Sa panahon ngayon, hindi na kailangang pumunta ng lansangan upang maglaro ng mga “war games”.
Basta’t meron kang perang pang-arkila ng kompyuter sa internet shop sa inyong kanto ay pwede ka nang makipagbakbakan sa mga kalaban kasama ang iyong grupo. Hindi kailangang tumakbo ng totoo at pagpawisan; nasa bilis lang ng pagpindot sa teklada at sa mouse ang ikapapanalo ng iyong mga kakampi sa DOTA.
Noong panahon namin ay nasisikatan pa ng araw ang mga bata. Naranasan naming tubuan ng bungang-araw at mag-alaga ng mga kuto sa ulo. Kapag umuuwi kami ng bahay ay tiyak ang sermon ni ermats dahil sa baon naming libag na kuwintas at marusing na damit.

Tuwing hapon kasi at mga araw na walang pasok ay
nagkikita-kita ang mga totoy at nene sa labas ng bahay upang magsaya sa
pamamagitan ng mga larong-pambata. May mga larong isa lang ang taya at
mayroon namang isang grupo laban sa iba. Mas gusto ko ang kampihan dahil
ayokong maging balagoong mag-isa.
Sumpitan.
Kung may ibang larong ipinamana ang ating mga ninuno bukod sa yoyo, ang sumpit ang masasabi kong isa sa aking mga paborito. Ang totoo, ito ay sinaunang armas ng ating mga katutubo na ginagamit sa pangangaso at pakikipagdigma. Noong unang panahon, ang mga sumpit ay mahahaba at malalaki dahil ang balang ginagamit dito ay mga palaso o tunod. Taena, isipin mo nalang kung gaano karaming hangin ang kailangan mong ibuga para lang magamit ang mga ito. Pati utot at kabag mo ay mauubos.
Mabuti nalang, ang naabutan ko ay ang makabagong sumpit na yari na sa plastik. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo itong straw ng iyong paboritong pamatid-uhaw na nabibili sa pinakamalapit na suking tindahan. Ang pinagkaiba lang, ito ay mas mataba at matigas.
Pana-panahon ang mga nauusong laro at sa aking pagkakaalala, ang sumpitan ay kadalasang nilalaro tuwing bakasyon kung kailan maraming batang lalaking puwedeng magsama-sama sa isang “giyera”. Oo, kapag naglalaro kami nito ay daig pa namin ang mga tunay na sundalo, pulis, at kung sino pa mang may tunay na baril na pumuputok.

Paano ba maglaro ng sumpitan?
Unahin natin ang armas. Upang makasali ay kailangan mo ng tubong isasalpak sa iyong bibig. Sa bawa’t lugar ay may nagsisilbing “toy depot” kung saan mabibili ang iba’t ibang klase ng laruan. Malufet ang tindahan nila Manong Lagman dahil kumpleto ito sa lahat ng mga nauuso – trumpo, teks, holen, baril-barilan, at siyempre, sumpit. Ang kanyang sari-sari store ang takbuhan naming mga mandirigma.
Maraming kulay na puwedeng pagpilian. Paborito ko ang kulay asul at pula na parehong makikita sa bandila ng Pinas. Makabayan. Matapang. Kanya-kanyang trip pero wala naman talagang ibig sabihin. Malas mo lang kung ang natira sa iyo ay nangupas na pulang nagmukhang color pink.
Ang karaniwang haba ng sumpit na mabibili ay kasing-haba ng isang ruler. Hindi ko na pinuputulan ang aking ginagamit dahil sa paniniwalang mas malayo ang mararating ng bala kapag mas mahaba ang tubo. Ang iba ay binabawasan ng kaunti ang gamit upang mas madali daw ihipan ng hangin. Kung nakinig lang ako sa titser ko sa physics noong ako ay nasa kolehiyo na, malamang ay nalaman ko ang katotohanan sa mga paniniwalang ito.
Kapag mayroon ka nang “baril”, kailangan mo naman ng bala. Kapag uso ang sumpitan ay hindi nakakapagluto ng munggo sa mga kabahayan tuwing Biyernes dahil nagkakaubusan nito sa mga tindahan. Ito ang kadalasang ibinabala kaya naman ilang araw matapos ang “giyera” ay makikita mo ang mga nagtutubuang toge sa daan kung saan ito idinadaos. Kapag walang pambili ay nagpupunta kami ng mga barkada ko sa sementeryo ng San Juan upang maghanap ng halamang matang-kengkoy (matang-pusa sa iba) na parang itim na munggo ang buto. Kapag malas at wala nito ay naghahanap naman kami ng puno na mukhang puno ng niyog na may bungang puwedeng ipangbala. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng puno pero ang tawag namin sa bughaw na bunga nito ay “torpedo” dahil sa halatang kadahilanan. Ang mga balang nabanggit ko ay ang mga puwedeng gamitin sa paglalaro. Bawal ang asin. Hindi rin uubra ang sago, binilog na papel sa pamamagitan ng laway, green peas, at “Stay Fresh” mint candy.
