Showing posts with label childhood. Show all posts
Showing posts with label childhood. Show all posts

Friday, May 23, 2014

...Masayang-Masaya Ako Kapag May Field Trip

 


"Class, magkakaroon tayo ng field trip. Papirmahan niyo sa mga peyrents niyo ang form na ibibigay ko at ipasa niyo sa akin hanggang next Monday kasama ang bayad."

Kapag ganito ang anunsiyo ni titser sa klase, biglang nababalot ng saya ang buong silid-aralan. Naglalakihan ang mata sa pagka-excite, biglang napapangiti at napapakuwento sa mga katabi ang bawat estudyante. Unti-unting umiingay ang loob ng classroom.

"Wow, pupunta tayo sa Disneyland (as if)!"

"Yehey, makakapunta na tayo sa pagawaan ng tocino at longganisa sa talipapa!"

"Yipee, walang pasok!". Ito ang pinakamasaraap sabihin kapag may mga ganitong pagkakataon.

Siyempre, hindi padadaig si Ma'am at sisigaw ito ng "Class, kung gusto niyong matuloy ang field trip, huwag kayong maingay!!!". Moment of silence sa pagiging KJ ng guro. Sabay babanatan kami ng "Okay, bumili nalang kayo ng yema. Ubusin niyo na itong paninda ko para hindi masira. Sa Lunes niyo nalang din bayaran.".

Tuesday, May 20, 2014

...Kumakain Ako ng Kaning Binudburan ng Asukal



Hindi mapaghihiwalay ang Pinoy at ang kanin. 

Kahit saan mang lupalop ng daigdig o saan mang sulok ng mundo ay gagawa at gagawa ng paraan ang anak ni Juan Dela Cruz upang makahanap ng isasaing na bigas. Napakaimportante nito sa buhay nating mga Pilipino. Kahit nga ang pag-aasawa ay ikinukumpara sa kanin -  hindi mo puwedeng iluwa kung mapapaso ang iyong bibig sa pagkakasubo. Bahala ka nang magkonek sa ibig kong sabihin.

Hindi kumpleto ang hapag-kainan kung walang white rice, bahaw, o sinangag. Aanhin mo ang masarap na ulam kung walang kanin? Napakasarap ng tinolang manok with matching patis na sawsawan. Afritada, menudo, mechado, at kaldereta. Sinigang na bangus. Nilagang baka na nlulunod sa taba. Adobong pusit, manok, o baboy. Kapag ganito kasarap ang mga ulam ay siguradong ang rice cooker ang una mong hahanapin. Mapapamura ka malamang sa alamang kung walang special sinandomeng o kahit NFA man lang.

Sa bawa't tahanan, maging ng mayaman o mahirap na pamilya man, isang mortal sin ang maubusan ng bigas. Sabi ng mga matatanda, maubusan ka na ng ulam, huwag lang ng kanin.

Noong ako ay bata, may mga panahong wala kaming ulam sa bahay pero meron naman kaming kanin. At dahil wala kaming masarap na putahe ng ina ko, may mga bagay kaming ginagawa sa kanin upang maitawid lang sa gutom ang mga kumukulong sikmura.

Saturday, May 17, 2014

...Namimitas at Kumakain Kami ng Alatiris

 

Ano ba ang tama, ALATIRIS o ARATILIS?

Mas nakasanayan kong tawagin itong alatiris dahil noong ako ay bata pa, naiisip kong magkapareho ang ibig sabihin ng pisil at tiris. Alin man sa dalawa, ang tanging totoo ay masarap itong kainin. Kung isa kang nilalang na hindi napagkaitan ng kabataan ay alam na alam mong parte ng paglaki ang pamimitas ng mga bungang ito.

