Wednesday, December 30, 2009

Smells Like Andrew's Spirit


Bago pa man ako biningi nila tropang Kurdt  ng Nirvana, pinangarap kong maging dancer. 'Yun nga lang, hindi umubra sa parehong kaliwa kong mga paa ang "running man" at "roger rabbit" moves na pinipilit kong matutunan. 

Nasa grade six ako noong mauso ang rap at sa pakikinig nalang dito ang pinampalit ko sa frustration kong humataw tulad ng UMD.

Isang araw noong 1990, lumabas ang Pinoy rap song na "Humanap Ka ng Panget". It was an instant success dahil nakuha nito ang atenso ng mga maawaing kababayan natin. Oo, naging controversial na ito sa airwaves bago pa man nakapagmura ang Eheads sa kanta nila. Ayun, phenomenal ang naging pagsikat dahil napag-usapan ng mga listeners ang pang-aapi sa mga katulad kong panget. 

Si ANDREW ESPIRITU, or better known as ANDREW E., ang tinuring na "King of Pinoy Dirty Raps" dahil sa mga double-entendre songs na para sa karamihan ay bastos. 

Kahit na 'di naman talaga bastos ang unang single niya, marami ang sumang-ayon na binastos ng kanta si Zorayda Sanchez na pinasikat ng "Goin' Bananas". Napanood ko pa noon sa Channel 2 'yung mga artistang na-interview tungkol sa kanta. May mga natawa. May natuwa. Pero maraming nagalit. Eh 'di naman daw pogi si Andrew E. para laitin si Zorayda.

'Di natapos doon ang kontrobesya dahil napanood ko sa "Martin After Dark" na sinasabing Tagalog version lang daw ng Cash Money's "Find an Ugly Woman" ang kanta ni Gamol. Ewan ko lang kung gaano yun katotoo. 

Ilang beses ko nang nasabi na bad publicity is always a good publicity. Mas maraming nakinig sa kanta. Ito pa nga ang naging daan para sumikat din si Michael Valencia. Yup, naging rapper din si Bitoy bago siya naging magaling na comedian. "Maganda ang Piliin" ang pinantapat niya sa panget. Hindi ko gusto si Michael V. noon. Kahit si Andrew, napanood ko sa "Sa Linggo nAPO Sila" na kumanta ng "...'sang panget na talagang 'di mo matanggap at huwag ang Michael V. na iyong pangarap...". Naisip nalang ni Bitoy na mag-career shift. 

'Yung next single ni Andrew E. ang masasabi kong simula ng Pinoy dirty rap. "Andrew Ford Medina", mas tinanggap ng mga tao dahil erotic ang lyrics. Medyo radio-friendly yung nasa edited version na pinapatugtog sa airwaves pero kapag narinig mo for the first time yung nasa album, pagpapawisan ka. Kung totoy ka pa lang filled with raging hormones noong mga panahong 'yun, maglalaro talaga ang isip mo kay Anna and her sister. Ano kaya ang itsura nila? Maganda kaya sila? Kasi sabi sa mga songhits, based daw ito sa true-to-life experience niya sa magkapatid. Ilang beses rin naming tinawagang magbabarkada ang telephone number na 801-6722 sa hope na baka si idol ang sumagot. Sigurado ako, naperwisyo yung may-ari niyon. 

Isa pa sa all-time favorite kong kanta ni Andrew E. ay yung "Binibini". Akala ko ay wholesome yun dati. Dun ko nga unang narinig ang Euphoria Disco at 7eleven eh. At talaga namang napakaganda ni Rita Avila. Kapag pinapakinggan ko ito ngayon, parang time capsule ang dating nito dahil dito mo malalaman na cool at konyotic ang brace sa ngipin noong sumikat ang kantang ito. Malinis talaga ang lyrics maliban sa pangalan ng girl na, "Bini B. Rocha". Wala pa ako sa kamunduhan kaya wala akong idea kung bakit nagagalit si ermats pag pinapatugtog ko sa karaoke machine namin yung cassette tape. 

Parang si Pacquiao (kahit wala naman talagang talent sa acting), nabigyan ng offer si Andrew E. na mag-artista. Akala ko, katapusan na ng karera niya iyon. Langya, 'di lang pala kuwela sa lyrics kundi mas kuwela at natural slapstik actor ang loko. Effortless. Naging paborito namin ng pinsan kong si Badds ang mga comedy films na based din sa mga kanta niya. "Humanap Ka ng Panget" din ang first movie niya. At isa sa mga bida dito ay si Zorayda bilang isang wealthy tycoon! Isama mo pa sila Jimmy Santos at Dennis Padilla...riot! 

