"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Sarah Balabagan ay isang OFW na masuwerteng pinalaya ng gobyerno ng UAE sa kasong pagpatay."
Sa isang pagtitipon na aking nadaluhan noon ay biglang nagkagulo ang mga nakikisaya dahil sa pakiki-usi sa dumating na panauhin. Kaarawan ng aming ninang sa kasal, na noo'y Barangay Captain ng Brgy. Pinagkaisahan sa QC, ang okasyon na ipinagdiriwang kaya may mga programa sa barangay hall. Special guest pala si Sarah Balabagan at nandoon siya upang kantahin ang ilang mga awit mula sa kanyang self-titled debut album (1999) mula sa Sony Philippines sa produksyon ni idol Rey Valera.
Sa totoo lang, hindi ko matandaan kung ano ang mga kinanta niya noong gabing iyon ngunit sa pagkakaalala ko sa mga balita, ang awiting "Buhay Kulungan" ay ang isa sa mga kantang mula sa album na siya mismo ang sumulat ng liriko. Sumasalamin ito sa kanyang naging karansan sa loob ng bilangguan at ito ay kanyang personal na mensahe upang magsilbing inspirasyon sa mga ibang OFWs upang hindi nila sapitin ang kanyang dinanas sa mga kamay ng mga banyagang amo. Kasama rin sa kanyang unang album ang mga awiting "Jack En Poy", "Dalaga", "Salamat", at "Pilipino Ka". Kahit na maganda ang mga puna sa pagkakagawa ng mga kanta (musicianship, arrangement, etc.), hindi pinalampas ng mga kritiko ang boses ni Sarah. Hindi man ito pang-birit at pang-propesyanal na mang-aawit ay kinakitaan pa rin siya ng dedikasyon at potensyal.
Nang bumalik si Sarah sa Pilipinas noong August 1, 1996 mula sa halos dalawang-taong pagkakabilanggo sa Al-Ain, Abu Dhabi, sinalubong siya bilang isang bagong bayani na sumisimbolo sa mga kababayan nating inabuso at minaltrato sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Naging maingat ang ating gobyerno sa pag-apela ng kanyang kaso sa gobyerno ng United Arab Emirates dahil tinutukan siya ng sambayan matapos mabigo ang pamahalaan ng Pinas sa pag-apela sa kaso ni Flor Contemplacion na binitay sa Singapore anim na buwan lang ang nakakaraan.
Sa kanyang pag-uwi ay marami ang nagpahayag ng suporta at nagbigay ng tulong na pinansyal na maggmit upang makabangong muli. Kasama na dito ang scholarship sa Center for Pop Music kung saan ang kanyang unang recital ay nagbigay sa kanya ng kontrata sa Sony Music Philippines noong 1999. Binigyan din siya ng pagkakatong makapag-aral muli - matapos na ipasa ang pagsusulit sa ilalim ng DECS ay nabigyan siya ng high school diploma na ginamit naman niya upang makapasok bilang AMA Computer College scholar sa kursong mass communication.
Ang kanyang buhay ay isinadula sa pelikulang "The Sarah Balabagan Story (1997)" sa direksyon ni direk Joel Lamangan, at pinagbibidahan ni Vina Morales. Inalok ng direktor si Sarah na gumanap bilang sarili niya sa pelikula ngunit ito ay kanyang tinaggihan dahil labag ito sa paniniwalang-Muslim, Naaalala ko ang komento ng bokalista naming si Joe tungkol sa poster ng pelikula - ang linis daw at mukhang pinung-pino ang pagkatao ni Vina o si Sarah. Sinabi ko sa kanya na kahit ako ay napahinto upang tingnan ang poster nito sa New Frontier sa Cubao na dinadaanan ko papunta sa sakayan ng jeep na biyaheng Uste noong ako ay nag-aaral pa sa kolehiyo.
Naging kontrobersyal ang pelikula dahil ilang beses itong ipinetisyon upang hindi maipalabas sa mga sinehan. Pinangunahan ng mga opisyal ng United Arab Emirates ang panukala sa dahilang baka makaapekto sa relasyong internasyonal ng dalawang bansa. Kasama rin ang noo'y presidenteng si FVR sa nagbigay ng memorandum noong March 1997 tungkol sa nasabing pelikula: "...take all necessary action to defer public showing of said movie due to anticipated extremely negative impact on Philippines-U.A.E. relations and risk of failure in negotiations to save John Aquino.". Si Aquino ay isa ring OFW na may kaso sa UAE sa salang pagpatay ng isang Indiyano. Hindi sang-ayon ang mga kapatid nating Muslim at para sa kanila, ang pelikula ay hindi nagpapakita ng magandang moralidad ng mga kababaihang Muslim. Ayon naman sa Muslim Screenwriters' Club, ang palabas ay "potentially damaging to the public's perception of Muslim culture and traditions". Ganun pa man, napanood pa rin ito sa ilang mga sinehan at nagkaroon pa ng nominasyon sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) para sa mga kategoryang "Best Actress", "Best Director", at "Best Picture". Sinasabing nakakuha ng apat na milyong pesotas si Sarah bilang royalty mula sa pelikulang ito.
