"Basahin motto para may philosophy ka rin."
Noong ako ay nahilig sa mga kombo-kombo at banda-banda, ang una kong pinangarap ay maging isang tambolero ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil hindi magkasundo ang paghataw ng aking mga kamay at pagpadyak ng aking mga paa. Nagpaturo pa nga ako sa kaibigan kong drummer ngunit kahit bayaran ko ng per ora ay talagang sumuko siya sa mala-Syria kong body parts.
Nauso noong 90's ang gitara at halos lahat ng mga kabataan ay gustong magtayo ng sarili nilang banda kaya naengganyo rin akong sumali sa isang grupo bilang isang rhythm guitarist. Sa kabutihang-palad, naisama ako sa line-up ng Aneurysm ngunit bilang isang bahista.
Ayon kay idol Flea ng RHCP, "bass is the second lead guitar" kaya tinanggap ko na rin ang ten thousand five hundred pogi points na puwedeng makuha sa pagbabaho kahit na wala akong alam sa instrumentong iyon. Hindi ako magaling mag-leads kaya naman nahirapan din ako sa una kong pagkalabit ng mga kuwerdas ng baho. Ganun pa man, humugot ako ng inspirasyon sa mga iniidolo ko upang magampanan ang pagiging isang musikero. Isa sa mga itinuturing kong diyos sa industriya ng Pinoy Rock ay ang nag-iisang ROBERT JAVIER.
Ang pagkalas nina John Olidan at Raul Velez sa orihinal na The Youth ay ang naging dahilan upang si Sir Robert ay maihanay sa magiging klasik line-up ng Power Trio ng Pinas kasama sina Dodong Cruz at Erap Carrasco. Siya rin ang nagpasok ng kuwelang istilo sa pagsusulat ng mga lirikong kanilang magiging tatak sa industriya ng musikang Pinoy.
Ang kanilang "Album na Walang Pamagat" ay isa sa mga bibliya ko noong ako ay nag-aaral sa pagtugtog ng baho. Para sa akin, ang isang tunay na bahista ay hindi basta-basta ang ginagawang mga piyesa. Kung pakikinggan mo nang mabuti ang mga binitiwan ni idol sa mga awiting nakapaloob sa kanilang unang major album, malalaman mong hindi ito katulad ng gusto ni Ariel na simpleng buhay. Sa salitang musikero, "naglalaro ang kanyang mga daliri".
Ang una kong natipang bass parts mula sa kanya ay ang kanilang signature song na "Multo sa Paningin". Mabilis pero pinilit kong habulin. Pamatay na mga kalabit na humahalili sa malufet na lyrics ng awiting panggising sa bulok na lipunan. Nang medyo bumilis-bilis na ang aking mga daliri ay natutunan ko naman ang kanta nila para sa mga taong-buwaya, ang "The Alphabet Song (Mother Funker)". Ang pinakapaborito ko sa lahat ng aking natutunang piyesa ay ang "Takbo" na para sa akin ay ang pinaka-perpekto niyang nagawa sa lahat ng kanilang nagawang musika. Pakiramdam ko ay ang galing-galing kong bahista sa tuwing tinitipa ko ito.
Kapag napapanood ko sila sa teevee at mga konsyerto ay talaga namang pinapanood ko kung paano ang tamang tipa sa kanyang mga nagawang obra. Taas-kamay ako sa talento ni Sir Robert.
O sya, mga Ka-Dekads, para mas lubusan natin siyang makilala ay heto na ang kanyang kuwentong-karanasan noong Nineties:
1. Ang mga awitin niyong “Multo sa Paningin” at “Takbo” ay dalawa sa mga pinakakilala sa lahat ng inyong nagawa. Nagkaroon ba kayo ng mga karanasang inaway kayo ng mga bakla o kaya naman ay binantaan ng mga pulis dahil sa lyrics ng mga kanta? Ano ang masasabi mo sa ideyang “discriminating” daw para sa mga third sex ang “Multong Bakla”?
Oo, the PNP was suing us for P150-million for libel
damages dahil sa 'takbo'... na-drop ata yung kaso sa korte.
yung social writer ng isang sikat na broadsheet inaway kami dati,
hehe... the song was NEVER about gays, and never will be.
2. Bilang isang
record producer, ano ang naaalala mo sa “Time Machine” ng Teeth? Ano
ang pinakapaborito mong kanta mula dito at bakit? Para sa mga hindi
nakakaalam, anu-ano pa ang ilang mga albums na nailabas noong 90’s (at
hanggang sa kasalukuyan) kung saan ikaw ang producer?
Madaming memories. playstation, tekken, booze... lahat ng songs gusto ko dun. bukod sa 'cha cha dabarkads' 'sirena' at 'picture picture' eto po yung mga naalala ko, hehe RECORDED AND PRODUCED: - SMART Kamikazee “Me Na Me” campaign; Pinoy Big Brother Theme (“Pinoy Ako” by Orange and Lemons); ABS-CBN Christmas Station I.D. (“Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko”); Eat Bulaga Themes and show modules; Gloc9 – “Matrikula” album Francis Magalona / Ely Buendia projects; Parokya ni Edgar RC Cola “Penge Naman Ako Niyan” Theme by Itchyworms; “KaminAPO Muna” APO Tribute album
3. Madalas akong makapanood ng mga konsyerto noon kung saan nagkakagulo ang mga slammers kapag kayo na ang tumutugtog. Maaari mo bang ikwento ang inyong karanasan sa Araneta gig kung saan ‘di kayo nakatapos ng kanta (ayon kay pareng Wiki) dahil sa riot? Bukod dito, ano pa ang mga hindi mo makakalimutang gigs noong kalakasan ng The Youth?