Kahit saan yatang lugar sa Pinas ay may matatagpuan kang mga puno nito. Ang natatandaan kong kuwento tungkol sa pagkalat ng punong alatiris ay kinakain daw ng mga paniki ang mga bunga at itinatae nila ang mga buto nito sa kung saan man sila maabutan. Kaya nga minsang naglinis kami ng bubungan ay nagulat ako nang makita kong may tumutubong alatiris sa aming alulod! Kahit na inuunahan kami ng mga alaga ni Batman sa pamimitas ay may silbi naman ang kanilang mga ebak kaya walang personalan, trabaho lang. Ingat-ingat lang sa mga bungang kinagatan na nila dahil baka magka-rabies.

Sunday, April 13, 2014

...Ang Pagkakaintindi Ko ay Taun-Taong Namamatay at Muling Nabubuhay Si Papa Jesus



Noong ako ay bata pa, maraming mga bagay tungkol sa Semana Santa ang aking pinaniniwalaan.

Simulan natin sa "Linggo ng Palaspas". Bago sumapit ang Holy Week, ang buong Pilipinas ay nagiging abala sa pagdalo sa misang magbebendisyon sa mga palaspas. Tinanong ko dati ang mga nakakatanda sa akin kung bakit kailangan nito at ang sagot na nakuha ko ay "...para sa proteksyon ng bahay natin sa mga masasamang elemento.". Ang mga ito ay isinasabit sa bintana, sa itaas na bahagi ng pinto, o kaya naman ay sa altar. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin, buti nalang ay napanood ko ang "Shake, Rattle, and Roll" starring Herbert Bautista. Hanggang ngayon ay naniniwala akong mabisang panlaban sa mga manananggal ang nabensiyunang palaspas!

Hindi ko alam kung ano ang mayroon mula "Lunes Santo" hanggang "Miyerkules Santo" - wala nga sila sa kalendaryo nating mga Pinoy eh. Basta ang alam ko, ito na ang simula ng hindi pagkain ng mga karne. Bawal daw ito ihain kaya ang madalas na ulam sa bahay ay isda at gulay. Gulay at isda. Ito ang mga panahong mas mura ang kilo ng baboy sa kilo ng mga gulay kaya ang ibang mga misis ng tahanan, nagpa-panic buying ng mga pork and beef. Naaalala ko ang kaibigan kong satanista na sinabihan akong bawal daw tumanggap ng Komunyon kapag Semana Santa dahil ito daw ay "Body of Christ". Tsk, tsk.

Thursday, January 9, 2014

...Natae Ako sa Eskwelahan

 

Sabi ng mga matatanda, masuwerte raw ang makatapak ng tae. Iniiwasan daw ito kaya suwerte mo kung matapakan mo ang shit nang hindi sinasadya. Magkakapera ka raw sa araw na iyon.

Pero paano kung sa'yo nanggaling ang mabahong etchas? Ibig sabihin ba nito ay ikaw ang pinanggalingan ng suwerte? At suwerte rin bang matatawag kung ang buris na lumabas sa'yo ay hindi mo lang napigilan sa hindi inaasahang pagkakataon? Of all places, sa eskuwelahan pa.

Simulan na ang mabahong usapan. Paabot ng tissue please. Time space warp, ngayon din!

Noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Krame, naranasan kong pumirma sa slambook at isa sa mga iniiwasan kong tanong sa potang autograph book na iyon ay ang malufet na "What is your most embarrassing moment?". Nasa grade five at six na kami noong mauso ang slambook kaya kung sasagutin ko ang question na ito ng katotohanan, medyo fresh pa ang mga alaala. Nakakahiya talaga ang aking experience kaya ang isinasagot ko nalang dito ay "secret". Kapag may makulit namang ayaw ng "secret" na sagot, ang inilalagay ko nalang ay "'yung time na nahuli akong nangungulangot" para naman "konting nakakahiya lang".

Sunday, January 5, 2014

...Namamasyal Kami sa Fiesta Carnival




Bakit kapag naririnig o nababasa natin ang salitang "karnabal", may kakaibang saya tayong biglang nararamdaman o naaalala? 

