Showing posts with label plastic. Show all posts
Showing posts with label plastic. Show all posts

Wednesday, July 7, 2010

Panic at the Disco




"Isa kang Batang Nineties kung nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco."

Noong minsang nakipagkuwentuhan ako kay pareng Wiki para sa entry na ito ay may nai-tsismis siya tungkol sa kanyang pinsang si WikiPilipinas. Pinagkakalat kasi ng kamag-anak niya ang rumors na ang kantang "Disconnection Notice" ng Pupil ay inspired ng OZONE DISCO TRAGEDY. Siyempre hindi ako kaagad sumang-ayon dahil baka matulad ako sa kalokohan ni Tito Sotto noong tinira niya ang "Alapaap" ng Eraserheads sa paniniwalang tungkol daw ito sa drugs.

Kaya dali-dali kong pinatugtog sa aking computer ang single at medyo kinilabutan ako sa aking narinig dahil ganito ang lyrics: "There is no escaping, there is no replacing all that you hold.....Turn off the lights now, turn off the lights now....Dressed so swell, they're dancing at the gates of hell 'cause there's nowhere to go...". Kapag pinapakinggan ko dati ito ay naiisip ko ang mga times na pinapadalahan kami ng notice ng Meralco na nagsasabing mapuputulan na kami bukas ng kuryente. Ngayong natutukan ko na ang lyrics habang nakikinig sa nakakahingal na tunog ng kanta ay parang gusto kong maniwala na may kaugnayan nga ito sa isa sa pinakamalaking trahedya na naganap sa disco.