Friday, December 31, 2010

Makulay na Buhay

ang iconic photo ni Macaulay para sa pelikulang Home Alone

Isa sa mga paborito at pinakaaabangan kong ginagawa namin tuwing Christmas Eve noong bata pa ako ay ang pagpunta sa bahay ng Tita Nelia ko sa Antipolo upang daluhan ang Family Reunion sa side nila ermats. Bukod sa masaya ang taunang pagsasama-sama ng malaki naming angkan, inaabangan naming magpipinsan ang bigayan ng mga regalo at mga perang nakasobre!

Kapag natapos na ang "mini-Christmas program" at Noche Buena, kanya-kanyang hawak na ng bote ang mga barako habang nag-aagawan sa mic para makakanta sa videoke (hindi pa ako tomador noong mga panahong 'yun kaya hindi pa ako kasali sa session nila erpats). Kami namang mga bata ay nagtutumpok-tumpok sa sala para manood ng pelikulang pambata. Ilang taon din naming naulit at hindi pinagsawaan ang musical na "Annie". Napalitan lamang ito nang magkaroon na kami ng VHS copy ng "HOME ALONE".

Tuesday, December 21, 2010

Regalo ni Kris


galing DITO ang malufet na pektyur

Pangalawang bansa na ang China sa napuntuhan ko para magtrabaho abroad. Pangalawang taon na rin akong magpa-Pasko sa bansang wala namang Christmas. Walang Simbang Gabi. Walang Noche Buena.

Walang EXCHANGE GIFTS.

MONITO MONITA para sa mga medyo jologs, SECRET SANTA naman para sa mga medyo sosi, at KRIS KRINGLE naman ang term na ginagamit ng karamihang average people. Akala ko dati ay kay queen of puta-kowts, Kris Aquino, ipinangalan ang pausong kailangang magbigay ng kung anu-anong paksyet na regalo tuwing papalapit na ang Pasko. Hindi niyo ako masisi kung bakit ganun ang naisip ko dahil wala namang ibang Kris noong Dekada NoBenta kundi siya lang. Ngayong matanda na ako, alam ko na ito'y hango sa German Cut word na "Das Christkind" meaning "The Christ-child" o traditional gift-bringer.

Wednesday, December 15, 2010

Absence of Evidence, Evidence of Absence



Kung may (Kurt) Cobain ang tugtugan scene noong Dekada NoBenta, meron namang Vizconde ang mga naganap na massacres sa Pilipinas. Taena, ‘di ko alam kung nako-connect ang comparison pero alam kong ganun katunog ang apelyido ng huli noong kapanahunan namin. Kung nabanggit ko sa nakaraan kong entry na synonymous ang Bobbit sa “putol-etits”, naging synonymous naman ang Vizconde sa rape at massacre.

Monday, December 6, 2010

Naputol na Kaligayahan


Noong ako ay bata pa, inutusan akong bumili ni ermats ng toothpaste kina T'ya Uling na may may-ari ng isang mabentang sari-sari store sa lugar namin. "Pabili nga po ng Colgate, 'yung Pepsodent ang tatak...". 

Sa ating mga Pinoy, kapag sinabing Xerox, photocopier machine ang ibig sabihin. Kapag Mongol naman ang hiningi sa'yo ng anak mo para sa eskuwelahan, alam mo na ang ibig niyang sabihin. Hindi tayo makapagluto ng pagkain kapag walang Shellane o Gasul sa bahay. Hindi naman alam ng karamihan na ang Frigidaire ay isang brand ng refrigerator. Katulad na rin ng mga brand names na Styropor at Styrofoam, ang daming nagtatalo kung ano ang dapat o tamang gamitin sa pakikipag-usap.

Sa bansa ni Uncle Sam, ang term na "imeldific" ay tumutukoy sa mga taong mahihilig sa sapatos tulad ni Imelda Marcos. Ang "glorification" noong panahon ni Gloria Arroyo ay tumutukoy sa mga taong ayaw bumaba sa puwesto kahit na ayaw na ng kanyang nasasakupan. Sa blogosphere naman, kapag pangalan ko na ang nabasa mo (ehem), siyempre ang maiisip ay ang Dekada NoBenta!

Eh kung banggitin ko sa'yo ngayon ang term na "BOBBITTISED PUNISHMENT", sino ang maiisip mo?

Monday, November 29, 2010

Palos

Kapag papalapit na ang balentaympers ay abala na ang Close-Up sa kanilang preparasyon sa pagdaraos ng isang festival kung saan sabay-sabay maghahalikan ang mga couples maging hetero man, bisexual, o homo sa loob ng ilang segundo. 2004 unang tinangka ng Pilipinas na ma-break ang Guiness Record para sa mass-kissing. Matapos noon ay naging parte na ng kantonaryo (libro ng mga salitang-kanto) nating mga Pinoy ang pinausong "Lovapalooza". Naks, ang sarap pakinggan dahil kakaiba, 'di ba? Kaya nga nagagamit din ito sa ibang fairs tulad ng job-a-palooza, laptopalooza, gadget-palooza, pokpokpalooza, at kung ano pang kahindik-hindik na mga pauso.

Sunday, November 21, 2010

Banana-Q That Tastes Like Silver




Mga ka-dekads, ang inyong mababasa ay galing sa aking imbakan ng mga drafts dito sa Blogspot.  Ito sana ang sunod na entry ko pagkatapos ng "Pag-Ibig Ko'y Metal". Hindi ko siya nai-post dati sa kadahilanang baka sumikat pa ulit ang grupong tinutukoy ko.Ngayong laos na sila, puwede ko na sigurong i-share ang kuwento ko.....

Have you ever tasted something that doesn’t taste like it?

My question reminds me of the Lady’s Choice Sandwich Spread commercial which features two school boys where one is ranting over his baon. The other boy tells him, “Isipin mo nalang, ham yan”. Then the boy replies, “Ham nga!

If there is one thing that I would consider an achievement in my entire internet life, it would be the time that I made my friends and the rest of the cyberspace believe that a band ripped off another band’s song.

Wednesday, November 10, 2010

Paalam sa Enyu



Ang radyo ang isa sa mga bagay na hindi puwedeng mawala sa aking buhay dahil ang musika ay isa sa mga malaking bahaging bumubuo ng aking katawang tao. Noong hindi pa uso ang celfone na may radyo, laptop na may music streaming, at kung anu-ano pang paksyet na may kinalaman sa musika, ang karaoke machine namin ay ang bespren ko dahil hindi ito napapagod sa kakapatugtog ng mga paborito kong kanta.