Bakit kahit na mangiyak-ngiyak na tayo sa mga nakakatakot o nakakalulang mga carnival rides na ating sinasakyan ay masaya pa rin tayo pagkatapos? 

Bakit kahit gaano na tayo katanda, ang feeling natin ay bumabalik tayo sa pagkabata kapag tayo ay nagpupunta sa karnabal?

Ang lugar na aking kinalakihan ay nasa gilid lang ng Kampo Crame kaya naman grade four pa lang ako ay natuto na kaagad akong sumakay sa mga jeepney na may biyaheng "Murphy-Cubao-Farmers" para makarating sa Araneta Center. Isa sa mga paborito kong pinupuntahan namin noon ay ang nabaon na sa limot na FIESTA CARNIVAL.

Maraming masasayang alaala ang lugar na ito ng Cubao. Para sa akin at sa milyung-milyong batang naabutan ang FC, ito ang "Disney ng Pilipinas", ang pinakamasayang lugar sa buong mundo. Hindi ito katulad ng ibang mga theme parks ngayon sa Pinas (na bukas lang tuwing Pasko at bakasyon) dahil all-year-round ang kasiyahan dito. Anytime na may extra na pera sila ermats at nagyayang mamasyal sa Cubao, imposibleng hindi kami mapapadpad sa noo'y pinakasikat na amusement center ng mga bata.

Ano nga ba ang mga naaalala mo sa Fiesta Carnival?

Monday, December 16, 2013

...Naglalaro Kami ng Sumpitan



Sa panahon ngayon, hindi na kailangang pumunta ng lansangan upang maglaro ng mga “war games”.

Basta’t meron kang perang pang-arkila ng kompyuter sa internet shop sa inyong kanto ay pwede ka nang makipagbakbakan sa mga kalaban kasama ang iyong grupo. Hindi kailangang tumakbo ng totoo at pagpawisan; nasa bilis lang ng pagpindot sa teklada at sa mouse ang ikapapanalo ng iyong mga kakampi sa DOTA.

Noong panahon namin ay nasisikatan pa ng araw ang mga bata. Naranasan naming tubuan ng bungang-araw at mag-alaga ng mga kuto sa ulo. Kapag umuuwi kami ng bahay ay tiyak ang sermon ni ermats dahil sa baon naming libag na kuwintas at marusing na damit.

Tuwing hapon kasi at mga araw na walang pasok ay nagkikita-kita ang mga totoy at nene sa labas ng bahay upang magsaya sa pamamagitan ng mga larong-pambata. May mga larong isa lang ang taya at mayroon namang isang grupo laban sa iba. Mas gusto ko ang kampihan dahil ayokong maging balagoong mag-isa.

Sumpitan.

Sunday, December 15, 2013

...Paborito Namin ang Sunny Orange


Noong unang panahon ay may sumikat na juice concentrate sa Lupang Hinirang. Patok sa panlasang-Pinoy at abot-kayang bilihin kaya ito tinangkilik ng masa. Sa pagkakatanda ko ay halos dalawang dekada itong namayagpag sa mga supermarkets at mga pinakamalapit na tindahan. Kung isa kang Batang 80’s at 90’s ay sigurado akong nalalasahan mo pa hanggang ngayon ang tamis na iniwan nito sa iyong ngala-ngala.

Sunny Orange.
Kapag sweldo ni ermats ay namimili kami sa Uniwide Sales Cubao at hindi nawawala sa kanyang listahan ang panimplang ito. Kung maganda ang badyet ay ang malaking bote na nagkakahalaga ng Php45.00 ang ipapakuha niya sa estante ngunit kapag medyo sapat lang ang dalang pera ay ang maliit lang na boteng nakakahalaga naman ng Php23.00.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa bawa’t bote ng Sunny Orange at hindi ito natalo ng kalaban nitong Ritchie’s. Siguro ay ang sikat na sikat nitong commercial jingle ang nakatulong sa pagiging imortal nito noon.
Sunny Orange, I love you
Lemon, grape, and strawberry
Sunny Orange, tasty drink
Sunny Orange, super quality

