Wednesday, May 26, 2010

Oi Punk


"Isa kang Batang 90's kung nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa."


PUNK ZAPPA
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

Matapos kong lumutang sa nakaka-hypnotize na “Minsan”, nakarinig ako ng isang nakakairitang boses. Mga sampung segundo lang naman pero parang bigla akong naasar. Pinindot ko ang rewind button ng aming karaoke machine at sabay tingin sa cassette sleeve ng "CiRcuS" (oo, medyo sinaunang jeJEm0n ang pagkalayout ng title ng album cover). Punk pala ha. Eh obvious naman na word play lang ito sa pangalan ni Frank Zappa. Hmmm, pareho pa kami ng hobbies ah. Humilata nalang ako ulit at itinuloy ang pakikinig sa malufet na second album ng Eraserheads.

Monday, May 24, 2010

Shawerma: The 90’s Persian Experience


"Isa kang Batang 90's kung alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma."

Noong bumalik ang kaibigan kong si Nikki sa Pinas galing Tate noong mid-90’s para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo sa UP Diliman, ang isa sa mga una niyang naitanong sa amin ay “Ano ang usong pagkain dito ngayon?”. Bumida kaagad sa usapan ang pinsan niya at sinabing “Shawarma! You should try that.”.

Bago sa pandinig ko ang sinabi ni Francis at mukhang masarap kahit na medyo pangit ang pangalan ng pagkaing kanyang binaggit. Sabi niya ay parang burrito raw ito - ipinapalaman ang ginayat na karne ng baka sa pita bread at saka nilalagyan ng garlic sauce. Mukhang magugustuhan ko ito dahil paborito ko ang Mexican food na ito.

Nasa Baguio kami noong mga panahong iyon at sa kasamaang palad ay wala kaming natagpuang shawarma sa Summer Capital ng Pinas. Hindi nawala sa isip ko ang pangalan ng pagkaing ito at itinaga ko sa ulo ng dambuhalang leon na matitikman ko ang ipinagmamalaking sandwich ng Gitnang Silangan.

Saturday, May 22, 2010

Panahon ng Girata


"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga kabataang gustong matutong mag-gitara para makapagbuo ng sariling banda."


Ang kalagitnaan ng Dekada Nobenta ang sinasabing "Panahon ng Alternatibong Pinoy". Katulad ng nangyari sa Seattle Sound Movement, naging mainstream ang underground scene sa Pilipinas. Sila pareng Kurt at iba pang grunge musicians ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan ng bata noong panahon ko ay gustong matutong tumugtog ng gitara.

Kahit na hindi ko ganun ka-gusto ang asignaturang MAPE sa eskuwelahan ay maipagmamalaki kong ang musika ay malaking bahagi ng aking buhay. Siguro ay dahil nasa dugo namin ang pagiging mahiligin sa musika. Kung hindi niyo naitatanong, tiyahin ko si Carmelita Bubay na isa sa mga pinakamatagal na naging weekly champion sa “Tawag ng Tanghalan”. Sigurado akong hindi niyo alam kung sino siya pero sigurado rin akong naabutan siya ng mga tatay at nanay niyo. Peksman, tanungin niyo pa sila mamaya pagkatapos mong basahin ito.

Ganun pa man, kahit na gaano ako kahilig sa pakikinig ay tamad ako noong matutong humawak ng kung ano mang instrumentong pang-musika. Sinikap ko nalang matuto dahil naiinggit ako sa utol kong si Pot kapag ipinagmamalaki ni erpats sa mga tropa niya ang angking galing ng nakababata kong kapatid. Elibs ang mga tomador sa utol kong noo'y nasa ika-anim na baytang ng elementarya kapag tumutugtog siya ng mga Pinoy folk songs sa tuwing may mga inuman sa amin.

Laban o Bayong: The Winner Takes It All

Re-post lang ito ng epxperience ko sa isang noontime show. Originally posted on October 17, 2009. 'Di ko kasi ma-edit kaya inulit ko nalang.

It's been two months since I arrived here in the Kingdom of Saudi Arabia, the land of limitless sand and overflowing black gold. This is one of the reasons why I wasn’t able to update my NoBenta Site. First time kong magtatrabaho sa ibang bansa kaya sabi ko sa sarili ko, music, movies, TV, and internet ang makakatulong sa paglaban ko sa “homesick”.

Buti naman at kumpleto dito sa company namin – may internet connection sa office kaya pwede akong makinig ng music, magbasa ng news, at maging updated online anytime.

Pag-uwi mo naman sa flat niyo, may nag-aantay na televison packed with one hundred plus channels. Yun nga lang, majority ng palabas ay Arabic. May mga English channels din naman sa nagpapalabas ng series at mga movies. May CNN, BBC, Bloomberg, at iba pang news channel. Pero siyempre, walang tatalo sa sa mga palabas na Pinoy!

