ay bata pa.
Balik tayo sa mirakol na nangyari.
Isang araw bago ang aparisyon ay nasaksihan naman ng mga deboto ang "Dancing Sun" na tumagal daw ng halos labing-limang minuto. Sa pagkakaalala ko, "the sun is the center of the solar system" at ang mundo ang umiikot sa araw kaya kung nakikita nating sumasayaw ito, malamang sa alamang ay yumuyugyog ang planet earth. Palaisipan pa rin sa akin ito. Ang pumapasok sa aking imahinasyon ay ang nanghahabol na araw sa Desert World ng Super Mario Brothers 3.
ang "Apparition Hill" ngayon
Sa araw ng itinakdang petsa, nagdaos si Fr. Cortez ng misa. Ayon sa mga saksi, may nakita raw silang imahe ng isang babae sa puno ng bayabas at ito ay pinaniwalaan nilang si Birheng Mariya. May mga nagsasabi ring habang inaalam ni Judiel ang mensahe mula sa Ina ay may mga iba't ibang kulay ng sinag ang nakitang papunta sa direksyon ng araw.
Ang mensaheng ibinahagi ni Judiel mula kay Mother Mary ay “My Children, I need your help. Please pray the rosary every day and repent of your sins…September 8, 1993 will be the last apparition.".
Maraming tao ang nagpatunay sa pangyayari. May mga pulitiko, may kasapi ng media, at ang mismong Bishop ng lalawigan. Kahit nga ang yumaong Jaime Cardinal Sin ay nakapagdaos ng misa sa nasabing lugar.
Ganunpaman, marami pa rin ang mga hindi napabilib. May mga ilang usisero na nagsasabing gawa-gawa lang ito ng ilang grupo. May kuwento kasi tungkol sa pinagtanungan sa kung ano ang nakita nila. Sabi ng dalawa ay ang Banal na Pamilya. Nang tanungin sila kung saan nakita ay magkaibang direksyon ang kanilang itinuro.
Noong taon ding 'yun ay pinaimbistigahan ito upang malaman kung ito nga ay isang himala. Sa kasamaang-palad ay idineklara itong "Constat de Non Supernaturalitate" o "clearly evident to be not supernatural". Naging maanomalya at puno ng korupsyon ang mga donasyong ibinigay sa pamilya Nieva. Naging basehan din ang pagiging binabae ni Judiel kaya ito kinondena ng Simbahan.
Ang malungkot ay may kumalat na tsismis na ibinenta daw ang estatwang lumuluha sa mababang halagang Php2,000. Nabisto rin na dugo ng baboy ang mga "luhang" ginamit dito.
Hindi natin alam ang totoo. Basahin mo nalang ng pabaligtad ang taytol ng entry ko at baka isipin mo pang mirakol ito.
Kung trip mo talaga ng himala, titigan mo nalang ang pekpektyur ni Judiel a.k.a. ANGEL DE LA VEGA na kamakailan ay gumanap na babae sa pelikulang "Siklo".
omay, iba na ang look ni judiel.
ReplyDeletepaniwalang paniwala ako dati noon... pero after seeing Judiel transformed parang nawala na ang lahat ng pinaniwalaan ko noon hehe :D
ReplyDeleteHIndi ko alam ito pero naalala ko may one time na dumaan kami ata diyan para kumuha nung tubig. miracle water daw. ewan. ang bata ko pa nun.
ReplyDeletesi judiel!! ehehehehe
ReplyDeleteAng pinaniniwalaan ko lang diyan na himala, yung pagbabagong anyo ni JUDIEL bilang Angela dela vega hahahahhaha!
ReplyDeleteSports paphos car hire in FuengirolaThe Costa del Sol is today the
ReplyDeletedream golf destination for every golfer. Kathmandu to Benshishar Paphos Car Hire for the
Annaurna circuit trekking 7. Compare the prices of services dropped
too. Above all, it is a problem with the car or us. Hotel car service, or budget conscious no frills shuttle bus options are also provided.
my blog post ... wiki.td.co.at
You may be lucky enough to spot Goannas and all sort of Australian native birds including Kookaburras.
ReplyDeleteMeteora is located at 1812 S Andrews Ave in Fort Lauderdale can seem like a great idea to perform multiple levels of research when trying to find a company that has name in
the field. Deductibles if any Liability & Collision Coverage?
We see, smell, touch and have the opportunity to take your
time when renting. Now, the Turks in northern paphos car hire.
Here is my blog; car hire paphos
Thanks for a greaat read
ReplyDelete