Saturday, October 26, 2013

...Inaabangan Namin ang Hallowen Special ng "Magandang Gabi, Bayan"

 


Noong tayo ay mga bata pa, napakadali nating disiplinahin. Isang sabi lang ni ermats ng "...may mamaw diyan!", ay matatakot na tayo at susunod na sa kung ano mang gusto niyang mangyari. Ngayong tayo ay matatanda na, pinipilit nating maniwala sa sinabi ni pareng Ely B. na "...wala namang multo ngunit takot sa asawa ko!" Tama, nakakalimutan nating may multo dahil sa busy-busy-han na tayo sa buhay na parang life; pero kapag malapit na ang undas ay bigla tayong binabalikan ng ating pagkabata upang takutin sa mga aswang, kapre, masasamang ispiritu, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi natin mabigyan ng paliwanag.

Ano bang mayroon sa Halloween, All Saint's Day, at All Soul's Day? Bakit sa tuwing sumasapit ang okasyon na ito ay kailangan nating takutin ang ating mga sarili sa mga bagay na pinaniniwalaan nating nakakatakot? 

Sa teevee, halos lahat ng palabas kapag huling linggo ng Oktubre ay nakakatakot. Biglang ipinapalabas ang "Shake, Rattle, and Roll" na mayroon na yatang isandaang sequels. Halos lahat ng channels ay pare-pareho ang tema - ang walang-kamatayang nakakatakot na mga kuwento ng mga namatay na nagbalik sa mundo upang patayin sa takot ang mga taong 'di pa namamatay!

Monday, April 30, 2012

...Nagkaroon Ako ng mga Kuto sa Ulo


Tayong mga Pinoy ay may kaugaliang magkamot ng ulo kapag nasisita ng ibang tao. Kahit huling-huli na sa akto ay magpapalusot pa rin kasabay ang pagkamot sa parte ng ulo na hindi naman talaga makati. Teka, baka nga naman talagang biglang nagre-react ang mga balakubak natin sa mga ganitong pagkakataon. O kaya naman ay nagiging parte lang talaga ng utak natin ang mga kuto kapag gustong magsinungaling.

Lahat tayo ay ipinanganak na kalbo. Walang buhok, wala ring kuto. Ayon sa kanta ng grupong Weedd.

Hindi ko alam kung paano nagkakaroon ng mga kuto ang isang tao. Isa itong malaking palaisipan para sa akin tulad sa tanong kong "paano kaya nagkaroon ng isdang-kanal doon sa maruming estero at paano sila nabubuhay sa tubig na puno ng tae?". Sabi ng mga matatanda, nakukuha raw ang mga kulisap na ito kapag madalas kang nakabilad sa arawan. Kaya nga madalas kaming sabihan ni ermats na tigilan ang paglalaro sa mga lansangan lalo na kapag hapon kung kailan tirik ang araw. Kapag totoy at nene ka pa, walang kutong makati ang makapipigil sa sayang naidudulot ng teks, patintero, taguan, jolen, syato, agawan-base, at iba pang larong-pambata. Pero teka, kung ang araw ang nanay ng mga kuto, ibig sabihin ba nito ay kapatid sila ng mga bungang-araw?

Monday, February 27, 2012

...Nanonood Kami ng "Superbook" at "The Flying House"


Sabi ng matatanda, puro kalokohan lang daw ang mapupulot sa mga cartoons na napapanood sa teevee.

Nang ipalabas sa GMA 7 ang dalawa sa mga pinakapaborito kong animated shows noong ako ay bata pa, nag-iba ang ihip ng hangin. Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa kapag nalaman mong mga kuwento mula sa Banal na Biblia ang tinututukan ng mga anak mo sa telebisyon?

