Showing posts with label bata. Show all posts
Showing posts with label bata. Show all posts

Thursday, April 10, 2014

...Kabisado Ko ang "All Things Bright and Beautiful"



May kanya-kanya tayong paboritong tula. Mga tulang ibinibida kapag dumarating ang mga pagkakataong kailangang magyabangan. Noong tayo ay mga munting bata-batuta pa lang, nagsimula tayo sa pagkakabisado sa mga nursery rhymes. Madaling sabayan, madaling sauluhin.

Twinkle, twinkle little star, how I wonder why Jack and Jill went up the hill while London Bridge is falling down. Kailangang alam mo ito sa iskul kung gusto mong umuwi na may tatak na bituin ang iyong mga kamay.

Sa ating mga Pinoy, hindi mawawala ang aso mong alagang sobrang obese. May buntot pang mahaba na mukhang napapakinabangan rin ng mga tomador na mahilig gawing pulutan ang mga kawawang aw-aw. Kailan naging makinis ang mukha kung puno ito ng balahibo? O sige na, mahal mo na si Whitey at si Blackie. Kaya nga may gagong Kanong nagpakasal sa kanyang alagang bitch.

Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, tapos na po. Bow!

Tuesday, January 14, 2014

...Naranasan Kong Pumirma sa Slam Book

 

Noong tayo ay mga bata pa, napakasarap ng pakiramdam kapag inlababo. Kaya nga naniwala tayo sa kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S. dahil gusto nating malaman ang kapalaran natin sa ating mga crushes (take note, in plural form). May isa pa akong bagay na alam para malaman kung may pag-asa ka sa taong napupusuan mo. Sikat na sikat ang paraang ito - ang makiusyoso sa mga nilalaman ng slam book.

Ano nga ba ito?

Para sa mga kabataang namumuhay ngayon sa mundo ng internet, ito ay hindi kilala dahil natabunan na ito ng mga social networking sites katulad ng Facebook at Google Plus. Pero para sa aming mga gurang o oldies, isa itong sikat na sikat at pinagkakaabalahang bagay noong kami ay nasa elementary at highschool.

Isa itong "autograph book" na ipinapahiram sa isang tao para sagutin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang pagkatao. Karaniwang mga kababaihan ang meron nito at sila ang nagpapapirma sa mga kaibigan nila sa loob ng klase. Maganda ang layunin nitong malaman mo ang mga bagay tungkol sa iyong kaibigan pero ang mas malalim na dahilan dito ay ang malaman mo ang sagot sa tanong na "WHO IS YOUR CRUSH?". Pansin na pansin mo ang kilig sa mga grupo ng gerls kapag binabasa na nila ang bahaging ito.

Thursday, January 9, 2014

...Natae Ako sa Eskwelahan

 

Sabi ng mga matatanda, masuwerte raw ang makatapak ng tae. Iniiwasan daw ito kaya suwerte mo kung matapakan mo ang shit nang hindi sinasadya. Magkakapera ka raw sa araw na iyon.

Pero paano kung sa'yo nanggaling ang mabahong etchas? Ibig sabihin ba nito ay ikaw ang pinanggalingan ng suwerte? At suwerte rin bang matatawag kung ang buris na lumabas sa'yo ay hindi mo lang napigilan sa hindi inaasahang pagkakataon? Of all places, sa eskuwelahan pa.

Simulan na ang mabahong usapan. Paabot ng tissue please. Time space warp, ngayon din!

Noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Krame, naranasan kong pumirma sa slambook at isa sa mga iniiwasan kong tanong sa potang autograph book na iyon ay ang malufet na "What is your most embarrassing moment?". Nasa grade five at six na kami noong mauso ang slambook kaya kung sasagutin ko ang question na ito ng katotohanan, medyo fresh pa ang mga alaala. Nakakahiya talaga ang aking experience kaya ang isinasagot ko nalang dito ay "secret". Kapag may makulit namang ayaw ng "secret" na sagot, ang inilalagay ko nalang ay "'yung time na nahuli akong nangungulangot" para naman "konting nakakahiya lang".

Saturday, October 1, 2011

...May Alaga Akong Asong Mataba



Ang isang mag-anak ay parang hindi kumpleto kung walang alagang hayop sa bahay. Isa 'yan sa mga itinuro noong tayo ay nasa pre-school at elementary - kailangang merong "Muning" o "Bantay".

Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-alaga ng aso. Nasa grade one ako nang simulan akong bigyan ng mga tito ng mga tutang palalakihin. Noong una ay nagtataka ako kung bakit kapag medyo malaki na ang mga inalagaan kong tuta ay bigla silang nawawala. Sinasabihan lang ako ng mga matatanda na "...na-dognap 'yung aso mo". Wala na akong magawa kundi umiyak sa simula at pilit silang kalimutan. Hanggang sa isang araw pagkagaling sa eskuwela ay naabutan ko ang tito ko kasama ang kanyang mga sunog-bagang barkada na itinali sa  poste ang pinaalagaang aso sa akin. Kitang-kita ko kung paano nila hinataw ng baseball bat ang aso kong mataba hanggang sa ito ay mawalan ng buhay. Kalderetang aw-aw ang trip nilang pulutan sa panulak nilang Ginebra. Kaya pala galit na galit na tinatahulan sila ng mga aso sa lugar namin. Sabi kasi nila ay naaamoy ng mga aso ang mga taong kumakain ng aso.

Wednesday, September 21, 2011

...Naglalaro Kami ng Teks



Kung ikukumpara ang mga kabataan ngayon sa mga kabataang kinabibilangan kong lumaki bago matapos ang Dekada NoBenta, masasabi kong malaki ang ang pagkakaiba. Malaking-malaki. At napakalaki pa.

Walang masamang tinapay akong ibig sabihin pero ang mga bata ngayon ay lumalaking obese dahil wala na silang alam gawin kundi ang tumutok sa monitor ng computer para makipaglandian sa mga kakonek sa efbee, makiusyoso sa mga twits ng iba, at manood ng mga video sa YT. Isama mo pa ang pagbababad sa paglalaro ng Angry Birds at DOTA na kinaaadikan ng lahat.

Naniniwala akong habang tumataas ang teknolohiya ng sangkatauhan ay lalong nawawala ang "social life" at "interaction" ng bawa't isa. Patuloy itong kinakain ng kuwadradong lungga ng cyberworld.

Wansapanataym, hindi pa ganun kalufet ang mga gadgets kaya naman ang mga Larong-Pambata ay tinatangkilik ng bawat bata. Kahit pati ng mga matatanda, kasama ang mga isip-bata at nagpapabata. Sabik ang mga totoy at nene sa bawat darating na araw dahil makikipaglaro sila sa kapwa nila mga bata. HINDI SA HARAP NG COMPUTER KUNDI SA LANSANGAN.

Isa sa mga paborito kong ginagawa noon kasama ang aking mga kababata ay ang PAGLALARO NG TEKS

Monday, August 29, 2011

...Naniniwala Ako sa mga Panakot ng mga Matatanda

 

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging "gullible" o ang katangiang "madaling maniwala". Hindi naman ito halata sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan pinaniwala tayo ng mga dayuhan kaya nasakop ang ating bayan ilang siglo na ang nakaraan.

Nagmula sa mga kaninu-ninuan ng ating lahi, hanggang ngayon ay nananalantay pa rin ito sa dugo ng bagong henerasyon ng mga Pilipino. Paanong mawawala sa atin ito kung mismong ang mga magulang natin at mga matatanda ang unang nagturo ng kaugaliang ito sa atin noong tayo ay bata pa?

Friday, July 8, 2011

...Taga-Lista Ako ng Noisy at Standing

 


Aalis nanaman si teacher. Fifteen minutes lang daw at babalik na siya. May nakalimutan daw siyang kunin sa faculty room. Aabutin ng kalahating oras dahil ang totoo, nakipagtsismisan lang sa kanyang kapwa guro. O kaya naman ay naningil ng bayad sa mga binentang yema sa kabilang section. Huwag daw kaming mag-iingay at maglilikot habang wala siya. Ang sino mang mahuhuli niya ay "face the wall" ang parusa.

"Class, walang maghaharutan at walang mag-iingay. Babalik rin ako kaagad.".

Thursday, June 30, 2011

...Ayokong Mahuli sa Flag Ceremony

 

Tuwing Lunes, noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Crame, hindi puwedeng mahuli sa pagpasok dahil ito ay ang araw ng flag ceremony. Kaya naman maaga kaming ginigising ni ermats para maaga ring makaalis ng bahay. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw naming mahuli tuwing unang araw ng linggo ay ayaw naming pumila sa linya ng mga "late-comers" kasama ang mga estudyante galing sa iba't-ibang sections. Bukod sa sermon ng mga guro namin, malaki ang posibilidad na maiiwan kayo para parusahan - magwalis ng mga tuyong dahon, magtapon ng basura, at kung anu-ano pang mga bagay na ayaw gawin ng mga bata.