Ilan pa sa mga napanood namin ay: "Andrew Ford Medina: Huwag Kang Gamol", "Alabang Girls", "Ang Boyfriend Kong Gamol", "Row 4: Ang Baliktorians", "Pinagbiyak na Bunga", "Megamol", "Bangers", at "Neber-2-Geder". Hindi naman obvious na fan ako 'di ba?

All in all, nakapaglabas siya ng more than 13 albums which are all certified platinum, at nakalabas din sa more than a dozen movies. These made him truly unique in our pop culture. 

Sa ngayon, founder siya ng Dongalo Wreckords na nagpo-produce at nagko-collaborate sa mga aspiring rappers and musicians. 

Kahit na mas lamang na sa dugo ko ngayon ang pagiging rakista, I still enjoy every new and old Andrew E. song. Bakit ba naman ako bibitiw sa isa sa mga roots ko na gumawa ng kantang "MAHIRAP MAGING POGI" para i-dedicate lang sa akin!





Wednesday, December 23, 2009

Raise the Roof

Photobucket
"One two three, asawa ni Marie, araw-gabi, walang panty!", sabay-sabay naming isinisigaw ng mga barkada ko noong mga dugyuting totoy pa kami sa lansangan. Tuwang-tuwa kaming pinang-aasar ito sa mga kalaro naming babae. 

Matapos ang ilang taon, nalinawagan ako sa pangaral ni Brod Pete. Akala ko kasi dati ay bastos ang ibig sabihin ng isinisigaw namin dahil sa panty. Wala naman pa lang masama doon. Eh talaga namang 'di magkakaroon ng panty ang asawa ni Marie dahil lalaki iyon! 

Dumating sa point na naging synonymous ang "Bubble Gang" sa "ANG DATING DOON". Mas naging sikat pa ito kaysa sa mismong show. Noong una kong napanood ang segment na ito bandang 1998, 'di ko ma-gets yung humor na gusto nilang iparating. Oo, nakakatawa si Isko Salvador. Mukha pa lang niya na nagmula pa sa "John En Marsha" ay hahalakhak ka na. Pero yung first time kong makita sila na ilang beses na binabasa paulit-ulit ang mga lines ng nursery rhyme na "Jack and Jill" kung saan pinagtatalunan nila kung hari ba si Jack dahil sa korona niya o dukha lang dahil umaakyat pa siya ng burol para kumuha ng tubig. Napilitan tuloy akong pindutin ang remote control para lumipat ng ibang channel. 

Nagalit ang utol kong si Pot dahil naputol yung pinapanood niya. Sabi niya mukha akong tanga dahil 'di ko daw ba alam ang "Itanong Mo Kay Soriano (Bibliya Ang Sasagot)" kung saan host din ang host ng "Ang Dating Daan". Mas na-curious tuloy ako kaya't pinanood ko ito isang hapon sa RPN9. Grabe, seryoso yung topic pero tawa ako ng tawa dahil naaalala ko sila Brod Pete, Cesar "Brother Willie" Cosme (na dati ring kasama ni Isko sa show nila Shirley Puruntong), at Chito "Brother Jocel" Francisco

Excited kong inabangan yung next episode nila kasi madalas itong mapagkuwentuhan sa inuman, sa breaktime, at habang nagyoyosi sa pavillion ng ust engineering building kapag vacant hours. 

Kapag narinig mo na ang Voltes V theme song na ginamit nila as opening (pati closing), simula na ng kalokohang may sense! 

"Alien!" at "Raise the Roof!" ang equivalent ng "Amen!" at "Praise the Lord!" na madalas na maririnig sa mga charismatic at religious groups. Ito rin lang naman ang ilan sa mga "overused expressions" ng late 90's. 

Ang highlight ng show ay may magtatanong kay Brod Pete. May ipapabasa siya kay Brother Willie na verse or lines from a nursery rhyme or folk song. Tapos ay bibigyan niya ng interpretation yun para sagutin yung itinanong. 

Girl: Brod Pete, meron po ba talagang 13th month? 
Brod Pete: Ah mayroon. Basahin natin ang nasusulat. Brother Willie, basa... 
Brother Willie: "Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto...Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre...LUBI-LUBI!" 
Brod Pete: O 'di ba? Ano yung pang thirteen? Alien?! 
Followers: Alien! 