Sa mga Batang Nineties na ang pag-ibig ay metal, imposibleng hindi nakapihit ang lipatan sa pinakadulong kanan ng kanilang mga radyo. Ang totoo, may iba't ibang klase ng rockers noong panahon ko - may posero at mayroon din namang mga jologs kaya ganun din ang klase ng mga istasyon sa radyo. Para naman sa mga tama lang na may alam sa musika tulad ko, NU107.5 lang ang katapat. Maraming nagsasabi dati na medyo coniotic ang station na ito pero para sa akin ay sila lang naman ang nagbalik ng pagiging "class" ng rock music noong mga panahong nagigiba na ang Pinoy Underground Scene ng panahon ng gitara.

Thursday, November 4, 2010

1800SOSYALAN



Heto na at nagbabalik. Sana ay hindi pa ako naibabaon sa limot ng mga ka-dekads ko matapos ang dalawang buwang pagkawala sa blogosphere. 

Kung nagbabasa kayo ng mga kuwento kong walang kuwenta sa kabila kong bahay na wala ring kuwenta, B'log Ang Mundo, malamang ay alam mong ilang araw na ako dito sa lupain ngakung saan napakaraming tao pero walang social networks sa internet.

Sa panahong hindi kayang mabuhay ng tao na walang internet at celphone, tatanungin kita....KAYA MO BANG MAG-ISA?

Kamote at mais naman kung sasabihin kong "No man is an island", 'di ba? Merong mga taong loner pero sigurado naman akong meron silang mga imaginary friend na kinakausap. Kung batang nineties ka na naabutan pa ang Sesame Street ay kilala mo si Mr. Aloysius Snuffleupagus (Oo na, naging tunay na character din siya after ilang years na 'di nakikita ng ibang characters maliban kay Big Bird).

Teka, saan nga ba papunta 'tong kuwento ko? Parang buhul-buhol na linya ng telepono.Siyempre lagi namang may clue ako sa taytol.

Noong eighties, hindi pa ganun kalufet ang PLDT para makapag-provide ng maraming linya ng mga telepono sa mga can afford na nilalang ng bansang Pilipinas kaya nauso ang isang telephone number na dalawa ang nagmamay-ari. Grade one ako nang una kong ma-experience ang ganitong uri ng linya at ang tawag dito ay PARTY LINE. Taena, puwede mong pakinggan 'yung nag-uusap sa kabilang linya basta takpan mo lang yung mouthpiece. Ang siste nga lang, hindi ka pwedeng tumawag kapag gamit ng ka-share niyo ng number ang linya. Parang extension phone ito pero magkaibang bahay o pamilya ang nagmamay-ari. Madalas itong pagsimulan ng pag-aaway ng dalawang may-ari dahil nauuso pa lang ang pagtetelebabad na madalas kapag nagliligawan. Ang malufet naman dito ay hindi mo alam kung saang lupalop ng mundo nakatira ang ka-party line mo. Ang alam ko, may isang Pinoy movie ang tungkol dito. Kung 'di ako nagkakamali ay isa siya sa  mga parts ng "Dear Diary". Ewan ko, kayo nalang muna ang makipagtsismisan kay pareng Googs dahil wala pa akong time. 

Nang ma-improve na ng noo'y naghaharing PLDT ang serbisyo ng telepono, unti-unting napalitan ng seven digits ang mga six digits na telephone numbers. Mga Batang Eighties ang nakadiskubre na may mga naiwang six-digit telephone numbers ang gumagana na may mali. At ang maling iyon ang nagbigay-buhay sa grupo ng mga adik sa pagtetelebabad, ang mga CROSSLINERS. Ang mga obsolete numbers na ito ay nagsilbing "trunk lines" ng mga mahihilig makipag-usap sa telepono. Ito ang sinaunang chat rooms kung saan puwedeng sabay-sabay na mag-usap ang mga nagdadayal ng numerong iyon.

Naabutan ko pa ang ganoong sistema ng "pakikipagsosyalan" at "networking" sa telepono. Take note, hindi pa nauuso ang internet ng mga panahong iyon. Kung may username sa chat, meron namang "call sign" ang crossline. Ang madalas kong gamitin na "nick" ay "John Lennon". Kanya-kanyang style ng pagsambit ng call sign para mapansin sa trunk line. "Hello ba John Lennon.....". Dapat ay may magandang style ka o tono ara maging kapansin-pansin. 'Yun nga lang, depende rin sa gamit mong telepono para marinig ka. Kapag medyo malayo kasi ang lugar niyo sa lugar ng telephone number ay medyo mahina rin ang dating mo. Sabi nila ay may mga amplier na nilalagay sa mouthpiece para lumakas ang dating pero 'di kailanman ako nakakita ng ganun. 

"Ano location mo?", "Bigay mo telephone number mo...". Sounds familiar 'di ba? Hindi pa uso ang chat sa YM ay nakikipaglokohan na ang mga Pinoy sa virtual world ng mga crossliners. Naadik kami dito ng bespren kong si Geline, ng utol kong si Pot, ng pinsan kong si Badds, at halos lahat ng tropa. Inaabot ng madaling-araw sa paghihintay ng mga "magaganda sa pandinig".

At oi, 'yang mga eyeball-eyeball na 'yan ay nauso noong Nineties. Akala ko nga dati ay kung ano ang Grand Eyeball. Madalas itong ganapin dati tuwing Sabado at Linggo sa second floor sa Ice Skating Rink ng Megamall. Doon sa tapat ng Chowking. Minsan ay pumunta kami dito ng tropa pero 'di kami nagkaroon ng lakas ng loob na makipagkilala sa ibang mga crossliners. Lintek kasi ang mga jologs na hitsura! Doon namin napatunayan na talagang may napepeke ang mga babaeng biniyayaan lang ng magandang boses.

"Ikaw ba ay nalolongkot, walang makaosap.....", hindi ko na matandaan ang kumpletong ads pero isa ito sa mga pumatok Pinoy. Magdadayal ka lang ng 1-800 number at may makakausap ka na - pwedeng private o conference call. Dito rin nauso ang SOP o sex on phone. Taena, makikipag-usap ka lang ay kailangan mo pang magbayad ng ten pesos per minute! 

May engot na kasambahay sila bespren Geline noon na pinatulan ang numerong lumalabas sa TV at nakasulat sa diyaryo. Pagdating ng bill ay umabot ng libo-libo! Akala daw niya ay yun yung tinatawagan namin (tinutukoy ay trunk line).  

Those were the days. FB Muna ako.....




