Sigurado ako na nakakaranas din kayo ng “last song syndrome” o para sa iba ay “earworm”, “aneurythm” at “humbug”. Kahit ayoko ‘yung kanta ni Meatloaf na “I Would Do Anything for Love”, wala na akong magagawa kapag narinig ko na ito sa ibang tao paggising mo pa lang sa umaga. Paulit-ulit ‘yung tutugtog sa isip mo na minsan ay napapasabay ka na rin at napapa-hum.
Dahil daw ito sa “Tetris Effect”, isa sa mga nagpaiba sa takbo ng buhay ko. Ang lahat ng lumaki sa Dekada No Benta ay siguradong naadik sa Nintendo Entertainment System o Family Computer. Hindi ako magkakamali na isa sa mga paboritong laro ng mga kabataan dati ay ang “TETRIS”. In fact, hanggang ngayon ay isa ito sa mga paborito ng mga gamers. Binigyan nga ito ng title na “Greatest Game of All Time” ng Electronic Gaming Monthly. Napakasimpleng laro pero nakakaadik na dumating sa punto na nagkaroon ng epekto sa mga isip ng mga tulad ko.
Naimbento ni Alexey Pajitnov, isang Russian noong June 6, 1984,ang Tetris ay galing sa pinaghalong mga salita na “Tetrominoes” o ‘yung mga iba’t ibang bricks na gawa sa apat na segments at “Tennis” na favorite sport ng lumikha. Noong ‘di pa ako nareregaluhan ng lolo at lola ko ng Famicom, kasama ko lagi ang utol kong si Pot na tumatanaw sa Computer Rental sa foodcourt ng Ali Mall. O kaya naman ay sa bintana ng mga kapitbahay naming anak ng mga Japayukis. Kahit ‘di namin nalalaro, nakaka-excite panoorin yung mga bricks na hugis letters I, J, L, O,S, T, at Z. Ang sarap kaya panoorin na yung player na gumagawa siya ng isang parang mataas na building. Tapos mawawala ‘yung isang horizontal line kapag nabuo. Mas maganda kung apat na sabay-saba ang mawawala dahil ‘yun ang tinatawag na “tetris”. Nakaka-hypnotize pa ‘yung background na Russian music nung laro.
May dalawang mode ang laro na ito eh. Ang mode A, regular kang gagawa ng building mo. Tataas ang level kada makaubos ka ng sampung linya.Habang tumataas ang level, pabilis ng pabilis kaya dapat mabilis din ang reflex po para tama ang mapipindot mo sa joystick. ‘Yung mode B, pabaligtad ang style. Depende sa level na pipiliin mo. Mas mataas na level, mas mabilis at mataas din ang irregular na building na dapat mong ubusin. Noong may Famicom na kami nila utol, ilang beses kong natapos ang mode B. Nakakaaliw panoorin ‘yung mga Russian dancers na lalabas sa monitor bago paliparin ‘yung rocket ship!
Nang medyo malaos na ang NES, lumabas ang Gameboy. Siyempre meron din kami nito (courtesy of lolo at lola na naka-base sa Hong Kong). Dahil sa handheld ang game console, mas sumikat ang Tetris. Mas naging pampalipas ito kaysa sa “Super Mario World” at iba pang laro dahil ‘di mo kailangan masyadong mag-isip. Basta kailangan mo lang i-manipulate ang mga bricks na nahuhulog!
Dito pumasok ang mga pirata. Dahil marami pang “can’t afford” sa GB, may nakaisip na gumawa ng “Brick Game”. Magaling ang mga taong nasa likod ng sindikatong gumagawa ng mga imitation ng laruan tuwing Pasko. Nakatanggap na ako ng pekeng Tamagotchi. At ‘di ko kinakahiya na nabilihan din ako ng pekeng Tetris. Pareho lang naman ang laro pero gray nga lang ang kulay ng mga bricks. Hindi tulad sa orig na Technicolor. Tapos walang background music. At higit sa lahat, napakaingay ng controls. Iskandaloso ang tunog na parang machinegun o laser gun kung papakinggan.
Patok na patok ito sa mga chikiting. Kahit sa mga lolo at lola. Mga nanay at tatay. Hindi niyo na kailangang mag-agawan dahil napakamura. Parang two hundred pesos lang yata, meron ka na. Medyo nag-iiba lang ang mga price nang lumabas na ang mga may “variations” sa laro – ang mga binaboy na versions. Mayroong tetris game na parang Galaga. Mayroong Tetris na parang Arkanoid. Mayroon din naman ‘yung parang F1 Race. At sino ba naman ang makakalimot sa Snake na Tetris. Hindi pa naiimbento ng Nokia ang Snake, meron na sa Brick Game. Sasabihan ka ng tinder na, “Mas mahal itong Brick Game na ito kasi 4-in-1”. Parang cartridge dati ng NES, umabot sa 20-in-1. Tapos, 200-in-1. Hanggang sa 2001-in-1! Lintik sa pakulo.
Payabangan ng laruan, pagalingan sa paglaro. Pataasan ng score, pataasan ng level. Kahit mga security guard, nananakawan dahil ‘doon na naka-focus sa LCD screen. Masarap mamili sa palengke kapag naglalaro ‘yung matadero kasi nagmamadali sila. Ang sarap humingi ng discount sa mga paninda nilang baboy! May mga nagsapakan pa nga dahil sa laruan na ito. Nagpustahan. Pataasan ng ihi, Yari!! Kahit nga ang Eat Bulaga, nakisali sa trend. May pa-contest sila sa mga magaling maglaro ng lintik na brick game. Sayang ‘di ako nakasali.
Ang lufet talaga ng virus na pinakalat ng brick game. Ang daming naloko eh. Ang daming nasayang na oras! Biruin mo, ‘di pa nakakapagmumog, panay na ang pindot!
Kahit na simple lang ang laro, ang daming nag-iisip sa mga paksyet na bricks na nahuhulog. Kung isa ka doon sa mga nananaginip dati ng tetrominoes, o kahit gising ka, nagkaroon ka ng “Tetris Effect”. Halos lahat ng mga bata noon ay ‘di natin napapansin na stressed na sila sa kakaisip nila kung paano pagtatagpiin ang mga geometric shapes na iyon. “Repetitive Stress Syndrome” ang tawag dito na puwede rin ma-experience sa lahat ng laro.
Kahit ngayon, apektado tayo ng Tetris. Ang earworm ay isang example ng Tetris Effect. Kahit ‘yung madalas na pag-iisip sa paglaro ng “Rubik’s Cube” kahit naka-steady ka lang at walang ginagawa ay isang example pa nito. Ang epekto na ito ay puwedeng mag-lead papuntang OCD o “obsessive-compulsive disorder”.
Kahit na anong sabihin, maganda ang naidulot nito sa buhay ko. Kung hindi dahil sa Tetris, hindi ako civil engineer ngayon!!

Yes naman, tetris effect. Nakakaadik nga yan eh pag nabyahe kami sa probinsya yan libangan ko. Hakhak. Ngayon pa din may tetris, may mga games na pareho ng idea ng tetris, pina-evolve lang. Wala lang. XD
ReplyDelete