Sunday, May 18, 2014

Featured Blogger: Thë Walrus

RALVIN "Thë Walrus" DIZON
"Kung hindi abot ng utak mo ang pinagsasabi namin dito, hindi rin namin maabot ang punto ng pag-iisip mo."

Isa sa mga frustrations ko sa buhay ay ang matutong mag-drawing ng malufet. 

Noong ako ay bata pa, natatandaan kong mahilig akong magkulay ng mga coloring books na binibili ni ermats mula sa palengke. Bilib na bilib ang mga magulang at mga kamag-anak ko noon dahil sa murang edad ay nakukulayan ko ang mga nakapaloob sa libro nang maayos, walang lampas, at maganda ang kombinasyon. Sariwa pa rin sa aking mga alaala ang husay ko sa pagguhit. Ramdam ko noon ang angking talento ko dahil nasasali ako sa mga paligsahan noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Crame kahit na kadalasan nama'y umuuwi akong luhaan.

Hindi ko alam kung anong puwersa mula sa kalangitan ang nasalo ko noong nagsisimulang tumubo na ang mga kakaibang buhok o balahibo sa mga nakakatawang parte ng aking katawan. Bigla nalang nawala ang sariling utak ng aking mga kamay sa pagguhit at umasa nalang sa tracing paper.

Ngayon, kapag nakakakita ako ng mga malulufet na obra ay lubos agad akong humahanga sa kung sino man ng gumawa nito. Ngunit huwag niyong isipin na mababa ang panlasa ko sa sining dahil marunong din naman akong kumilatis ng "work of art".

Hindi ko maalala kung paano nagkrus ang landas namin sa mundo ni Mark Zuckerberg pero ang tanging natatandaan ko ay sobra akong naglaway sa mga larawang kanyang iginuhit gamit ang bolpen! Potah, akala ko noong una ay gawa ang mga ito gamit ang kung anong pang-kulay maliban sa tinta ng bolpen. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko kaya sa naging instant fan ako ni Sir Ralvin Dizon

Alam kong isa siyang rocker. Oo, hindi rakista, dahil isa siyang Batang 90's. Napatunayan ko ito nang makita ang ilang obra niya tulad ng mga portraits nina Basti at Kurt. Noong una, akala ko ay mas matanda siya sa akin dahil idol niya si John Lennon pero naisip kong baka ka-dekads ko rin siya dahil idol ko rin naman ang ex-Beatle na kanyang hinahangaan. Tama nga ang aking hinala, mas bata lang siya sa akin ng apat na taon kaya nakakasakay ako sa kanyang mga kuwentong-karanasan. Pareho ng wave length, kumbaga.

 
Astig, 'di ba?  Hindi na ako nagulat noong malaman kong na-feature ang kanyang mga drawings sa 9gag. Proud to be Pinoy. Proud to be his efbee friend!

Simula nang maging konektado kami sa efbee ay napansin ko ang mga samu't saring puna at mga  kung anu-anong bagay na kanyang mga inilalagay sa kanyang "wall". Katulad ng kanyang alyas na "The Walrus", may angkin din siyang misteryo kaya naman mas lalo akong humanga sa kanya (Kung hindi niyo alam ang mga haka-haka at kuwento sa kantang "I am the Walrus" ng Fab Four, malaki ang kakulangan niyo sa buhay!).
 
Bukod sa pagiging magaling na ballpoint artist ay isa rin siyang blogger katulad ko. Natutulog pa kaya siya?

O siya, Ida, sabihin mo na ang mahiwagang linya dahil heto na ang sampol ng isang akda ni Sir Ralvin tungkol sa Dekada NoBenta!