Nunal pa lang ni Brod Pete at makapal na geeky glasses, maniniwala ka na sa sinasabi niya. May similarities yung serious looks niya kay Bro. Eli. 'Di tulad nila Brother Willie na sumikat sa wig at Brother Jocel na makikitang laging tulog sa lamesa at nagigising nalang pag nagpapaalam na sila. 

Sa kasikatan ng gag show segment, mas natuwa si Bro. Eli Soriano. Napanood ko dati sa isang interview at tinanong siya kung nagagalit daw ba siya sa spoof na ginagawa ng Bubble Gang. Ang sagot niya ay hindi dahil mas tumaas ang ratings ng show nila na dati ay mga followers niya lang ang nanonood. Nagkaroon pa nga ng instance na may "guest appearance" na si Brod Pete sa parang commercial nila kung saan nagtanong siya kay Bro. Eli. 

Sumikat ang trio. Kahit nga yung supplement ng Varsitarian (school paper ng uste) dati ay naging front page sila. They became a household name. 

Ang dami na tuloy nagiging topic ng debate kapag kaharap na ang sanmig light. Ang dami nang nagmamarunong sa mga lyrics ng kanta. Naisip kaya nila na wala namang puwedeng "masagasaan sa madilim na eskinita (Ang Huling El Bimbo, Eraserheads)"? Sa sobra kasing ganda ng kanta, hindi na natin napansin na gusto pala ni Ely na magpatawa. 

Nagsimula sa nursery rhymes, sumunod sa folk songs. Hanggang sa kung ano nalang ang maisip kahit na wala nang wit at sensibility. Sinabayan pa nila pag-release ng flop album na nagpasikat ng "Sundo't Hatid". Hayun, nawala ang charismatic presence nila sa ere after more than a year or so. 

Kung nabasa lang dati ni Brod Pete na "selling-out can become a pain in the ass", malamang ay sumisigaw pa rin siya ng "alien" at 'di na sana naging taga-basa nalang ng mga Bingo balls ni Kris Aquino! 





Thursday, December 17, 2009

videokeLLEd The Radio Star

Photobucket
Sa isang katulad ko, hindi puwedeng umikot ang mundo na walang musika dahil mabibingi ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa ingay.

Sa pagpunta ko dito sa Saudi, ang baon ko lang ay isang cp na may 2GB micro sd, enough to store about three hundred fifty mp3 files of my favorite songs. 'Di ko na nadala yung gitara kong tinitipa kapag nakikipag-jamming kanila Ely Buendia, Kurt Cobain, at Billy Corgan tuwing tumatambay sila sa bahay namin. 

Tatlong buwan pa lang ako dito sa Middle East ay unti-unti nang nawawala yung kalyo ko na pang-finger sa fret ng gitara. At naririnig ko rin sa banyo na mas nanawala na rin sa tono ang sintunado kong boses. 

Wala na kasing practice. 'Di tulad noong nasa Pinas pa ako, may malakas na sound system, may gitarang nakahain at bukod sa lahat ay may ever-reliable Promac VIDEOKE player na mambubulabog sa mga kapitbahay. 

Nagsimula sa Japanese words na KARA, meaning "empty", at OKEsutora or "orchestra". Tunog pa lang, iisipin mo nang sa bansa ni Takeshi nagmula ang nakaimbento nito. 

MALI ANG INIISIP MO! PINOY ANG NAKAIMBENTO NG PAMBANSANG PASTIME NG MGA SUNOG-BAGA DOON SA KANTO NIYO.

Konting entertainment history 101...pasalamatan natin ang mga sinaunang Japayuki's na nangibang-bansa noong late 60's. Dahil likas na "magulang" at matatalino tayong mga Pinoy, naisip ng mga kababayan natin na mag-record ng music sa cassette tape na walang kumakanta. Mas malaki kasi ang kikitain kung solo performer kaysa kakanta kasama ang isang kombo. Naging popular ito sa mga entertainers sa Japan at tinawag itong "minus one". 

Sa sobrang popularity ng abilidad natin, ginaya ng drummer na si Daisuke Inoue yung idea. Madalas kasi siyang sumaydlayn sa mga traditional happenings. Siya yung tutugtog tapos ung guests ang kakanta. Eh gusto rin niyang kumita kaya nag-record nalang siya at pinaupahan yung mga tapes at 100yens per song. Tinawag nila itong karaoke. 