Wednesday, September 8, 2010

Sila ang Nagwagi



At sa isang buwan na itinagal ng walang kakuwenta-kuwentang pa-contest ng bahay ko para sa pagse-celebrate ng first anniversary ng NoBenta, masaya kong ipinapakilala sa inyo ang mga nanalo sa mga nagbigay ng effort sa pagsagot sa aking Trivia Challenge:

First Prize: CRAZEEGRACEY
Second Prize: BENH and KESO
Third Prize: GOYO and LIO LOCO





Monday, August 16, 2010

Pauwi Na, Pahinga Muna



PAUWI NA
Noel Cabangon

Ako'y pauwi na sa ating bayan
Lupang sinisinta, bayang sinilangan
Ako'y nananabik na ika'y masilayan
Pagkat malaon din akong nawalay
Sa ating inang bayan

Ang aking dala-dala'y
 'Sang maleta ng karanasan
Bitbit ko sa ‘king balikat
Ang binuno sa ibang bayan
Hawak ko sa ‘king kamay
Ang pag-asang inaasam
Na sana'y matupad na rin ang pangarap
Na magandang kinabukasan

Bayan ko ako'y pauwi na
Ako'y sabik na ika'y makasama
Bayan ko ako ay nariyan na
Ating pagsaluhan…
Ang pag-asang dala-dala

Ako'y pauwi na sa aming tahanan
Sa mahal kong asawa, mga anak at kaibigan
Ako'y nananabik na kayo ay mahagkan
Pagkat tunay ang pangungulila
Dito sa ibang bayan

Mahal ko ako'y pauwi na
Ako'y sabik na kayo ay makasama
Mahal ko ako ay nariyan na
Ating pagsaluhan ang pag-asang dala-dala 


Ito na ang pinakahihintay kong araw! Mga katropa, ka-dekads, at kabayan, isang buwan po akong mawawala sa mundo ng blogosperyo upang i-enjoy ang bakasyon ko sa Pilipinas. Susulitin ko ito para maka-bonding ang aming mga chikitings kasama ang aking labs. Ang tanging maisisingit ko lang ay ang trivia challenge kong "Panahon Ko 'To: Pa-Contest ng Bahay Ko!".



Friday, August 13, 2010

Ganda Lalake


 RENATO "RENE" REQUIESTAS
(January 22, 1957 - July 24, 1993)

"Isa kang Batang Nineties kung naaliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas."

Nabasa ko dati sa isang 'di ko maalalang magasin na sinabi ni idol Joey na ang kanyang pinakasimple pero pinakapumatok na toilet humor na nagawa sa kanyang buhay ay ang CHEETAE. Sino ba namang Batang Nineties ang makakalimot sa sidekick ni Starzan, the shouting star of the jungle?

Sunday, August 8, 2010

Isang Taon na Pala


Technically speaking, isang taon na itong walang kakuwenta-kuwentang bahay ko dito sa Blogspot. Nang tingnan ko sa Dashboard ang date ng unang entry ko, AUGUST 8, 2009 ang nakalagay. Inspired at ganado yata ako noong araw na iyon dahil siyam na entries ang nagawa ko! Pero bigla kong naalala na kaya pala ganun karami ay dahil inimport ko lang galing Wordpress ang mga iyon. Ibig sabihin, hindi talaga ako August 8 nagsimulang magsulat!

Wednesday, August 4, 2010

Nang Mabulabog ang Luzon



Tuwing malapit na ang birthday ko ay may isang araw akong naaalala sa buwan ng July. Actually, hindi ko lang siya naaalala kundi kinakatakutan ko pa. Tungaw, hindi ang "Fil-American Friendship Day"  o ang dating "Philippine Indepence Day" na isinabay sa "4th of July" ni Uncle Sam ang tinutukoy ko dito.

Thursday, July 29, 2010

Hadouken

Street Fighter Characters





Click niyo muna ang play button ng player bago basahin ang entry.

Ang inyong naririnig niyong maingay sa background ay mula sa first album ng The Youth na "Album na Walang Pamagat". Ito ay isang hidden track sa side B ng cassette tape kaya ang taytol nito malamang ay "Kantang Walang Pamagat". Kung pakikinggang mabuti, ang istoryang bunga ng malikot na pag-iisip ni Sir Robert Javier ay puwedeng bigyan ng pamagat na "Tindahan ng Patis ni Chun-Li".

Ganito kaadik sa STREET FIGHTER ang Dekada NoBenta. Ganito kami kaadik.

Monday, July 26, 2010

Isang Taon ng Dekada: Pa-Contest na 'Yan

 isang taon na mga ka-dekads!!


Akalain niyo 'yun, mag-iisang taon na pala ang tambayan ng mga Batang Nineties sa August 8!! Ang bilis ng panahon pero kahit gaano ito katulin ay 'di pa rin natin maiwasang balik-balikan ang nakaraan.

Para ipagdiwang at magbigay pasasalamat sa aking mga ka-dekads, inaanyayahan ko ang lahat nas umali sa aking munting TRIVIA CHALLENGE. Napakadali lang nitong pa-contest ko. Ayaw niyong maniwala? Heto, basahin mo ang mga napakasimpleng rules:

Saturday, July 24, 2010

Bakit Hate Ko si Bongiovi

 those were the bad ass hair days

Last week ay bumili ng bagong celphone ang kumpare ko dito sa Saudi at nagpatulong sa akin ng pagpapalgay ng mga mobile applications. Samahan ko na rin daw ng videos. At siyempre, hindi mawawala ang mga mp3s para puwedeng gawing walkaman ang gadget niya kapag walang magawa sa villa o sa trabaho.

P're, meron ka bang Duran Duran? Ah oo, meron ako ng "Greatest Hits" nila.

Meron ka rin bang Spandau Ballet? Meron din akong "The Best" nila. Paborito ko ang mga songs nilang "Gold" at "True".

Sabi ko na nga ba at ikaw ang dapat kong lapitan basta rock eh. Lagyan mo na rin ng BON JOVI.

Parang gumuho ang mundo ko sa pagiging rakista.  Oo nga pala, rocker ako kaya malamang ay paborito ko rin ang paboritong banda ng mga <insert your answer here> noong panahon ko!!

Sunday, July 18, 2010

Dekada, Pamilya, at ang OFW

ang aking mga inspirasyon sa pagiging OFW


DEKADA

Noong um-attend ako ng Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS, ay marami akong natutunan tulad ng tamang pag-iinvest ng pera, mga karapatan bilang manggawa sa ibang bansa, ang pagpili ng tamang sim card na may international roaming, ang pagbili ng medicine kits dahil bultuhan daw ang ibinibenta sa abroad, at ang pagpili ng tamang remittance centers. 

Pero higit sa lahat, ang tanging naging interesado ako ay nang tanungin kami ng isa sa mga lecturer ng “Kailan nga ba nagsimulang mangibang-bayan ang mga Pinoy?”. Sa totoo lang, napakahilig ko sa trivia pero hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na ito. Basta ang alam ko lang ay nag-aabroad ang mga noypi para makatikim ng greener pastures.

Sunday, July 11, 2010

Abangan Mo sa Right Corner Pocket, Sumakay Ka Pa


Last week ay napanood ko sa teevee at nabasa sa net ang balitang na nanalo si Francisco "Django" Bustamante sa WPA World 9-Ball Championship. "Sa wakas!", sa loob-loob ko dahil ilang decades na rin niyang pinaghirapang makuha ang title. At least ngayon, hindi na siya maaalala bilang second lagi kay Efren "Bata" Reyes.