Unang ipinalabas ang "Superbook" sa Japan noong October 1, 1981 at nagtapos noong March 29, 1982 na may 26 episodes. Ito ay bumalik sa ere bilang "Superbook II" mula April 4, 1983 hanggang September 26, 1983 na may 26 episodes. Sa pagitan ng dalawang seasons ay ipinalabas naman ang "The Flying House" mula April 5, 1982 hanggang March 28, 1983 na may 52 episodes. Ang mga ito ay ginawa ng Tatsunoko Productions para sa distributor na Christian Broadcasting Network na nakabase sa Tate.

Thursday, February 16, 2012

...Nanghuhuli at Nagsasabong Kami ng mga Gagamba



Noong hindi pa uso ang mga selepono, tablets, at kung anu-ano pang mga gadgets ng makabagong totoy at nene, ang mga bata ay marunong pang maglaro sa mga lansangan at bakuran ng kanilang mga kapitbahay. Mayroong naghahabulan. Nagtataguan. Naghihiyawan. May madalas na asaran na nauuwi rin sa madalas na suntukan.

Wala pang ibang puwedeng paglibangan noon kaya bukod sa pagba-Batibot at paghihintay sa panty ni Annie, ang mga kabataan ay madalas tumambay para makipaglaro sa mga kapwa-bata. Ang social network noon ay wala sa kuwadradong mundo ng cyberporn at DOTA kundi nasa labas ng bahay.

Monday, October 10, 2011

...Nanghuhuli Kami ng mga Isdang-Kanal

 

Noong ipinasyal namin ni misis ang mga anak naming sina Paul at Xander sa isang mini-zoo sa Tagaytay ay nakita namin ang napakasaya nilang reaksyon nang makita ang mga isdang nasa loob ng mga hile-hilerang malalaking aquarium. Wala pa sa dalawang taon ang edad ng aming mga kambal na anak pero bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabighani sa mga lumalangoy na mga nilalang. 

Para sa akin, walang taong nabubuhay o namuhay sa mundo ang hindi nahilig sa mga hayup na pamagat ng kanta ni Irma Daldal. Para sa karamihan, okay ang kumain ng isda dahil bukod sa hindi sila ma-cholesterol ay wala naman silang "feelings" (ayon ay Kurdt Kobain). Ang iba naman, sa sobrang hilig sa mga ito ay inaalagaan pa sila katulad ng pag-aaruga sa mga alagang aso. Sabi kasi nila ay nakakawala raw ito ng stress kapag nakikita mo silang tumititig sa'yo at parang may ibinubulong. Ang hindi lang natin alam, matagal na nilang sinasabi sa atin na "Taena niyo, pakawalan niyo kami rito!".

Saturday, October 1, 2011

...May Alaga Akong Asong Mataba



Ang isang mag-anak ay parang hindi kumpleto kung walang alagang hayop sa bahay. Isa 'yan sa mga itinuro noong tayo ay nasa pre-school at elementary - kailangang merong "Muning" o "Bantay".

Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-alaga ng aso. Nasa grade one ako nang simulan akong bigyan ng mga tito ng mga tutang palalakihin. Noong una ay nagtataka ako kung bakit kapag medyo malaki na ang mga inalagaan kong tuta ay bigla silang nawawala. Sinasabihan lang ako ng mga matatanda na "...na-dognap 'yung aso mo". Wala na akong magawa kundi umiyak sa simula at pilit silang kalimutan. Hanggang sa isang araw pagkagaling sa eskuwela ay naabutan ko ang tito ko kasama ang kanyang mga sunog-bagang barkada na itinali sa  poste ang pinaalagaang aso sa akin. Kitang-kita ko kung paano nila hinataw ng baseball bat ang aso kong mataba hanggang sa ito ay mawalan ng buhay. Kalderetang aw-aw ang trip nilang pulutan sa panulak nilang Ginebra. Kaya pala galit na galit na tinatahulan sila ng mga aso sa lugar namin. Sabi kasi nila ay naaamoy ng mga aso ang mga taong kumakain ng aso.