Kailangan din ng kahon ng posporo sa digmaan. Bukod sa gamit nitong bahay ng iyong mga gagambang-talahib, ito ay ang nagsisilbing hawakan at “magazine” ng iyong baril. Dito inilalagay ang mga balang munggo, matang-kengkoy, at torpedo. Sa tunay na labanan, sagabal ang kahon kung dito ka kukuha ng bala habang nakikipagsumpitan kaya kadalasan ay nasa bulsa ang mga balang isusubo sa bibig. Reserba lang ang nasa loob ng matchbox kahit na marami namang puwedeng puluting bala sa sahig na mula sa mga mabahong bunganga ng iyong mga kalaro!
Nagagalit sina ermats at erpats kapag nalalaman nilang sumasali kami ng utol kong si Pot sa sumpitan dahil baka raw kami mapuruhan sa mata at mabulag. Bahala na si Batman kung mahuli nila kami at hagupitin ng sinturon. Masarap ang maglaro nito kaya hindi kami napipigilan. Mayroon naman kaming mga panangga sa mga bala ng kalaban. Naaalala kong nagpabili pa kami ng mga workshop goggles sa lolo’t lola naming nasa HK. Akala nila ay gagamitin naming sa T.H.E. pero ang hindi nila alam ay pang-proteksyon lang ito sa aming larong-pambata. Big time ka kapag meron kang goggles. Kung wala naman ay merong pananggang gawa sa screen na ginagamit sa mga pinto at bintana upang hindi lamukin. May gumagamit din ng mga maskarang karton na usong-uso rin noon. Ang iba ay binabalot naman ang kanilang mga sirang t-shirt sa ulo na animo’y mga ninja. Ang ibang matatapang ay braso lang ang gamit.
Kapag sa lugar namin ang laro, kadalasan ay kaming mga magkakapit-bahay at mga magkakababata ang nagkakampihan at naglalabanan. Dahil sa dami ng mga eskinita sa amin, parang pinaghalong sumpitan, taguan, at agawan-base ang aming trip. Simple lang ngunit ito ang nagsisilbing ensayo namin laban sa ibang grupo mula sa ibang ibang lugar.
Hindi ko alam at hindi ko matandaan kung paano nagsisimula ang labanan ng mga magkaibang teritoryo. Parang ang mga matatatanda ang mga nag-uusap kung saan, anong oras, at ano ang mga patakaran sa sumpitan. Ang naaalala ko lang, inaaya na ako ng pinsan kong si Badds kapag simula na ng laban!
Laki akong Manggahan Cubao na sakop ng 1st Avenue. Kapag nagsama-sama na ang mga kolokoy mula sa lugar namin ay malaki-laki na rin ang pwersa laban sa mga taga-2nd at taga-3rd Avenue. Ang pinagdarausan ay sa gitna ng mga lugar ng magkabilang grupo. Ang grupong makakapunta ng malapit sa teritoryo ng kalaban ay ang panalo.
Kung marunong kang maglaro ng “Games of the Generals” ay alam mo ang mga istratehiya sa sumpitan. Simula muna sa mga private. Ubusan ng bala. Sasalakay ang mga mas matataas na uri. Ubusan ulit ng bala. May mga sniper na nakatago at tumitira sa mga lumulusob. Meron ding mga bigla nalang sumusugod na akala mo ay mga “patotot” ng larong patintero. Ang mga seniority ay kadalasang mga huling sumusugod, taga-utos, at nag-iisip ng mga pamamaraang gagamitin upang masakop ang mga kalaban.
Matagal ang mga ganitong labanan. Nagsisimula mga bandang ala-una ng hapon at natatapos mga bandang alas-singko. Minsan nga ay inaabot pa ng gabi.
Kantsawan. Asaran. Karaniwan sa mga kabataang kasali na madalas ay nauuwi sa suntukan. Pero hindi naman ganito palaging nagtatapos; nangingibabaw pa rin ang pagiging isport sa isa’t isa.
Sa huli, walang katumbas na saya ang naidulot ng maghapon sa lansangan. Sa bawa’t buga na iyong pinakawalan at sa bawa’t tama ng mga munggo mula sa iyong kalaban, ang tanging inaalala mo lang ay ang amoy-laway mong katawan na aamuyin ni ermats bago ka pingutin sa tenga at hampasin ng walis-tambo sa puwet.
(Originally posted on January 12, 2013)
tandan ko pa na nalaglag ako sa tricycle kong service noong grade 3 pa 'ko dahil sa sumpit na yan [yung palamig na may sago]. buti na lang hindi ako napilayan ahehe...
ReplyDeleteastig din yung sumpit na gawa sa bolpen tsaka balat ng orange. kaso panigurado magkukulay-orange din yung bolpen na ginamit dun. :D