Heto na naman si Ida, naririnig ko na naman ang kanyang pamosong linya...."Time space warp, ngayon din!".

Wednesday, July 7, 2010

Panic at the Disco




"Isa kang Batang Nineties kung nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco."

Noong minsang nakipagkuwentuhan ako kay pareng Wiki para sa entry na ito ay may nai-tsismis siya tungkol sa kanyang pinsang si WikiPilipinas. Pinagkakalat kasi ng kamag-anak niya ang rumors na ang kantang "Disconnection Notice" ng Pupil ay inspired ng OZONE DISCO TRAGEDY. Siyempre hindi ako kaagad sumang-ayon dahil baka matulad ako sa kalokohan ni Tito Sotto noong tinira niya ang "Alapaap" ng Eraserheads sa paniniwalang tungkol daw ito sa drugs.

Kaya dali-dali kong pinatugtog sa aking computer ang single at medyo kinilabutan ako sa aking narinig dahil ganito ang lyrics: "There is no escaping, there is no replacing all that you hold.....Turn off the lights now, turn off the lights now....Dressed so swell, they're dancing at the gates of hell 'cause there's nowhere to go...". Kapag pinapakinggan ko dati ito ay naiisip ko ang mga times na pinapadalahan kami ng notice ng Meralco na nagsasabing mapuputulan na kami bukas ng kuryente. Ngayong natutukan ko na ang lyrics habang nakikinig sa nakakahingal na tunog ng kanta ay parang gusto kong maniwala na may kaugnayan nga ito sa isa sa pinakamalaking trahedya na naganap sa disco.

Thursday, July 1, 2010

Thank God It's Gimik

heto yung madalas gawing cover ng mga notebooks ng kabataan noon


Naaalala niyo pa ba ang palabas ng Shitty Siete na "T.G.I.S." noong Dekada No Benta (taken from my entry "Seattle's Best Love Story")? Suwerte mo ngayon dahil nagkaroon na ako ng konting sipag para gumawa ng entry sa mga inaabangang palabas ng mga kabataan tuwing sabado noong panahon ko.

Noong nag-aaral pa ako ng college sa uste, mayroon akong classmate na ayaw sumama sa lakad ng tropa kapag hapon ng Sabado. Madalas niyang sabihin na may lakad sila o may pupuntahang importanteng bagay kaya hindi na namin sila pinipilit. Ang kaso minsan, nadulas ang kanyang dila at sinabi niyang "T.G.I.S. ngayon eh. Maganda na 'yung episode na ipapalabas mamaya.". Paksyet, ano daw?! Ang madalas ko dating marinig sa teacher kong si Ms. Dueñas noong highschool ay "T.G.I.F" o "Thank God It's Friday". Tinanong ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya at ang sinagot sa akin ay "Hindi mo alam ang Thank God It's Sabado, 'Yung palabas sa channel 7?".

Nakanamputs, parang kasalanan ko pang hindi ko alam na mayroong isang teevee series na nagpapauso ng acronym na hindi man lang ginawang "Saturday" ang "S" para magtunog konyotic!

Saturday, June 26, 2010

Take It, Take It

"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang istorya sa likod ng 'Take it! Take it' ng 1994 MFF Awards."

First of all, nagpapasalamat ako sa aking mga masugid na tagasubaybay. Kung wala kayo ay wala rin ako rito sa kinalalagyan ko ngayon. Kayo ang nagsilbing inspirasyon ko upang uminom ng gamot kontra limot para maalala  at maisulat ang mga kalokohan noong Dekada NoBenta. Sa aking asawang Supernanay din ng aming kambal na anak, sa inyo ko inaalay ang mga naisusulat ko dito. Sa buong Maykapal na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang aking nasimulan, lubos akong nagpapasalamat at ibinabalik sa Iyo ang karangalan. At sa lahat ng nakalimutan kong banggitin, salamat din sa inyo...you know who you are!

Paksyet na panimula, parang tumatanggap lang ng tropeo sa isang parangal.

Likas na sa ating mga Pinoy na subaybayan sa teevee ang gabi ng parangal kapag may nagaganap na pista ng mga pelikula. Ang "Araw ng Maynila" ay ipinagdiriwang tuwing June 24 at isa sa mga ipinagyayabang nito ay ang Manila Film Festival kung kailan mga pelikulang Pinoy lang ang ipinapalabas sa mga sinehan ng kabisera ng Pilipinas.

Tuesday, June 22, 2010

Palibhasa Gwapings



"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang pangalan ng trio nila Mark, Eric at Jomari."


Kapag tinitingnan ko ang mga litrato ng kambal naming mga anak na sina Les Paul and Lei Xander, hindi mawala sa isip ko na balang araw ay maraming silang paiiyaking babae. Paano ba naman ay nagmana sila sa kanilang napakagandang Supernanay kaya sila lumalaking mga gwapings!

Not so long ago, siyempre noong Dekada Nobenta (1991 to be exact), may tatlong binatilyo ang sumulpot sa "Palibhasa Lalaki" na isang sikat na palabas sa Dos. Ang tatlong bugoy ay walang iba kundi sila Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Eric Fructuoso. Sila ay nadiskubre ng yumaong Douglas Quijano na kilalang talent manager na nagpasikat rin sa mga artistang tulad nila Richard Gomez, Joey Marquez, at Janice De Belen.

Thursday, June 17, 2010

Nalasing sa Cali-tuhan


"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga nag-akalang nakakalasing ang Cali."



Sino ang nagsasabing walang beer dito sa Saudi?

Noong isang gabi lang ay nayaya ako ng mga kasama ko na uminom ng Budweiser. Yup, ang famous beer na iniindorso ng mga palaka ay nandito rin sa Middle East. Oo maniwala ka, may serbesa dito sa disyerto. Napakaraming pagpipilian sa mga grocery stores - bukod sa Bud ay mayroon ding Heineken at San Miguel. Malayang nakakabili ng case-case na beer dito sa lupain ng mga kamelyo dahil NAB o non-alcoholic beer naman ang mga ito. Paksyet, malalasing ka ba naman sa ganito? Sabi nila ay may "tama" rin daw ito kapag nakarami ka (mga isang drum siguro). Pero sa halip na "tama" ay "mali" lang ang nakuha ko. Panay lang ang ihi ko sa huli at inantok sa kabusugan hanggang sa makatulog.

