Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

Friday, May 23, 2014

...Masayang-Masaya Ako Kapag May Field Trip

 


"Class, magkakaroon tayo ng field trip. Papirmahan niyo sa mga peyrents niyo ang form na ibibigay ko at ipasa niyo sa akin hanggang next Monday kasama ang bayad."

Kapag ganito ang anunsiyo ni titser sa klase, biglang nababalot ng saya ang buong silid-aralan. Naglalakihan ang mata sa pagka-excite, biglang napapangiti at napapakuwento sa mga katabi ang bawat estudyante. Unti-unting umiingay ang loob ng classroom.

"Wow, pupunta tayo sa Disneyland (as if)!"

"Yehey, makakapunta na tayo sa pagawaan ng tocino at longganisa sa talipapa!"

"Yipee, walang pasok!". Ito ang pinakamasaraap sabihin kapag may mga ganitong pagkakataon.

Siyempre, hindi padadaig si Ma'am at sisigaw ito ng "Class, kung gusto niyong matuloy ang field trip, huwag kayong maingay!!!". Moment of silence sa pagiging KJ ng guro. Sabay babanatan kami ng "Okay, bumili nalang kayo ng yema. Ubusin niyo na itong paninda ko para hindi masira. Sa Lunes niyo nalang din bayaran.".

Tuesday, January 14, 2014

...Naranasan Kong Pumirma sa Slam Book

 

Noong tayo ay mga bata pa, napakasarap ng pakiramdam kapag inlababo. Kaya nga naniwala tayo sa kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S. dahil gusto nating malaman ang kapalaran natin sa ating mga crushes (take note, in plural form). May isa pa akong bagay na alam para malaman kung may pag-asa ka sa taong napupusuan mo. Sikat na sikat ang paraang ito - ang makiusyoso sa mga nilalaman ng slam book.

Ano nga ba ito?

Para sa mga kabataang namumuhay ngayon sa mundo ng internet, ito ay hindi kilala dahil natabunan na ito ng mga social networking sites katulad ng Facebook at Google Plus. Pero para sa aming mga gurang o oldies, isa itong sikat na sikat at pinagkakaabalahang bagay noong kami ay nasa elementary at highschool.

Isa itong "autograph book" na ipinapahiram sa isang tao para sagutin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang pagkatao. Karaniwang mga kababaihan ang meron nito at sila ang nagpapapirma sa mga kaibigan nila sa loob ng klase. Maganda ang layunin nitong malaman mo ang mga bagay tungkol sa iyong kaibigan pero ang mas malalim na dahilan dito ay ang malaman mo ang sagot sa tanong na "WHO IS YOUR CRUSH?". Pansin na pansin mo ang kilig sa mga grupo ng gerls kapag binabasa na nila ang bahaging ito.

Thursday, January 9, 2014

...Natae Ako sa Eskwelahan

 

Sabi ng mga matatanda, masuwerte raw ang makatapak ng tae. Iniiwasan daw ito kaya suwerte mo kung matapakan mo ang shit nang hindi sinasadya. Magkakapera ka raw sa araw na iyon.

Pero paano kung sa'yo nanggaling ang mabahong etchas? Ibig sabihin ba nito ay ikaw ang pinanggalingan ng suwerte? At suwerte rin bang matatawag kung ang buris na lumabas sa'yo ay hindi mo lang napigilan sa hindi inaasahang pagkakataon? Of all places, sa eskuwelahan pa.

Simulan na ang mabahong usapan. Paabot ng tissue please. Time space warp, ngayon din!

Noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Krame, naranasan kong pumirma sa slambook at isa sa mga iniiwasan kong tanong sa potang autograph book na iyon ay ang malufet na "What is your most embarrassing moment?". Nasa grade five at six na kami noong mauso ang slambook kaya kung sasagutin ko ang question na ito ng katotohanan, medyo fresh pa ang mga alaala. Nakakahiya talaga ang aking experience kaya ang isinasagot ko nalang dito ay "secret". Kapag may makulit namang ayaw ng "secret" na sagot, ang inilalagay ko nalang ay "'yung time na nahuli akong nangungulangot" para naman "konting nakakahiya lang".

Saturday, September 10, 2011

...Pinapakain Kami ng Nutribun sa Eskwelahan


Walang-dudang ang recess ang isa sa mga pinakaaabangang oras sa eskuwelahan. Sabi nga ng karamihan, ito ay sunod sa P.E. bilang "favorite subject" ng mga mag-aaral. Kapag pagkain na ang usapan, tapos na ang laban.

Sa pagsapit ng recess, naglalabasan sa mga lunch boxes ang mga snacks na paborito ng mga bata - mga pagkaing dahilan kung bakit mas magana silang pumasok. Sa kabila ng ganitong eksena ay mayroon din namang mga estudyanteng walang baong pagkain pero may mga bulsang puno ng perang galing sa kanilang mga tamad na nanay na hindi sila kayang asikasuhin.

Sa isang pampublikong paaralan tulad ng pinasukan kong Mababang Paaralan ng Kampo Krame, ang isa sa mga hindi malilimutang snack (kung ito ay matatawag ngang ganun) ay ang nutribun o mas kilala sa pagbikas na "nutriban".

Friday, July 8, 2011

...Taga-Lista Ako ng Noisy at Standing

 


Aalis nanaman si teacher. Fifteen minutes lang daw at babalik na siya. May nakalimutan daw siyang kunin sa faculty room. Aabutin ng kalahating oras dahil ang totoo, nakipagtsismisan lang sa kanyang kapwa guro. O kaya naman ay naningil ng bayad sa mga binentang yema sa kabilang section. Huwag daw kaming mag-iingay at maglilikot habang wala siya. Ang sino mang mahuhuli niya ay "face the wall" ang parusa.

"Class, walang maghaharutan at walang mag-iingay. Babalik rin ako kaagad.".

Thursday, June 30, 2011

...Ayokong Mahuli sa Flag Ceremony

 

Tuwing Lunes, noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Crame, hindi puwedeng mahuli sa pagpasok dahil ito ay ang araw ng flag ceremony. Kaya naman maaga kaming ginigising ni ermats para maaga ring makaalis ng bahay. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw naming mahuli tuwing unang araw ng linggo ay ayaw naming pumila sa linya ng mga "late-comers" kasama ang mga estudyante galing sa iba't-ibang sections. Bukod sa sermon ng mga guro namin, malaki ang posibilidad na maiiwan kayo para parusahan - magwalis ng mga tuyong dahon, magtapon ng basura, at kung anu-ano pang mga bagay na ayaw gawin ng mga bata.