RAKENROL NOONG 90'S

Masaya ang maging bata lalo na sa panahong .. nagbibinata o nagdadalaga ang isang tao…Dito mo mararanasan ang lahat ng kalokohan na pwede mong ikwento sa iyong apo kapag ikaw ay uugud-ugud na… na hindi mo lubos maisip na nagawa mo ito ng dahil lang sa nakikiuso ka o trip mo lang…Hindi pa uso noon ang terminong “Rakista” na kung iisipin ay kinopya lang sa katawagan sa mga punk dito sa Pinas na “Punkista”,, na parang tunog sell-outs sa aking pandinig na masyado ng naging mabenta sa anumang aspeto… Although nag-eexist na ang “Signs of the Horns” noon..hindi rin gaanong ginagamit ang hand gesture na ito…Ang madalas na ginagamit noon ang Closed Fist…. Ang panahon ng 90’s ang masasabi kong huling wave ng mga kabataan na tunay na naadik sa Rock at Metal isama na natin ang mga Punk..Kainitan pa ng labanang Hiphop Vs Metal….Naalala ko pa noon ang porma ng mga kabataan na pantalong kupas at butas na tupi ang dulo palabas… ang tawag naming sa style ng pagsuot ng pantalon na yon ay “LACTUM”.. ewan ko kung anong kaugnayan neto sa isang brand ng gatas ..basta yun lang ang nakagisnan ko..Ang t-shirt ay Benetton na hanggang siko ang manggas na nakatuck-in sa pantalon ..habang nakabuyangyang ang sinturon na may buckle na halos ipagmayabang mo sa mga taong nakakasalubong mo….Isipin mo kung pumorma ka ng ganyan ngayon?..masagwa ano? Sabayan mo pa ng tanginang buhok mong hati sa gitna na binangsagang “KEMPEE”. (natawa ka no?)

Ang unang tape na hiniram ko ay ang UltraElectroMagnetic Pop ng Eraserheads.. na hindi ko na sinole..Tinitiis kong gamitin at irewind ito sa takip ng Ballpen..malaki kase yun at fit dun sa butas ng cassette tape…May pangyayari pang kakaiinin ng player ang kawawang tape na magreresulta sa pagkaputol neto.. Ganyan kami katyaga noong panahon na yun…para lang mapakinggan ang mga paborito naming tugtugin.. Hanggang sa may nakapagsabi sa kin na merung istasyon sa radyo na puro Rock at Metal ang tugtugin.. yan ang L.A. 105… Uyy nabuhayan ako … pero medyo hindi ko pa dig ang mga tugtugin Underground noon…Sinubukan ko… hindi ko maalala kung anong banda ang unang napakinggan ko sa station nay un…hanggang sa humataw sa pandinig ko ang Panginoon ng Hangin ng Dahong Palay..at sunod sunod na ang mga bandang lagi kong pinakikinggan..like.. Balahiboompooza, Half Life Half Death, Skychurch, Bonehead, Feet like Fins..blah.. blah..


May mga foreigner din akong pinakikinggan noon like Pantera, Slayer, Nirvana, Collective Soul.. Live atbp.. (pero nauna ang Beatles syempre hehe) bago ko naapreciate ang ating mga local bands…Payabangan noon ng mga Tapes the more na marami kang collection ..the more na sikat ka sa mga tropa…eh ako sakto lang ang baon ko… Naranasan ko rin na hindi kumain ng meryenda para lang makaipon ng P150 to 250 na original Tape (wala pang piracy noon),..Kung minsan pa nga o sabihin nating madalas,,, ginawa ko rin ang pag wawan-two-three sa mga Jeepney… syempre nahuli na rin ako… heheh, at pag may bagong labas na album ang isang banda…Unahan sa pagbili… as usual ako kulelat ampota… pero pinapahiram naman nila sa akin…Sikat ka rin noon kung marunong kang tumugtog ng Gitara at aminin nyo na dinaanan nyo rin ang kantang Line to Heaven ng Introvoys bago kayo natutong mag Riff at magShred di ba?