Naalala ko tuloy bigla ang kuwento ng taga sa'min na isang ex-Saudi. Ibinibida niya kasi na ang ng wine daw ay gawa sa grapes kaya puwede kang malasing kapag kumain ka nito nang marami. Nakipagdebate ang barkada ko at tinanong siya kung nakakalasing daw ang pagpapak ng isang dosenang kahon ng Sun-Maid Raisins! Ginatungan naman ng isa pang borokoy ng tanong na "Nakakalasing din ba'ng kumain ng maraming kanin? 'Di ba doon galing ang rice wine?". Natapos ang debate after twenty years nang pataubin sila ni San Miguel.

Sunday, June 13, 2010

Naaalala Mo Kaya


"Isa kang Batang 90's kung napanood mo ang kauna-unahang episode ng MMK na pinamagatang 'Rubber Shoes'."


Dear (Ate) Charo,

Magandang araw sa iyo. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at nawa'y nasa kundisyon na para i-terminate ang paksyet na host ng noontime show niyong Wowowee. Itago mo nalang ako sa pangalang MaBenta dahil ayokong isipin mo na isa akong salesman kapag ginamit ko ang tunay kong pseudonym na "No Benta". Naisipan kong sumulat sa inyo sa pamamagitan ng blog kong ito dahil gusto ko lang malaman mo na isa akong tagahanga ng inyong show.

Ang buhay nating mga Pinoy ay sadyang ma-drama kaya nga bata pa lang ako ay nakikinood na ako sa teevee ng lola ko kapag ipinapalabas ang "Lovingly Yours, Helen" sa siete. Noong ako'y nasa grade six at medyo may isip na ay paborito naman naming magkakapatid ang "Kung Maibabalik Ko Lang" segment ng "Teysi ng Tahanan" o "TnT" (Bakit ba kasi ang hilig ng istasyon niyo na magpauso ng mga acronyms ng show - e.g. TSCS, SNN, PBB, PDA, at ang inyong sarili na MMK?! Sana sa susunod ay iklian niyo nalang ang title para 'di niyo na ginagawaan ng mga initials.). Nang nawala ang mga makabag-damdaming mga shows na ito ay medyo nabawasan ang ka-dramahan namin sa buhay. Kaya nga tuwang-tuwa kami nang unang ipinalabas noong May 16, 1991 ang pilot episode ng MMK. Simula noon ay 'di na kumpleto ang Thursday nights kapag hindi napapanood ang iyakan episode mula sa programa mo.

Wednesday, June 9, 2010

Pakanton Ka


"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga unang nakatikim ng instant pancit canton."


Kapag beerday natin ay madalas na nating marinig sa ating mga dabarkads ang “Happy birthday! Pa-kanton ka naman!”. Parte na kasi ng kulturang Pinoy ang pansit sa tuwing may mga okasyon tulad ng kaarawan. Sinisimbulo raw kasi nito ang “long life” kaya dapat tayong maghanda nito sa ating special day. Kung hindi man pansit ay puwede rin namang spaghetti o kahit na anong putaheng noodles ang pangunahing sangkap.

Alam lahat nating mga Pinoy na hindi sa atin nagmula ang pansit. Inangkin lang natin ang pagkaing ito mula sa mga singkit. Ang salitang pansit ay galing sa Hokkien na “pian i sit” meaning “something conveniently cooked fast”. Kung ikukumpara mo ang luto natin sa luto nila, malaki ang pagkakaiba.

Thursday, June 3, 2010

Aye Carumba



"Isa kang Batang 90's kung alam mo kung sino ang pinakasikat na pamilya ng Springfield."


Malapit na ang pasukan kaya naisipan kong gumawa ng kuwentong pambata. Puwede rin ito sa mga isip-bata tulad namin ni Taympers na si Noynoy, este Homer pala, ang layout / template ng blog.

Matino ba ang pamilya mo?

Siyempre sa walang kakuwenta-kuwenta kong intro, obvious na title,  at picture sa itaas na kuha sa Market! Market! ay alam mo na ang laman ng blog entry na ito -  ang pinakasikat na pamilya galing Springfield, The Simpsons.

Ang utak na gumawa sa kanila ay pag-aari ni Matt Groening, isang American cartoonist, screenwriter, at producer na siya ring gumawa sa "Futurama". Kung nagustuhan niyo ang mga pelikulang "Big", "As Good As It Gets", at "Jerry Maguire" ay hindi ka na siguro magugulat kung sasabihin ko ngayon na ang producer ng The Simpsons at ng tatlo sa mga paborito kong pelikulang nabanggit ay walang iba kundi si James L. Brooks. May "connect" sila sa isa't isa kaya nga de-kalidad ang mga ito.

Unang nakilala ang pamilya nila Homer, Marge, Bart, Lisa, at Maggie sa "The Tracy Ullman Show" (April 19, 1987) bilang "animated shorts" na tumatagal lang ng isang minuto. Matapos ang tatlong seasons ay nalipat ito sa Fox Broadcasting Company at nag-debut noong December 17, 1989 bilang isang "half-hour prime time show". Okay, hindi ko idi-detalye ang kasaysayan nila dahil magiging nobela ang tungkol sa 464 episodes na nagawa nila sa loob ng twenty-one seasons na kakatapos lang noong nakaraang May 23.

Wednesday, May 26, 2010

Oi Punk


"Isa kang Batang 90's kung nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa."


PUNK ZAPPA
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

Matapos kong lumutang sa nakaka-hypnotize na “Minsan”, nakarinig ako ng isang nakakairitang boses. Mga sampung segundo lang naman pero parang bigla akong naasar. Pinindot ko ang rewind button ng aming karaoke machine at sabay tingin sa cassette sleeve ng "CiRcuS" (oo, medyo sinaunang jeJEm0n ang pagkalayout ng title ng album cover). Punk pala ha. Eh obvious naman na word play lang ito sa pangalan ni Frank Zappa. Hmmm, pareho pa kami ng hobbies ah. Humilata nalang ako ulit at itinuloy ang pakikinig sa malufet na second album ng Eraserheads.

Monday, May 24, 2010

Shawerma: The 90’s Persian Experience


"Isa kang Batang 90's kung alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma."

Noong bumalik ang kaibigan kong si Nikki sa Pinas galing Tate noong mid-90’s para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo sa UP Diliman, ang isa sa mga una niyang naitanong sa amin ay “Ano ang usong pagkain dito ngayon?”. Bumida kaagad sa usapan ang pinsan niya at sinabing “Shawarma! You should try that.”.

Bago sa pandinig ko ang sinabi ni Francis at mukhang masarap kahit na medyo pangit ang pangalan ng pagkaing kanyang binaggit. Sabi niya ay parang burrito raw ito - ipinapalaman ang ginayat na karne ng baka sa pita bread at saka nilalagyan ng garlic sauce. Mukhang magugustuhan ko ito dahil paborito ko ang Mexican food na ito.

Nasa Baguio kami noong mga panahong iyon at sa kasamaang palad ay wala kaming natagpuang shawarma sa Summer Capital ng Pinas. Hindi nawala sa isip ko ang pangalan ng pagkaing ito at itinaga ko sa ulo ng dambuhalang leon na matitikman ko ang ipinagmamalaking sandwich ng Gitnang Silangan.