Ang pamilya ni Sarah mula sa isang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao. Labing-apat silang magkakapatid ngunit dahil sa kahirapan ay anim lang silang nabuhay. Sa gulang na labing-apat ay huminto siya sa ika-limang baytang ng elementarya upang magtrabaho sa ibang bansa. Sa tulong ng agency ay ipinlabas na siya ay 28 taong gulang at ipinadala sa UAE upang maging kasambahay ni Mohamed Abdullah Baloushi.

Habang ako ay nagdiriwang ng ika-16 na kaarawan sa Pinas noong July 19, 1994 ay napatay naman ni Sarah sa UAE ang kanyang amo gamit ang kutsilyong ginamit sa kanya bilang panakot habang siya say ginagahasa. Nakulong siya at matapos ang paglilitis, siya ay hinatulan ng korte noong June 1995 ng "guilty verdict" sa kasong "manslaughter". Binigyan siya ng parusang pitong taong pagkakabilanggo at binagbabayad ng $41,000 bilang diyah o "blood money". Napatunayang ginahasa si Sarah kaya't pinagbayad din ng korte ang pamilya ni Baloushi ng damyos.
Nagkaroon ng apela sa kabilang panig kaya idinaos ang panibagong pagdinig. Sa ikalawang paglilitis ay sinabing walang ebidensya ng panggagahasa at hinatulan ng parusang kamatayan (by firing squad) si Sarah sa kasong pagpatay.
Nang mabalitaan ito ng gobyerno ng Pinas ay personal na umapela si FVR at Philippine Ambassador Roy SeƱeres kay U.A.E. President Sheikh Zayed bin Sultan Al-Nahayan makalipas ang isang buwan. Kahit na matagal bago ginawa ang pag-apela ay ibinaba naman sa isang taong pagkakabilanggo ang sentensya kasama ang 100 lashes. Tinulungan naman ng businessman na si William Gatchalian si Sarah upang mabayaran ang blood money na tataggapin ng pamilya ni Baloushi. Nabawasan pa ng tatlong buwan ang isang taong sentensya niya dahil sa ipinakitang magandang asal sa bilangguan.
Fast forward to 2003, matapos ang ilang taong rollercoaster na pamumuhay ay nakilala niya ang Christian singer na si Dulce Amor, na nagpakilala naman sa kanya sa pastor na si Reverend Gasty Maribojoc. Siya ang naghikayat kay Sarah upang tanggapin si Hesus bilang tagapagligtas patungo sa buhay na walang hanggan. Naging mahirap para sa kanya ang talikuran ang relihiyong Muslim ngunit sa huli ay naintindihan naman ito ng kanyang mga mahal sa buhay na nakatulong sa pagiging matatag sa bagong napiling pananampalataya.
Sa ngayon ay ibinabalik niya ang tulong na kanyang natanggap noong siya ay nasa bilangguan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga "inspirational talks" at mga testimonyang nagpapatunay ng kagalingan ng Panginoon sa iba't ibang pagtitipon. Naging tagapagtaguyod siya ng kaligtasan ng mga kababayan nating piniling mangibang-bayan.
Gustong-gusto ko itong post na ito. Pamilyar sa akin ang pangalang Sarah Balabagan at Flor Contemplacion pero dahil mga 5 taong gulang pa lang ako noon, malabo pa ang aking pag-iisip para maintindihan ito. Salamat po dahil sa blog nyong ito, nagkakaroon ng linaw ang mga fallacy na nabuo noon sa aking murang isipan.
ReplyDeleteP.S. Baka pwede rin po kayong gumawa ng istorya tungkol kay Flor Contemplacion. Interesado lang po ako. Ang tanging alam ko lang sa kanya ay yung pelikula nya na si Nora Aunor ang gumanap.
maraming salamat! ang totoo, akala ko ay nagawaan ko na ng post si flor contemplacion. sa fb fan page pa lang pala. makakaasa ka na gagawaan ko siya ng tribute.
DeleteSo heto pala yon, Thanks for this post! At naintindihan kona din lahat. Ngayon interesado nadin ako kay Flor Contempacion.
ReplyDelete