Wednesday, September 21, 2011

...Naglalaro Kami ng Teks



Kung ikukumpara ang mga kabataan ngayon sa mga kabataang kinabibilangan kong lumaki bago matapos ang Dekada NoBenta, masasabi kong malaki ang ang pagkakaiba. Malaking-malaki. At napakalaki pa.

Walang masamang tinapay akong ibig sabihin pero ang mga bata ngayon ay lumalaking obese dahil wala na silang alam gawin kundi ang tumutok sa monitor ng computer para makipaglandian sa mga kakonek sa efbee, makiusyoso sa mga twits ng iba, at manood ng mga video sa YT. Isama mo pa ang pagbababad sa paglalaro ng Angry Birds at DOTA na kinaaadikan ng lahat.

Naniniwala akong habang tumataas ang teknolohiya ng sangkatauhan ay lalong nawawala ang "social life" at "interaction" ng bawa't isa. Patuloy itong kinakain ng kuwadradong lungga ng cyberworld.

Wansapanataym, hindi pa ganun kalufet ang mga gadgets kaya naman ang mga Larong-Pambata ay tinatangkilik ng bawat bata. Kahit pati ng mga matatanda, kasama ang mga isip-bata at nagpapabata. Sabik ang mga totoy at nene sa bawat darating na araw dahil makikipaglaro sila sa kapwa nila mga bata. HINDI SA HARAP NG COMPUTER KUNDI SA LANSANGAN.

Isa sa mga paborito kong ginagawa noon kasama ang aking mga kababata ay ang PAGLALARO NG TEKS

Saturday, September 10, 2011

...Pinapakain Kami ng Nutribun sa Eskwelahan


Walang-dudang ang recess ang isa sa mga pinakaaabangang oras sa eskuwelahan. Sabi nga ng karamihan, ito ay sunod sa P.E. bilang "favorite subject" ng mga mag-aaral. Kapag pagkain na ang usapan, tapos na ang laban.

Sa pagsapit ng recess, naglalabasan sa mga lunch boxes ang mga snacks na paborito ng mga bata - mga pagkaing dahilan kung bakit mas magana silang pumasok. Sa kabila ng ganitong eksena ay mayroon din namang mga estudyanteng walang baong pagkain pero may mga bulsang puno ng perang galing sa kanilang mga tamad na nanay na hindi sila kayang asikasuhin.

Sa isang pampublikong paaralan tulad ng pinasukan kong Mababang Paaralan ng Kampo Krame, ang isa sa mga hindi malilimutang snack (kung ito ay matatawag ngang ganun) ay ang nutribun o mas kilala sa pagbikas na "nutriban".

Monday, August 29, 2011

...Naniniwala Ako sa mga Panakot ng mga Matatanda

 

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging "gullible" o ang katangiang "madaling maniwala". Hindi naman ito halata sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan pinaniwala tayo ng mga dayuhan kaya nasakop ang ating bayan ilang siglo na ang nakaraan.

Nagmula sa mga kaninu-ninuan ng ating lahi, hanggang ngayon ay nananalantay pa rin ito sa dugo ng bagong henerasyon ng mga Pilipino. Paanong mawawala sa atin ito kung mismong ang mga magulang natin at mga matatanda ang unang nagturo ng kaugaliang ito sa atin noong tayo ay bata pa?

Saturday, June 4, 2011

...Tropa Ko Si Giripit at Si Giripat

Isa sa mga mahirap makalimutan sa pagiging bata ay ang mga simpleng jokes na kahit na sobrang corny ay nakapagbigay-saya sa atin. Kung sabagay, mababaw lang naman talaga ang kaligayahan ko noon. Kahit na hanggang ngayong malaki na ako, wala nang mas bababaw pa sa ikasasaya ko. Este, matanda na pala dahil hindi naman na ako lumaki at tumangkad. Mais na naman ang intro.

Ako:   'Tol, may tanong ako sa'yo. Dapat masagot mo ha.
Utol Ko:   Ano 'yun?
Ako:   Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si Giripit kaysa kay Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?

Mukhang napaisip si utol sa malufet kung puzzle.