Noong tayo ay mga bata pa, napakasarap ng pakiramdam kapag inlababo. Kaya nga naniwala tayo sa kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S. dahil gusto nating malaman ang kapalaran natin sa ating mga crushes (take note, in plural form). May isa pa akong bagay na alam para malaman kung may pag-asa ka sa taong napupusuan mo. Sikat na sikat ang paraang ito - ang makiusyoso sa mga nilalaman ng slam book.
Ano nga ba ito?
Para sa mga kabataang namumuhay ngayon sa mundo ng internet, ito ay hindi kilala dahil natabunan na ito ng mga social networking sites katulad ng Facebook at Google Plus. Pero para sa aming mga gurang o oldies, isa itong sikat na sikat at pinagkakaabalahang bagay noong kami ay nasa elementary at highschool.
Isa itong "autograph book" na ipinapahiram sa isang tao para sagutin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang pagkatao. Karaniwang mga kababaihan ang meron nito at sila ang nagpapapirma sa mga kaibigan nila sa loob ng klase. Maganda ang layunin nitong malaman mo ang mga bagay tungkol sa iyong kaibigan pero ang mas malalim na dahilan dito ay ang malaman mo ang sagot sa tanong na "WHO IS YOUR CRUSH?". Pansin na pansin mo ang kilig sa mga grupo ng gerls kapag binabasa na nila ang bahaging ito.
Ang mga slam books ay karaniwang nabibili sa mga novelty at school supplies stores. Taena ang mga designs nito dahil pang "love" at "friendship" ang makikita mong larawan sa pabalat nito. Mabango rin ang mga ito kaya masarap ding amuyin. Ang kalidad ng papel ay maganda at nakakapanghinayang sulatan. Medyo may kamahalan ito kaya sosi ang dating mo kapag ganito ang klase ng meron ka. Kung medyo kapos ka sa pera at nagkukuripot, puwede ka namang bumili ng mumurahing notebook sa National Bookstore at isa-isa mong isususlat sa bawat pahina ang mga tanong na gusto mo!
Kapag may nagpasa sa iyo ng slam book at sinabihan ka ng "pa-autograph naman", magpasalamat ka na dahil isa ka sa mga mapalad na nilalang ng inyong eskuwelahan. Pili lang kasi ang binibigyan ng pagkakataong makapagsulat sa ganito. Madalas ay mga "close friends" lang. Sa sobrang "big deal" nito ay may mga nag-aaway ngang mga magkakaibigan kapag nalaman ng isa na hindi siya pinapirma o mas huli siyang pinapirma kaysa sa iba. Ang babaw, hindi ba? Sa totoo lang, malaking isyu ito noong bata pa kami. Isipin mo nalang kung hindi ka inaalok na pumirma ng slam book - ang ibig sabihin ba nito ay pangit ka at walang nagkakakras sa iyo kaya hindi sila interesado sa buhay mo?
Kapag pinapirma ka sa slam book, dapat ay may effort kang ilalaan para rito. Una ay sa pagsusulat - dapat ay maayos at pantay-pantay ang penmanship mo at hindi puwedeng parang kinahig ng manok. Magagalit sa iyo ang may-ari kapag isinauli mo ito na parang binaboy! Sobrang effort ng iba, inaabot ng overnight sa kanila ang lintek na slam book. Pangalawa, dapat ay may effort ka lalo sa pagsagot ng mga tanong. Dapat ay pinag-iisipang mabuti. Bawal manghula. Bawal magpatawa kung hindi naman kalbo. Bawal din ang pa-cute kung hindi naman kagandahan o kagwapuhan.
Para malaman mo ang kababawan namin noong kami ay bata pa, heto ang ilan sa mga malulufet na questions and answers:
NAME: Potah, 'di puwedeng magkamali dito.
NICKNAME: Dito na makikita ang hilig natting mga Pinoy sa letters F, H, at Z. Sampol ay Jhen, Venz, Jhayz, at Fhaniz.
ADDRESS: Sa bahay namin. Somewhere out there. NPA - No Permanent Address
COURSE: Of Course. Golf Course. Alam na ngang wala namang course sa elementary at highschool, nilalagay pa sa mga tanong!
DESCRIBE YOURSELF: Judge me. See me in person!
LIKES: M2M (many to mention)
DISLIKES: M2M (eh tamad nga magsulat eh!)
HOBBIES: P.E.D.R.O.S. (playing, eating, dancing, reading, outing, singing)
FAVORITE COLORS: Black and Blue (para sa mga maton), White (para sa mga mababait), Pink (para sa mga babae), Rainbow Colors (paksyet, ano nga ba ang mga kulay nito?!)
FAVORITE FILMS: Kodak and Agfa (puwede!). Pero siyempre kung hindi ka tanga, ang ilalagay mo dito ay 'yung mga English movies na kahit hindi mo pa napapanood dahil sa tingin mo ay cool ka kapag alam mo ang mga ito.
MOTTO IN LIFE: Aji-No-Motto. Try and try until you die! No man is an island. Time is gold. Honesty is the best policy. Birds of the same feathers flock together. The family that prays together, stays together (may ganito?). Dapat bang gasgas ang mga sagot dito?
AMBITION IN LIFE: To be successful in life. To finish my studies. Patalinuhan dito ang sagot. Dapat English to the max. Meron namang parang gusto na ang mamatay - To go to heaven.
HAPPIEST MOMENT: When I was borne! Taena, may isip ka na noon?
MOST EMBARRASSING MOMENT: Secret. Kaya nga nakakahiya eh.
DEFINE CRUSH: Crush is the gate way to love. May mas keso pa ba dito? Sana ay naging pop corn nalang ang mga mais.
DEFINE LOVE: Love is blind. Love is God. Love is in the eyes of the beholder (sablay!). Love is like a rosary full of mysteries (ito ang isinagot ko). Syet na malagket sa mga banat.
WHO IS YOUR CRUSH? Secret (KJ). Ang initials niya ay "JQ" (pa-secret pero pa-obvious din). Ang crush ko ay si 6-9 (dami ng letters ng first name at apelyido).
WHO IS YOUR FIRST LOVE? My Parents (wow, hindi nga?). God (mas wow, religious!).
WHO IS YOUR FIRST KISS? My parents (ang kulit, hindi nga ito tungkol sa nanay at tatay mo eh!) Heto pa ang isang malufet: My feeding bottle. Sana sinabi niya rin ang utong ng kanyang ermats!
DEDICATION: Thank you for letting me sign in your cute slam book! Sana ay classmates pa rin tayo next year! Just always stay the same. J.A.P.A.N. (Just Always Pray At Night). I.T.A.L.Y. (I Trust And Always Love You). T.C.C.I.C. (Take Care Coz I Care).
Noong ako ay bata pa, naranasan kong pumirma sa slam book. Suwerte-suwertehan lang 'yan. Eh kayo?

(Originally posted on August 8, 2011)
wow! i love it.. :D pa-autograph po! =) pashare ako ha.. thanks po! :)
ReplyDeletegaling!!! high school life nga naman...ang saya! saya!!!
ReplyDeleteSo i would say blessed ako kasi marami din ako napirmahang ganito...haha at consistent ako dahil iisa laman asar lang nga pag nakita mo at binasa mo yung crush ng crush mo na iba...ugali ko nun na basahin muna yung iba nyehhe...dabest NoBenta.
ReplyDeletehaha nakarelate ako ( :
ReplyDelete