Simulan natin sa "Linggo ng Palaspas". Bago sumapit ang Holy Week, ang buong Pilipinas ay nagiging abala sa pagdalo sa misang magbebendisyon sa mga palaspas. Tinanong ko dati ang mga nakakatanda sa akin kung bakit kailangan nito at ang sagot na nakuha ko ay "...para sa proteksyon ng bahay natin sa mga masasamang elemento.". Ang mga ito ay isinasabit sa bintana, sa itaas na bahagi ng pinto, o kaya naman ay sa altar. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin, buti nalang ay napanood ko ang "Shake, Rattle, and Roll" starring Herbert Bautista. Hanggang ngayon ay naniniwala akong mabisang panlaban sa mga manananggal ang nabensiyunang palaspas!
Hindi ko alam kung ano ang mayroon mula "Lunes Santo" hanggang "Miyerkules Santo" - wala nga sila sa kalendaryo nating mga Pinoy eh. Basta ang alam ko, ito na ang simula ng hindi pagkain ng mga karne. Bawal daw ito ihain kaya ang madalas na ulam sa bahay ay isda at gulay. Gulay at isda. Ito ang mga panahong mas mura ang kilo ng baboy sa kilo ng mga gulay kaya ang ibang mga misis ng tahanan, nagpa-panic buying ng mga pork and beef. Naaalala ko ang kaibigan kong satanista na sinabihan akong bawal daw tumanggap ng Komunyon kapag Semana Santa dahil ito daw ay "Body of Christ". Tsk, tsk.
Wala nang masyadong palabas sa teevee kapag "Huwebes Santo" o "Maundy Thursday", ang araw ng paggunita sa "Last Supper". Kung meron man, ang karamihan dito ay may kinalaman sa Mahal na Araw. Kahit nga ang Eat! Bulaga, may mga special episodes silang ipinapalabas kapag sumasapit ang panahon ng Kuwaresma. Naniniwala ako na kapag Mahal na Araw, ang lahat ay mabait; kasama na dito ang mga teevee networks. Sa araw na ito, marami ang sumasama sa "Visita Iglesia" kung saan bumibisita sa pitong simbahan para gunitain ang "Stations of the Cross". Nakasama na ako sa tradisyong ito pero hindi ko pa rin alam kung bakit pinaniniwalaang siyeteng simbahan ang kailangang bisitahin.
Kapag sinabihan kang "Parang Biyernes Santo ang Mukha mo.", ang ibig sabihin nito mukha kang nagdadalamhati. Ito ay ang araw ng paggunita sa pagkakapako ni Hesukristo sa krus kaya hindi ko maintindihan kung bakit "Good Friday" ang tawag dito - ano ba ang good sa pagkamatay?
Maraming bawal kapag sumasapit ang araw na ito.
"Anak, huwag ka munang magpatugtog ng radyo at manood ng teevee dahil patay ang Diyos."
"Ma, taun-taon bang namamatay si Papa Jesus?"
Biglang iibahin nalang ni ermats ang usapan.
"Anak, huwag kang maglaro sa labas dahil baka masugatan ka. Hindi gagaling kaagad 'yan."
Bawal mag-ingay. Bawal maglaro. Dinadaan nalang namin sa tulog. Pero bago matulog ng hapon ay kailangang nakaligo ka na dahil bawal na rin daw magbasa ng katawan kapag sumapit na ang alas-tres!
Sa araw ding ito nagpipenitensya ang ilan sa mga kababayan natin. May mga nagpapapako sa krus at ang iba naman ay sinusugatan ang likod at hinahampas. Napakasakit, Kuya Eddie. Ginagawa raw nila ito bilang paggunita sa mga hirap na dinanas ni Hesus. May mga naniniwala naman na ginagawa ito upang mabawasan ang mga kasalanan. Para kinabukasan, puwede na ulit gumawa ng panibagong kasalanan!
Natatakot ako sa araw na ito dahil naaalala ko ang scene sa nabanggit kong pelikulang "Shake, Rattle, and Roll". 'Yung part na "Manananggal", sinabihan si Herbert na mag-inagt dahil "patay ang Diyos". Naniwala tuloy ako na kapag Biyernes Santo ay may mga aswang at halimaw na gumagala sa kung saan-saan.
