Saturday, March 3, 2012

Kristeta at Bongets


Noong nakaraang gabi ay nakipagkuwentuhan ako kay pareng YT at nabanggit niya sa akin ang video kung saan nakapanayam ni KRIS AQUINO si FERDINAND "BONGBONG" MARCOS, JR. na noon ay ang congressman ng Ilocos Norte. Sa totoo lang, kahit na ako ay isang Batang Nineties, hindi ko ito napanood ng live sa teevee at hindi ko rin ito nabalitaan sa kangkungan. Pinilit akong alalahanin at magdamag kong piniga ang imbakan ng aking kukote pero wala talaga akong matandaan.

Ang pagtatagpo ng mga anak mula sa magkaribal na pamilya ay naganap sa "Actually...'Yun Na!", isang showbiz talk show na ipinapalabas sa RPN 9. Taena, taytol pa lang, Kris na Kris na ang dating; at kung papansinin mo ang labi na logo ng show, parang sa bibig ng reyna ng quotable puta quotes ito iginaya. 

Dalawa lang ang nakalap kong impormasyon mula kay pareng Googs tungkol sa show na ito. Una, taong 1992 napabilang ang dating ka-love team ng alamat na si Rene Requiestas sa showbiz talk show na ito kasama sina Arnel Ognacio at Tita Swarding. Pangalawa ay nalaman kong dito rin nagtapat si Kristeta noong siya ay nabuntis ni Philip Salvador na leading man niya sa pelikulang "Nandito Ako (1994)".

Ang interbyu ay tumagal ng halos kalahating oras at para sa katulad kong bitin sa Dekada NoBenta, ang mga YT videos nito ay interesante at hindi dapat pinapalampas.

Noong dumalaw sina Bongbong at Imee Marcos sa burol ng yumaong si Tita Cory, kinilabutan ako sa eksena. Napaiyak pa nga ako at tumulo ang uhog dahil sa 'di kapani-paniwalang pangyayari. Nang mapanood ko ang video clips ng panayam ni Kris sa junior ni IDOL Makoy, natawa nalang ako dahil kitang-kita ang pagkakaiba ng mga anak ng mga Aquinos at ng mga Marcoses.




Walang detalye mula sa uploader kung kailan naganap ang pagkrus ng landas ng dalawa pero kung pagbabasehan ang mismong pag-uusap (itataya ko ang aking bayag kasama pa ang mga bacon briefs),  ito ay nangyari bandang January 1995 ilang araw matapos maganap sa Maynila ang World Youth Day at dalawang buwan bago ang unang kaarawan ng panganay na anak ni Senator Marcos.


Aaminin ko, isa akong tagahanga ng yumaong presidente at sa totoo lang, siya ang aking inilagay sa "ideals" ko sa aming yearbook noong high school. Para sa akin, siya pa rin ang pinakamagaling na lider na nagsilbi sa Pilipinas. Kahit ang boss kong puti ngayon, sinabihan kami na hindi siya mag-iinvest sa ating bansa hangga't walang katulad ni Marcos. Ang pagsasalaysay ni Bongbong tungkol sa kanyang ama sa mga usaping martial law, mga prinsipyo, at mga ideyolohiya ay nagbigay sa akin ng mas malawak na pag-unawa.


Habang pinapanood ko ang mga videos, napansin ko ang katangian ni Kris sa pag-interview. Hindi pa nga tapos magsalita si Bongbong ay may isinisingit na kaagad siyang ibang katanungan. Akalain mo 'yun, ganun na pala talaga ng istilo niya simula't sapul.


Bilib ako sa mga pagsagot ni Bongbong sa mga ibinatong katanungan ni Kris. Kitang-kita mo ang kanyang katalinuhan at pagiging artikulado sa pagsasalita; manang-mana sa erpats niya. Sana ay nagmana nalang si Kris kay Ninoy kahit kaunti lang, para naman pumantay ang kanilang level ni Bongbong.

Highlights ng interview: ang kuwento tungkol sa pag-uusap ni Makoy at ni Ninoy sa palasyo; ang opinyon ni Bongbong sa martial law; at ang katanungan ni Tita Swarding na kung nagka-crush ba si Bongbong kay Kris. Biglang may nalaglagan ng panty!

Nabasa ko sa ilang mga komento ng video na ginawa lang daw ang interview upang mapataas ang rating ng show ni Kris at ang popularidad ni Bongbong sa pulitika. Hindi natin alam kung ano ang katotohanan at kung ano man iyon, 'yun na!



7 comments:

  1. Replies
    1. interesante talaga kapag nagsama ang isang jologs at hayklas! \m/

      Delete
  2. at isa na namang bet-you-didn't-know that fyi galing sa nag-iisang dekada no-benta! \m/

    hindi ko alam na noong panahon eh mas nauna palang maging jologs etong si kristetay bago maging maarte. sino kayang nakaisip ng title ng show niya? pang-pre-school kasi ang datingan. lol!

    magaling nga sigurong dumiskarte si marcos. marami kasi ang nagsasabi na kung hindi siya napatalsik noon, baka kasing-yaman na tayo ng singapore ngayon. kung tatanungin ako patungkol sa isyung 'to, magiging biased ako kontra sa pagiging diktador niya. iyon naman kasi ang minulat samin ng sangkatutak na hekasi textbooks nung mga bata pa kami. hindi ko nasaksihan first-hand kung gano siya kagaling o kung gano siya kalupet nung rehimen niya kaya wala talaga 'kong kongkretong two-cents' shit patungkol dito. o_O

    anyway highway, nice read, ser. more 90's trivia please. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. si kris na yata ang pinakamaarteng jologs sa balat ng lupa, ser. naka-copyright ang trademark niyang 'yun!

      nasa grade one ako nang mapatalsik ang diktador. loyalista ang mga lolo kay erpats dahil mga ilokano ang side nila. ito marahil ang dahilan kung bakit puro kagalingan ng kanyang pamumuno ang aking mas nalalaman. marcos pa rin!!!

      blogenrol! \m/

      Delete
  3. *hindi ko alam na noong UNANG panahon (nagmamadali kasi magsalitype. o_O)

    ReplyDelete
  4. What ? A pro-Marcos ?
    Maybe you should join him in the grave

    ReplyDelete
  5. Misleading! Know the whole history fellow pinoys and do not be a frog in a well. We are a laughing duck if Marcos returns to presidency according to international media.

    ReplyDelete