Dito sa KSA, tuloy pa rin ang laban ng Kapuso at Kapamilya – it’s either TFC (The Filipino Channel) or Pinoy TV. Ang naka-install sa amin, Channel 7. Ang mga major programs dito ay "Darna", "Kaya Kong Abutin ang Langit", "Rosalinda", "Survivor" at ang dabarkads ng Eat Bulaga. When I say major, as in thrice a day ang pag-air nito! Potah, mabibilaukan ka na sa kakapanood ng paulit-ulit! Nakakasawa rin palang panoorin araw-araw yung "KSP" at "Pinoy Henyo".

I never liked telenovelas (except for the original Marimar, hehehe). Melodrama’s not my type. Aapihin yung bida. Yayaman siya. Maghihiganti. Tapos, happy ending na. Nakaka-stress yung puro iyakan at problema sa buhay!

Games shows? Lalo na! Buti nalang at hindi Wowoweee ang napapanood ko kasi ayoko rin si Willie! At least ang TVJ, part of my pop culture life kaya puwede na’ng pagtyagaan ang EB. For me, Joey De Leon is still the best.

Friday, May 14, 2010

Aerosmith Chick

 
Noong Dekada No Benta ay nagkaroon ako ng girlfriend na talaga namang pinagpantasyahan ng lahat ng kabataan. Sayang nga lang at 'di kami nagtagal dahil naging hectic siya sa kanyang celebrity life. Ang agreement namin noong una ay magkakaroon pa rin siya ng quality time sa akin para hindi makaapekto ang pagsikat niya sa aming relationship. Pero nabigo kaming i-save ang sinimulan namin nang sobra na siyang sumikat as "the Aerosmith Chick". Sino ba namang teenager at mga gurang ang hindi naglaway sa ex-gf kong si ALICIA SILVERSTONE? Mga ka-dekads, "a-lee-see-yah" ang tamang pag-pronounce sa name niya just in case na hindi mo lang alam.

Friday, May 7, 2010

Seattle's Best Love Story

Naaalala niyo pa ba ang palabas ng Shitty Siete na "T.G.I.S." noong Dekada No Benta? Well, suwerte mo ngayon dahil hindi ito tungkol sa tropa ni Dingdong Dantes noong ka-love team niya pa lang si Antoinette Taus. Layas ka na muna sa bahay ko kung nalalaglag ang panty mo sa host ng Family Feud.

Ang bida sa entry ko ngayon ay ang isa sa mga iniidolo kong si Cameron Crowe at ang masterpiece niya na talaga namang malapit sa puso kong metal. Para sa mga jejemons, c mR crOwE p0WH lng nmn aNG dIReC2R, wRITeR, aT ProdUcEr ng MGA M0vIEz 2Lad Ng ~ "Jerry Maguire", "Vanilla Sky", ahT "Almost Famous" na isa ko pang peyborit. Okay, hindi ko ito gagawin isang movie review dahil magiging biased ako kapag ganun ang tema.

SINGLES. Love is a game. Easy to start. Hard to finish.

Kaya mo bang mabuhay mag-isa? Madalas kong marinig kay Ms. San Juan na "Walang taong perpekto. In short, no man is an island" - pamatay na banat ng nakaaway kong teacher noong nasa highschool pa ako. Kahit na parang binaboy niya ang mga quotable quotes dati na ginawa rin ng Siete sa pambababoy sa lahat ng fairy tales sa lecheseryeng "The Last Prince", may point ang guro namin.

Saturday, May 1, 2010

This Sucks

"Isa kang Batang Nineties kung nalaman mong cool ang maging bobo nang makilala mo sina Beavis & Butthead."

Noong unang panahon ay naimbento ang teevee. At dahil sa lufet ng epekto ng tele-bisyo ay sumulpot sa MTV ang dalawang pinakabobong tao sa balat ng lupa. Sino ba naman ang Batang Nineties ang hindi makakakilala sa dalawang engot na ito? Malamang ay wala. Kung meron man, malamang ay Teletubbies at Barney the purple paksyet ang pinapanood nila noong panahon namin.

Unang ipinalabas ang BEAVIS AND BUTT-HEAD sa Liquid Television, isang show na nagpi-feature ng mga short animated films. Si MIKE JUDGE ang salarin sa cartoon na ito na humakot ng milyon-milyong cult following. Dahil dito ay naging regular show ito sa Music Television na nag-umpisa noong March 8, 1993.

Sa totoo lang, hindi ko napanood ang pilot episode nito. Medyo late na nang mapanood ko sila sa isang episode ng    "MTV's Headbanger's Ball". Ibinalita ni VJ Danny McGill na may lalabas na album entitled "The Beavis and Butt-Head Experience (November 3, 1993)" featuring rockstars like Nirvana, White Zombie, Megadeth, at Red Hot Chili Peppers na mga peyborits ko. Matapos ang announcement ay ipinakita ang "Frog Baseball" (September 22, 1992)", ang una sa magiging two hundred episodes na tatakbo ng seven seasons. Unang kita ko pa lang sa kanila ay alam kong magiging die-hard fan nila ako kasama ang mga utol kong sila Pot at Jeff, kaklase, barkada, at pati na ang ermats at erpats ko. Tuwing gabi, sama-sama kaming nanonood sa bahay para abangan ang "pinaka-cool" na duo sa teevee.