That night in araneta was unforgettable. galing ako sa gig ni Beck sa makati nun... punung-puno ng tao sa loob. dapat sa bandang gitna kami ng program tutugtog kaso the organizers eventually relegated us sa huli.... it was chaotic. yung feeling na 'shet, dream ng isang musikero ito... ang tumugtog sa araneta coliseum... tapos lahat nung tatlong kanta namin wala kaming nabuo, kahit isa! tuwing tutugtugin namin yung intro ng song namin nagkaka-bonfire sa loob ng araneta... ang gulo. lumilipad yung mga silya at bote... maraming nabato na mga artist noon pero swerte pa rin kami ni isa walang bumato sa amin ...
4. Kamakailan ay nagkaroon ka ng CD sale / auction. Sa mga naibenta mo, ano ang pinaka-priced possession (90’s) at magkano ito binili sa’yo? Ano naman ang iba pang 90’s na binebenta mong gustung-gusto mo pero hindi napansin ng mga mamimili? Hindi ka ba nanghinayang sa mga “kayamanan” mong kinolekta noon at ipinagbili ngayon sa ibang tao?
May mga signed copies ako ng depeche mode, china crisis at lotus eaters... si janet napoles lahat ang nakabili, jok buti hindi binili yung mga joy division at new order... i wouldn't sell them anyway.... opm from the 90's are premium sale... a good friend offered me seven-figures for a gold-CD plaque award i got from the youth, to which i eventually declined.
5. Ano ang tunay na kuwento sa pagkakabuo ng Warehouse Club? Paano ito nakaapekto noon sa grupo niyong The Youth?
Kasama namin - ang tunay na kwento? it was supposed to be a one-man recording, whose name i got from a uniwide warehouse store in crossing... nag-expand for live purposes with erap, jun ramos and Pupil's bassist dok sergio... "Laruan" is a Warehouse Club song
6. Ang carrier single na “Laruan” mula sa album na “Pirata” ay walang-dudang tungkol sa 80’s at 90’s. Anu-ano ang mga nilalaro mo noong iyong kabataan at paano mo ikukumpara ang mga ito sa makabago at hi-tech na panahon?
Nilalaro ko ang organ(s) ko, noon hanggang ngayon
7. Ayon sa aking nabasa, ang “Pirata” ay koleksyon ng mga kantang nagmula sa inyong baul na nasa inyo halos isang dekada na. May mga binago ba kayo sa tema at lyrics upang makasabay sa tugtugan ngayon? Ano ang “band formula” ng The Youth at hanggang ngayon ay patok pa rin kayo sa panlasa ng mga Batang 90’s kasama ang bagong henerasyon?
Ayon sa aming pagkakaalam, ang 'pirata' ay koleksiyon ng mga kalokohan we always believe hindi kami conscious sa lyrics kung babagay ba siya o hindi sa particular generation... at, ang greatest band formula is not having one. haha
8. Matapos niyong maghiwa-hiwalay sa The Youth noon, ano ang naging takbo ng iyong buhay? Nakawala ka ba sa aninong ikaw si Robert Javier, ang bahista ng The Youth?

Naghiwalay ba kami???
haha.... or, to re-phrase, magkabanda ba kami???
9. Sa ngayon, ikaw ay isang ganap na Dabarkads na
nasa likod ng camera. Ano ang mga naaalala mo sa Eat Bulaga noong Dekada
NoBenta? Kumusta ang pakikipagtrabaho mo sa Master Rapper Francis M. sa
EB noong siya ay nabubuhay pa? Ano ang paborito mong soap ng TAPE noong
90’s?
Si Kiko Magalona ang nagpasok sa akin sa E.B., malaki ang utang
na loob ko sa kanya..... nag-guest ang the youth dati sa grand finals
ng e.b. battle of the bands... hindi ako nakakanood ng afternoon soap
noon kasi tulog pa ako
10. Sabihin kung ano ang unang pumapasok sa isipan kapag ito ay naririnig o nababasa:
A. 90’s Power and Water Shortage - wala pang murang generator at purified
water noon
B. Aiza Seguerra - tropa ni charice
C. Jojo Veloso Sex Scandal - si jojo ba yun? akala ko si lou...
D. Dance Revolution (game) - ni minsan hindiako na-master ito, haha
E. GMA 7’s Voltes V 90’s Reruns - dapat may live action movie!
F. 1994 Miss Universe Pageant (in Manila) - mga ermats (o lola) na sila ngayon
G. Sabado Nights (song and movie) - mula sa kumanta ng bilanggo, haha
H. Street Fighter - ufc?
I. Grin Department - hi bong, wait ka lang diyan, sunod kami
J. UST’s 90’s 4-Peat - alma mater! 4-peat for 400!
Message to all the 90’s kids: Nood-nood sa The Youth 'pag may time
SIR ROBERT, MARAMING SALAMAT AT RAKENROL! \m/
SIR ROBERT, MARAMING SALAMAT AT RAKENROL! \m/
Dami kong naalala sa post na ito.... naalala ko tuloy ang 90's ko.....
ReplyDelete