Uso rin noong panahon na yon ang disco…aaminin kong pumupunta ako sa disco..pero hindi para sumayaw….hinihintay ko lang na tugtugin ng DJ ang mga sikat na Rock o Metal songs noon like Enter Sandman.. All Apologies at ang gasgas na Sweet Child o Mine.. pagkatapos noon puro.. Macarena, Rum Shaker o Dying Inside… na ipaparinig sa mga kabataang walang ginawa kundi mag ala-Butterfly Dancing sa gitna ng mga nag-iilawang Magic Balls…Bilib din ako sa mga taong Long Hair noon..syempre bata pa ko noon…Rocker agad ang impression ko dito…kahit mukha lang silang mga durugistang tamad magpagupit.. Pero mabibigla ka ng lang sa mga taong ito na parang mga sabog na magiislaman sa gitna ng mga taong nagsasayawan kahit na pangdisco pa ang tugtog..mga bugok ano? Ang lakas ng trip…. Mas lalo pa silang magheheadbangan kung maririnig nila ang Lakas Tama ng Siakol o LakLak ng Teeth.. Hindi kase gaanong ine-ere ng DJ ang mga Death Metal o maangas na Thrash Metal sa Disco… kaya siguro naisip ko na..Ayus na ang ganun na tugtog,, basta ma-ihampas lang nila ang mga ulong natatakpan ng makapal na buhok…. kahit magmukha pa silang mga timang..

Umabot ang ganyan na eksena hanggang sa huling taon 90’s kung saan..lumamlam ang karera ng mga bandang rock at metal..dahil sa parang kabute na nagsulputan ang mga Boybands… na nahati ang atensyon ng mga tagapakinig..lalo na sa mga babae..dahil mga gwapo ang mga myembro eh..Hanggang sa pumaibabaw na ang mga Pop Songs at nawala na sa mainstream ang Rock..malungkot man sabihin.. ganyan talaga… nagbabago ang panahon.. Inevitable ika nga..Ganunpaman..isa ako sa mga kabataan noon (bata pa naman ako huh) na nakaranas ng ganun na eksena… at maipagmamayabang ko kahit sa kabataan ngayon (wait.. hindi yung mayabang na maangas huh) na nabuhay ako sa panahon na iyon…nakapanglulumo man…tila wala na ang spirit ng Rock at Metal ngayon… wala na ang angas..wala na ang galit.. puro tilian na lang ang maririnig mo sa mga manonood na parang may lumabas na artista sa harap nila.. (gasgas na kung babanggitin ko pa ang mga yan)Pero maswerte pa rin ang mga kabataan ngayon dahil andyan pa naman ang iilang banda na hanggang ngayon ay aktibo pa rin… at idagdag mo pa ang mga astig na underground bands ngayon.. na pasalamat pa rin tayo…hindi pa rin sila napapagod sa pag-gawa ng kanta sa kabila ng matinding pamimirata..

Masarap sariwain ang mga bagay na hindi mo na maibabalik.. katulad ng pangrerecord sa player..hihintayin mo ang paborito mong kanta sa radyo at irerecord ito…Hiraman ng Tapes at Walkman…Panonood ng mga TF Movie yung Patikim ng Pinya ni Rosanna Roces at magpupuslit ng “BOLD” na VHS Tape..(teka bat nasali to?) Panggagate crash sa mga Discohan at Concerts..Pambabato sa mga HipHop (uu..ginawa ko rin yun noon) Pangongoleksyon ng mga Songhits..pag walang pambili manghihiram at pagtyatyagahan kopyahin ang lyrics at chords…Paninigarilyo ng Mark (mura kase ang yosing ito noon)..Pagpapasikat sa mga babae, kakantahan mo ng With a Smile at 214, kahit sintunado…. Ginagawang Rock ang jingle ng Sineskwela … at hinihintay na lumabas sa TV sina Ina Raymundo at Dindi Gallardo… Tangina…napahaba na naman…Wala lang..Naalala ko lang naman..

Sira na naman ang CDR King na Keyboard ko ..tangina.. nawawala pa yung USB…asan na ba yung Floppy Disk ko at Diskette?


Ang blog entry na ito ay mula sa "the walrus".

SIR RALVIN, MARAMING SALAMAT AT NAKILALA KITA! RAKENROL \m/






1 comment:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    ReplyDelete