Saturday, May 22, 2010

Panahon ng Girata


"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga kabataang gustong matutong mag-gitara para makapagbuo ng sariling banda."


Ang kalagitnaan ng Dekada Nobenta ang sinasabing "Panahon ng Alternatibong Pinoy". Katulad ng nangyari sa Seattle Sound Movement, naging mainstream ang underground scene sa Pilipinas. Sila pareng Kurt at iba pang grunge musicians ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan ng bata noong panahon ko ay gustong matutong tumugtog ng gitara.

Kahit na hindi ko ganun ka-gusto ang asignaturang MAPE sa eskuwelahan ay maipagmamalaki kong ang musika ay malaking bahagi ng aking buhay. Siguro ay dahil nasa dugo namin ang pagiging mahiligin sa musika. Kung hindi niyo naitatanong, tiyahin ko si Carmelita Bubay na isa sa mga pinakamatagal na naging weekly champion sa “Tawag ng Tanghalan”. Sigurado akong hindi niyo alam kung sino siya pero sigurado rin akong naabutan siya ng mga tatay at nanay niyo. Peksman, tanungin niyo pa sila mamaya pagkatapos mong basahin ito.

Ganun pa man, kahit na gaano ako kahilig sa pakikinig ay tamad ako noong matutong humawak ng kung ano mang instrumentong pang-musika. Sinikap ko nalang matuto dahil naiinggit ako sa utol kong si Pot kapag ipinagmamalaki ni erpats sa mga tropa niya ang angking galing ng nakababata kong kapatid. Elibs ang mga tomador sa utol kong noo'y nasa ika-anim na baytang ng elementarya kapag tumutugtog siya ng mga Pinoy folk songs sa tuwing may mga inuman sa amin.

Laban o Bayong: The Winner Takes It All

Re-post lang ito ng epxperience ko sa isang noontime show. Originally posted on October 17, 2009. 'Di ko kasi ma-edit kaya inulit ko nalang.

It's been two months since I arrived here in the Kingdom of Saudi Arabia, the land of limitless sand and overflowing black gold. This is one of the reasons why I wasn’t able to update my NoBenta Site. First time kong magtatrabaho sa ibang bansa kaya sabi ko sa sarili ko, music, movies, TV, and internet ang makakatulong sa paglaban ko sa “homesick”.

Buti naman at kumpleto dito sa company namin – may internet connection sa office kaya pwede akong makinig ng music, magbasa ng news, at maging updated online anytime.

Pag-uwi mo naman sa flat niyo, may nag-aantay na televison packed with one hundred plus channels. Yun nga lang, majority ng palabas ay Arabic. May mga English channels din naman sa nagpapalabas ng series at mga movies. May CNN, BBC, Bloomberg, at iba pang news channel. Pero siyempre, walang tatalo sa sa mga palabas na Pinoy!

Dito sa KSA, tuloy pa rin ang laban ng Kapuso at Kapamilya – it’s either TFC (The Filipino Channel) or Pinoy TV. Ang naka-install sa amin, Channel 7. Ang mga major programs dito ay "Darna", "Kaya Kong Abutin ang Langit", "Rosalinda", "Survivor" at ang dabarkads ng Eat Bulaga. When I say major, as in thrice a day ang pag-air nito! Potah, mabibilaukan ka na sa kakapanood ng paulit-ulit! Nakakasawa rin palang panoorin araw-araw yung "KSP" at "Pinoy Henyo".

I never liked telenovelas (except for the original Marimar, hehehe). Melodrama’s not my type. Aapihin yung bida. Yayaman siya. Maghihiganti. Tapos, happy ending na. Nakaka-stress yung puro iyakan at problema sa buhay!

Games shows? Lalo na! Buti nalang at hindi Wowoweee ang napapanood ko kasi ayoko rin si Willie! At least ang TVJ, part of my pop culture life kaya puwede na’ng pagtyagaan ang EB. For me, Joey De Leon is still the best.

Friday, May 14, 2010

Aerosmith Chick

 
Noong Dekada No Benta ay nagkaroon ako ng girlfriend na talaga namang pinagpantasyahan ng lahat ng kabataan. Sayang nga lang at 'di kami nagtagal dahil naging hectic siya sa kanyang celebrity life. Ang agreement namin noong una ay magkakaroon pa rin siya ng quality time sa akin para hindi makaapekto ang pagsikat niya sa aming relationship. Pero nabigo kaming i-save ang sinimulan namin nang sobra na siyang sumikat as "the Aerosmith Chick". Sino ba namang teenager at mga gurang ang hindi naglaway sa ex-gf kong si ALICIA SILVERSTONE? Mga ka-dekads, "a-lee-see-yah" ang tamang pag-pronounce sa name niya just in case na hindi mo lang alam.

Friday, May 7, 2010

Seattle's Best Love Story

Naaalala niyo pa ba ang palabas ng Shitty Siete na "T.G.I.S." noong Dekada No Benta? Well, suwerte mo ngayon dahil hindi ito tungkol sa tropa ni Dingdong Dantes noong ka-love team niya pa lang si Antoinette Taus. Layas ka na muna sa bahay ko kung nalalaglag ang panty mo sa host ng Family Feud.

Ang bida sa entry ko ngayon ay ang isa sa mga iniidolo kong si Cameron Crowe at ang masterpiece niya na talaga namang malapit sa puso kong metal. Para sa mga jejemons, c mR crOwE p0WH lng nmn aNG dIReC2R, wRITeR, aT ProdUcEr ng MGA M0vIEz 2Lad Ng ~ "Jerry Maguire", "Vanilla Sky", ahT "Almost Famous" na isa ko pang peyborit. Okay, hindi ko ito gagawin isang movie review dahil magiging biased ako kapag ganun ang tema.

SINGLES. Love is a game. Easy to start. Hard to finish.

Kaya mo bang mabuhay mag-isa? Madalas kong marinig kay Ms. San Juan na "Walang taong perpekto. In short, no man is an island" - pamatay na banat ng nakaaway kong teacher noong nasa highschool pa ako. Kahit na parang binaboy niya ang mga quotable quotes dati na ginawa rin ng Siete sa pambababoy sa lahat ng fairy tales sa lecheseryeng "The Last Prince", may point ang guro namin.

Saturday, May 1, 2010

This Sucks

"Isa kang Batang Nineties kung nalaman mong cool ang maging bobo nang makilala mo sina Beavis & Butthead."

Noong unang panahon ay naimbento ang teevee. At dahil sa lufet ng epekto ng tele-bisyo ay sumulpot sa MTV ang dalawang pinakabobong tao sa balat ng lupa. Sino ba naman ang Batang Nineties ang hindi makakakilala sa dalawang engot na ito? Malamang ay wala. Kung meron man, malamang ay Teletubbies at Barney the purple paksyet ang pinapanood nila noong panahon namin.

