"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang tawag sa sinakyan ni Pope John Paul II sa paglilibot niya sa Maynila noong 1995 World Youth Day."
Noong 1995 ay dinalaw ng Santo Papa ang Pilipinas upang idaos ang kauna-unahang pagdiriwang ng "World Youth Day" sa Asya. Mula January 10 hanggang 15 ay nagsama-sama ang mga kabataang kinatawan ng iba't ibang bansa upang magdasal, kilalanin ang kultura ng bawa't isa, at maging "magkakapatid" sa mga mata ng Diyos.
Natatandaan kong isa sana ako sa mga delegado ng aming paaralan para sa WYD '95. Mayroon na akong orientation kit ng isa sa mga pinakamahalagang pangyayari noong Dekada NoBenta noon at hanggang ngayon ay nasa akin pa ang ID ko para rito. Kabisado na naming magkakaklase ang anthem nitong "Tell the World of His Love" at ang theme nitong "As the Father sent me, so am I sending you.".
Ang hindi ko lang matandaan ay kung bakit hindi ako nakasama sa Luneta. Nagkasakit ba ako o mas pinili kong manatili nalang sa loob ng bahay dahil walang pasok sa eskuwelahan? Nabaon talaga ang bahaging ito ng buhay ko sa kalimot. Sayang at hindi ako naging bahagi ng "largest Papal gathering in Roman Catholic history" na ayon sa mga tala ay dinaluhan ng limang milyung katao.

Ang tanging natatandaan ko nalang ay ang pagtutok namin sa GMA7, ang official network ng makasaysayang kaganapan, upang mapanood si Pope John Paul II lulan ng kanyang banal na awtong mas kilala sa tawag na popemobile.
Kinikilaang pinakamataas o pinuno ng relihiyong Katoliko ang Santo Papa kaya naman tinitiyak ang kanyang seguridad sa mga bansang kanyang binibisita. Ang orihinal na popemobile na ginagamit noon ay "enclosure-free" upang mas makita ng mga tao ang Santo Papa kapag ito ay naglilibot. Natigil ito nang maganap sa St. Peter's Square sa Vatican City ang tangkang pagpatay kay JPII noong 1981.
Sa Pilipinas, pinaghandaang mabuti ang paggawa ng nasabing sasakyan. Ang naatasan para dito ay ang Francisco Motors Corporation na kilala noong bilang isa sa mga pinakamalaking kumpanyang gumagawa ng mga pampasaherong jeepney, owner jeep at ang sikat na sikat nitong Anfra. Ang CTK Inc. na kilalang supllier ng mga armor vehicles naman ang nagdisenyo ng armor nito sa pamumuno ni Engr. Ramon Reyes.
Ayaw sabihin ng FMC at CTK ang kabuuang halagang nagastos para sa paggawa ng Pinoy-made popemobile pero ayon sa ilang mga kinatawan ng Simbahan ay nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang 3M pesotas noong mga panahong iyon. Ganun kahalaga ang buhay ng ating kinikilalang pinakamataas na lider ng Simbahan! Kahit na sabihing galing ang pondo nito sa ilang mayayamang nilalang ng lipunan, nakakalula pa rin ang presyo nito.
Tumagal ng 45 araw ang paggawa ng nasabing awto gamit ang makinang Mazda T2500 sa base vehicle nito. Binago ang katawan nito at isinunod sa orig na itsura ng ginagamit sa Vatican. Meron itong four-inch thick bullet-proof glass enclosure na ginamit ng Papa upang tanawin at matanaw siya ng mga tao. Maging ang katawan at mga gulong nito ay hindi tinatalaban ng bala at granada. Sa tindi ng ginawa rito ay naging limang tonelada ang bigat ng sasakyan at ang pinakamabilis na takbong kaya nito ay pumalo lang sa 90kph.
Dumaan sa mabusising pagsubok ang Pinoy popemobile sa kamay ng mga gumawa nito at maging sa mga Swiss Guards na mga security personnel ng Vatican bago ito nabigyan ng certification na ligtas upang masakyan ni JPII.
Upang mas matiyak ang kaligtasan ng Santo Papa ay may mga foot plates ang popemobile sa gilid nito na ginamit ng mga dagdag na securities. Ang nagmaneho nito ay isang kinatawan mula sa Presidential Security Group ng pamahalaan.
Nang mapanood ko sa teevee ang makasaysayang pagdaan ni JPII sa ilang lugar sa Maynila gamit ang popemobile, talagang tumayo ang aking balahibo. May kung anong kakaibang bagay akong naramdaman habang tinitingnan ko ang kanyang imahe. Wala man ako sa Luneta ay ramdam na ramdam ko ang presensya ng kanyang pagiging sagrado. Maging ang mga reporters ng GMA7 na nakatalaga sa iba't ibang lugar ay ganito rin ang nadama sa kanyang pagdaan. Siguro ay mas matindi ang pakiramdam dahil ang iba sa kanila ay hindi napigilang lumuha habang nag-uulat.
Noong yumao si Pope John Paul II noong 2005, inironda ang popemobile sa Simbahan ng Quiapo bilang paraan ng pagluluksa at "instant connection" ng mga taong hindi makakapunta sa Vatican upang makiramay. Sa ngayon ay ginagamit pa rin ito sa mga exhibits na may kinalaman sa Santo Papa.
Sana ay makita ko rin ang banal na awto balang-araw.
Bago nga pala pumanaw si JPII ay nakiusap siya sa mga miyembro ng media noong 2002 na huwag nang tawaging popemobile ang sasakyang ito dahil ang termino raw ay walang dignidad.
Tama siya sa kanyang pakiusap dahil kapag binabanggit ito, bigla kong naaalala ang sasakyan ni Batman.

Bata pa ako nun kaya wala akong masyadong pakialam sa current events pero shet that song Tell The World brings back many memories of me running around our old house :( grabe sa flashback. Medyo informal nga ang popemobile pero knowing si Pope Francis, who is all about updating the church for modern times and relating to young people, i guess he won't mind kung anong itawag dun. And I wish for Pope Francis to come here sa Pinas...
ReplyDeleteJohn 3:16
ReplyDelete