Ang "Black Saturday" o "Sabado De Gloria" ay ang panahon kung kailan dapat ay "silence and solemnity" ang ipinapairal pero kapag pumupunta kami sa probinsya, ang nakita kong kaugalian sa araw na ito ay ang magpunta ng tabing-dagat upang mag-swimming. Hindi ko rin alam ang pinagmulan ng tradisyon at paniniwala. Natatandaan ko tuloy ang isang commecial noon na kunukunsensya at pinaaalalahanan ang sambayanan na imbes na magpunta sa mga swimming beach upang magsaya, ay manatili nalang sa kani-kanilang mga bahay, magdasal ng taimtim, at gunitain ang sakripisyong ginawa ng ating Panginoon.
Ang "Salubong" ay isang tradisyonal na misa ng simbahan bilang pagdiriwang sa muling pagkabuhay ni Kristo. May mga naririnig akong matatanda noon na nagsasabi ng "Buhay na ang Diyos!" pagkagaling sa simbahan. Dahil nga ako ay bata pa noon, naisip kong yearly ngang nabubuhay muli si Hesus tatlong araw matapos siyang ipako sa krus. Hindi ko na kailangan ng kasagutan mula kay ermats.
Ang totoo, kanina ko lang nalaman kay pareng Wiki ang mga sinisimbolo ng mga ito. Pinaniniwalaan noon na ang mga kuneho ay "hermaphrodite" at may kakayahang dumami nang walang mangyayaring pagtatalik. Sinisimbolo nito ang pagiging birhen ni Mama Mary habang ang itlog ay sumisimbolo ng "fertility". Sa kasaysayan, isang tradisyong Katoliko na bawal kumain ng itlog sa panahon ng Kuwaresma. Nakaugaliang gamitin ang itlog bilang hudyat na tapos na ang Lenten Season.
Linggo o Pasko ng Pagkabuhay. Sa ating mga matatanda, ang resureksyon ni Papa Jesus ay ang isa sa mga pinakaimportanteng okasyon ng Mahal na Araw na ipinagdiriwang nating mga Katolikong Pilipino. Sa mga bata at isip-bata naman, ang Easter Sunday ay ang araw kung kailan naghahanapan ng mga itinagong itlog ng Easter Bunny.
Natatandaan ko noong ako ay totoy pa, maaga kaming gumigising nila utol sa tuwing sasapit ang araw na ito upang makipag-unahan sa pagbasa ng mapang matatagpuan sa community board ng lugar namin. Ito ang nagsisilbing "clue" sa mga Easter Eggs na may katumbas na premyo. Hindi ko alam at hindi ko binalak alamin kung ano ang kaugnayan ng mga itlog sa pagkabuhay ni Hesus. Isa itong palaisipan para sa akin tulad ng kung bakit itlog ang iniaalay kay Santa Clara upang hindi umulan. Ikaw alam mo ba ang kasagutan?
Ang totoo, kanina ko lang nalaman kay pareng Wiki ang mga sinisimbolo ng mga ito. Pinaniniwalaan noon na ang mga kuneho ay "hermaphrodite" at may kakayahang dumami nang walang mangyayaring pagtatalik. Sinisimbolo nito ang pagiging birhen ni Mama Mary habang ang itlog ay sumisimbolo ng "fertility". Sa kasaysayan, isang tradisyong Katoliko na bawal kumain ng itlog sa panahon ng Kuwaresma. Nakaugaliang gamitin ang itlog bilang hudyat na tapos na ang Lenten Season.
Noong ako ay bata pa, ang pagkakaintindi ko ay taun-taong namamatay at muling nabubuhay si Papa Jesus. May mga paniniwalang tama at may mga paniniwalang mali. Kapag bata ka, mas malaki ang porsiyento na doon ka sa mali maniniwala pero mas okay na ito kaysa naman wala kang pinaniniwalaan.
(Originally posted on April 9, 2012)
No comments:
Post a Comment