Unang ipinalabas ang BEAVIS AND BUTT-HEAD sa Liquid Television, isang show na nagpi-feature ng mga short animated films. Si MIKE JUDGE ang salarin sa cartoon na ito na humakot ng milyon-milyong cult following. Dahil dito ay naging regular show ito sa Music Television na nag-umpisa noong March 8, 1993.

Sa totoo lang, hindi ko napanood ang pilot episode nito. Medyo late na nang mapanood ko sila sa isang episode ng    "MTV's Headbanger's Ball". Ibinalita ni VJ Danny McGill na may lalabas na album entitled "The Beavis and Butt-Head Experience (November 3, 1993)" featuring rockstars like Nirvana, White Zombie, Megadeth, at Red Hot Chili Peppers na mga peyborits ko. Matapos ang announcement ay ipinakita ang "Frog Baseball" (September 22, 1992)", ang una sa magiging two hundred episodes na tatakbo ng seven seasons. Unang kita ko pa lang sa kanila ay alam kong magiging die-hard fan nila ako kasama ang mga utol kong sila Pot at Jeff, kaklase, barkada, at pati na ang ermats at erpats ko. Tuwing gabi, sama-sama kaming nanonood sa bahay para abangan ang "pinaka-cool" na duo sa teevee.

Tuesday, April 20, 2010

Anak Ka ng Ina Mo

(credits to Schizo Archives for the photo)

Kapag sinabing Fab Four ng Pinas, Eraserheads ang una mong maiisip. Eh paano kung tatanungin kita kung sino ang Rock Power Trio ng Alternatibong Pinoy noong Dekada NoBenta, sino ang maaalala mo?

Dalawa ang mga grupong tumatak sa isip ko noong Golden Era ng Pinoy bands – una, ang (Electric) Sky Church na trio ng malulufet na Dela Cruz Brothers. Pero technically speaking, hindi ito ang sasagot sa tanong ko sa inyo dahil hindi alternative at “pang-masa” ang tugtugan nila. Ang tinutukoy ko sa entry kong ito ay ang THE YOUTH, ang itinuring na Nirvana ng mga noypi noong nineties. Dahil sa kanilang mainstream success noong panahon nila pareng Kurdt Cobain, natanggap ng mga ermats at erpats natin na puwede rin palang pakinggan ang mga kanta ng mga rockers.

Originally, “Boyish Days” ang pangalan ng grupo nila Dodong Cruz (bass / backup vocals), Erap Carrasco (drums), Pat Epino (lead guitar), at Zaldy Carrasco (vocals) na nabuo noong 1989.

Dahil sa musical differences ay binuo nina Dodong at Pat ang EnVoice habang sina Erap at Zaldy ay binuo ang Obscure Tone kasama si John Olidan. Madalas pa rin silang magkasabay-sabay sa mga gigs at kapag walang gustong mauna ay nagpiprisinta sila Dodong, Erap at John upang maging front Act. Naisama rin sa line-up nila Dodong si Raul Velez. Nakilala sila bilang THE YOUTH.

Tuesday, April 13, 2010

Radio Killed the Video Star


Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging mahiligin sa music. Bago pa man nauso ang mga talent shows sa teevee natin ngayon ay may “Tawag ng Tanghalan” na nagpasikat sa mga pundasyon ng musika natin. Aminin natin na hindi lamang sa billiards at boxing tayo kilala sa buong mundo kundi walang kaduda-duda na kilala rin ang lahi natin pagdating sa kantahan. At sigurado akong sasang-ayon kayo kung sasabihin kong lahat tayo ay may “artista effect”.

Music plus konting acting equals MUSIC VIDEOS. Yup, patok sa panlasa nating mga Noypi ito – superb entertainment. Kaya nga nang magkaroon ng franchise ang MTV o MUSIC TELEVISION sa Pinas ay mabilis itong tinanggap ng masa. Sa sobrang tanggap natin dito ay MTV na nga rin ang tawag natin sa mga videos ng kanta. Parang Colgate kapag toothpaste ang gustong tukuyin. Oist, mali ‘yun!!

August 1, 1981, 12:01 a.m. unang nag-air ang original na MTV sa US. “Ladies and gentlemen, rock and roll"...sabay patugtog ng theme song na guitar riffs habang pinapakita ang image ng collage ng Apollo 11 Landing na may flag na ang nakalagay ay ang MTV logo. Oo, dito ibinase ang "moonman" trophy na pinamimigay kapag Video Awards. “Video Killed the Radio Star” ng The Buggles ang unang pinakitang video ng network. At kung tatanungin kayo kung ano ang first ten songs / videos na nasilayan sa MTV, ito ang listahan:

1. "Video Killed the Radio Star" by The Buggles
2. "You Better Run" by Pat Benatar
3. "She Won't Dance With Me" by Rod Stewart
4. "You Better You Bet" by The Who
5. "Little Suzi's on the Up" by Ph.D.
6. "We Don't Talk Anymore" by Cliff Richard
7. "Brass in Pocket" by The Pretenders
8. "Time Heals" by Todd Rundgren
9. "Take It On the Run" by REO Speedwagon
10. "Rockin' the Paradise" by Styx

Ang original na aim ng network ay magpalabas ng mga music videos 24/7 na guided ng mga on-air hosts / personalities na tinawag na VJ’s o Video Jockeys. Dahil young adults at adolescents ang target nito, madali nitong nakuha ang lugar sa popular culture.

KAMI ANG MTV GENERATION. Dekada No Benta na nang unang makasagap ang Pilipinas ng signal mula sa Satellite Television Asia Regional (STAR) Broadcasting Corporation. Pero dapat ay may malufet na antenna at TV na may UHF channels ka para makuha mo ng libre ang MTV ASIA (read my entry “We Want the Airwaves”). Hindi ko sigurado kung kailan ibinalita ng pinsan kong si Badds na mayroon nang MTV sa Channel 23 pero January 1, 1992 ito nai-launch sa Southeast Asia. Noong wala pa kaming cable teevee ay madalas akong dumayo sa mga pinsan at iba ko pang mga kamag-anak para lang sa MTV.Tandang-tanda ko pa ang pagkaadik ko sa channel na ito – nakitulog pa kami ni Badds sa bahay ng erpats niya para lang makanood. Saktong Halloween noon kaya nagpresinta kaming magbantay ng bahay dahil pupunta sila ng sementeryo. Wantusawa. Inabangan namin ang mga videos ng iniidolo naming mga banda tulad ng Metallica, Guns N’ Roses, at Nirvana. Nag-enjoy talaga kami noong mapanood namin ang “November Rain”.

Crush na crush ko si VJ NONIE na cutie na Chinese pero English-speaking. Sabi nila, bingi raw ito at may hearing aid kaya laging nakatakip yung buhok niya sa isang tenga. Okay lang dahil maganda pa rin siya, hindi nabawasan yung paghanga ko sa kanya. Siya ang host ng “Dial MTV” kung saan may tumatawag on-air para mag-request ng videos. Lagi kong pinagdarasal na sana Pinoy ang tumawag para hindi baduy ang gusto tulad ng ibang lahi.Host din siya ng “MTV Most Wanted” na kung saan susulat ka sa kanya para sa request mong video. Tuwang-tuwa ako nang mapili niya ang sulat ko at binasa on-air. Tinawag niya itong “Scaaaarrry Snake of the Day”. Gumawa kasi ako ng cardboard na ginaya ko sa ahas ng “Black Album” ng Metallica. “Enter Sandman” ang video na hiniling ko. One of the best talaga ito.

Paborito ko rin si VJ SOPHIA na isang hot Indian chick. Host siya ng “MTV Alternative Nation” na nagpapalabas ng mga videos na galing sa mga underground bands. Dito ko unang napanood at narinig ang “Today” ng Smashing Pumpkins. Bukod sa kakaibang tunog, ‘yung hot video ng mga naghahalikang teenagers ang dahilan kaya ko binili ang album nilla at naging mga idolo rin. Dito ko rin unang napanood ang Oasis na medyo sumisikat dahil sa “Live Forever”.

Headbanger’s Ball” ang pinakasikat na segment noong mga unang taon ng MTV Asia dahil ito rin ang panahon ng Seatlle Sound Movement at Pinoy Alternative. Altough dapat ay sa show ni VJ Sophia ipinapalabas ang mga videos ng alternative bands, nasasama rin ang mga bandang Soundgarden, Pearl Jam, Mudhoney, Melvins, sa line-up ng Sepultura at iba bang nakakabinging mga banda. Kundi ako nagkakamali, ang host nito ay si VJ Danny McGILL. Naaalala ko pa ‘yung isang basketball team na kalaban ng lugar namin – Headbanger’s Ball ang ginamit nilang pangalan tapos mga pangalan ng bandang pinapatugtog ang nakalagay sa jerseys nila. Astig dahil kahit ‘yung logo ng show, nagaya rin nila!

Tuwing umaga, bago magtanghali ay mayroon namang ‘MTV Classic” na nagpapalabas ng mga videos galing sa dekada bago mag-nineties. Siyempre, matiyaga kong inaabangan ang mga oldies na peyborit ko tulad ng The Beatles, Eagles, Tom Petty, David Bowie, at mga new wave groups tulad ng Fra Lippo Lippi at Duran Duran habang naglilinis kami ng bahay.

Tuwing weekends, inaabangan ko ang “MTV Asian Top 20 Countdown” at “MTV US Top 20 Countdown” para maging updated sa kung sino ang sikat sa States at sa Asia. May isang beses na talagang bad trip ako sa MTV dahil ‘di nila pinapalabas ng buo ‘yung “Heart-Shaped Box” nila pareng Kurt. Medyo hindi daw katanggap-tanggap ‘yung video dahil parang “tinarantado” daw ng grupo ang crucifixion ni Jesus. Check niyo nalang sa Youtube link na ito  kung ganoon nga ka-controversial. Paborito ko rin ang “MTV Unplugged” dahil pinapakita nito ang galing ng artist/s kahit na acoustic lang ang set. Ang ayoko lang kapag weekend ay ang “MTV Gone Taiwan” na nagpapalabas, obviously, ng mga videos ng Taiwanese. Tapos nakakaasar pa ‘yung host na si VJ DAVID “Wu Man” WU. Feeling niya ay cool siya kapag sumesenyas siya ng five fingers na nagrerepresent ng “Wu”. Paksyet ang segment niya na nagtuturo siya ng English Slang to Chinese. Bad trip!

Mayroon ding palabas na “Liquid Television”. Hindi ko maalala kung Wednesday ang airing nito o Thursday. Basta showcase ito ng mga independent animators na nagpasikat sa tulad Mike Judge na gumawa kina “Beavis and Butt-Head”. “Frog Baseball” ang una naming napanood from the duo at simula noon ay naging die-hard followers na kami ng tropa ko. Meron pa nga akong button nito na binigay sa akin ng barkada kong si Nikki galing States. Sa show din na ito nanggaling ang series ni Peter Chung na “Æon Flux”, paborito namin ng utol kong si Pot. Oo, ito ‘yung ginawan ng movie adaptation na kung saan bida si Charlize Theron. Nabu-buwisit si ermats sa nakakatawang kabobohan, violence, at sexy scenes ng mga cartoons ng MTV. Bastos daw...pero wala siyang nagawa dahil naging parte ng teevee life namin ito.

May mga iba pang shows tulad ng “MTV Fresh” na nagpapalabas ng mga bagong videos, “MTV Grind” na nagtuturo ng mga Beach Party dance moves, at “MTV Live and Loud” na nagpapalabas naman ng mga concerts.

Inaabangan ko rin siyempre ang mga awards night ng “MTV Video Awards”. Tulad sa sinabi ko sa entry kong “Grunge is Dead: The End of Music”, ang 1992 Awards ang pinakamalufet sa lahat ng napanood ko. Nai-record pa nga ni Nikki ito sa VHS tape kaya napanood pa namin ulit sa bus noong nag-field trip kami papuntang Nayong Pilipino. Ito lang naman kasi ang time na puro idol ko ang humahakot ng trophy – tropa nila pareng Kurt Cobain, pareng Axl Rose, at pareng James Hetfield.

Masarap rin panoorin ang “MTV Movie Awards”, lagi kong inaabanagan kung sino ang makakakuha ng “Best Kiss Award”. The best ‘yung nanalo sina Wynona at Ethan Hawke sa laplapan nila sa “Reality Bites”.

Ang dami talagang memories ng MTV Asia. Nagulat nalang ako isang umaga, May 1, 1994, parang may mali sa monitor dahil ‘di ko makita ang MTV logo. Napalitan ito ng “[V]” na logo at pati ang mga title ng shows ay iba na rin. Feeling ko ay nasa “Twilight Zone” ako dahil biglang nawala ang Music Telvision. Ang siste, hindi nila sinabi ang dahilan na nag-expire na ang contract nila sa mother company ng MTV at hindi nag-renew ang STAR TV. At ganun nalang ang pagbabago.

Hindi dito nagtatapos ang kuwento ko. Masyadong hahaba ang entry kung ikukuwento ko pa ang experiences ng mga Pinoy sa Channel V, muling pagbabalik ng MTV Asia, at pagkakaroon ng MTV Philippines. Don’t worry, hahatiin natin ang kuwento para ‘di kayo mabingi!