Sa Pilipinas, nakapag-imbento si ROBERTO DEL ROSARIO noong 1975 ng sing-along system na tinawag rin niyang "Minus One". Later on, nakapagdevelop ng tapes na tinawag na "multiplex" kung saan pwede mong patugtugin nang may kumakanta at puwede ring wala. Konting adjustment lang sa treble, inuman na! 

Ang magaling sa kanya, he was able to patent it in the 80's. Naging widespread sa Pinas ang device niya. Nagkaroon lang ng problema nang mag-claim na ang Japan na sila ang nakaimbento nito. Ilang court battles din pero in the end, tayo pa rin ang nanalo in 1986. While making developments on his invention, nagkaroon ng industrial piracy sa ginagawa niya dahil sa Japan siya bumibili ng mga piyesa. Dinemanda niya ang company na gumagawa ng "Miyata" and it lasted from 1993 to 1996 pero all patents were in favour of Del Rosario. 

The rest, they say, is history. 

Tulad ng Nintendo Family Computer, sa mga kapitbahay kong may kamag-anak na Japayuki ang updated sa karaoke machines. Sangkatutak ang bala nila ng betamax at vhs player na ginagamit sa mga okasyon. Dito ko nga unang narinig yung Japanese version ng "Ikaw Pa Rin" na akala natin ay original ni Ted Ito. 

Nang nalaos ang mga cartridge na bala, lumabas ang napakalaking laser discs noong 90s. Kaso 'di ito masyadong nag-click kaya napalitan ng vcd format. Heto na yung time na humahaba na ang kantahan naming tropa dahil sa ispirito ni san miguel! 

Sa bahay madalas ang players pero may ibang establishments na ginamit ang videoke para makahakot ng customers. Isa na dito ang Max's Fried Chicken na mas naging sikat sa company at family gatherings dahil sa free ang service nila. Ang alam ko, isa ang biyenan kong si Engr. Ed Cepe (music freak din tulad ko) sa team nila ang nakapag-conceptualize ng ganung set-up. 

Mas nag-evolve ang karaoke to videoke nang lumabas na ang mga midi players na kayang magbasa ng 5kplus songs. Talagang halos mamatay ako sa inggit noong nakita ko sa People ng Channel 2 yung mapakagarang mansion ni April Boy na may malaking jologs videoke machine sa entertainment room. Wow, sa bahay niya lang ako nakakita ng gawang-Aranque na sikat sa termimal ng mga tricycle at mga beer gardens! Kay "Idol" lang talaga at that time dahil can't afford pa ang mga Pinoy sa 50k na system. 

Teka, kapag kinanta ba ng mismong singer yung orig song niya sa videoke ay 100 kaagad ang score? O na-try na kaya nilang subukan yung mga sarili nila? 

Pagpasok ng 2k, 'di ka na "in" kung wala kayong player na may songbook. 

At sa paglipas ng panahon ay naging self-proclaimed Video King ako kahit na 'di ko pa nakakanta ang ilang songs sa aking Top 5 Favorite Videoke Songs ng mga Pinoy

1. My Way 
2. Closer You and I 
3. I'll Always Love You 
4. Dancing Queen 
5. Hotel California 

Kahit na wala sa tono, pinipilit pa ring kumanta ng deadliest song ni Frank Sinatra. Ayun, napaaway dahil sa score -- patay!! May sumpa yata talaga ang classic song na ito eh. 

Urban legend man o coincidental, isa lang ang totoo... si Roberto Del Rosario lang ang makakapagsabi ng, "I did it my wee-e-ey (birit to the max)".





Thursday, December 10, 2009

Ang Masarap sa Itlog


"Isa kang Batang Nineties kung natatakot kang mamatay ang inaalagang tamagotchi."

who shines from the land of the rising sun
lookin' so pretty on the dancin' floor
i wanna be with you just a little more
turn it on like a flashlight
satisfy electric appetite
automatic lover you're my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control
wa-wa-wa wakari masen
i-i-i i'm in love again
talking to my baby on the LCD
she said I need a triple A battery
user-friendly interface getting wet
dirty little treasures of a pleasure pet
scream so guilty like a suicide
smile like a child taken for a ride

ERASERHEADS, "Tamagotchi Baby"


Sa tuwing nagbubukas ako ng notifications sa efbee, imposibleng wala akong makikitang request na may kinalaman sa Farmville. Kahit na may pagka-adik ako sa social networking, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam alagaan ang mga tanim doon sa apps na iyon. Kaya naman  ko nalang pinapansin ang mga pangungulit ng aking mga ka-tropa!

Noong na nagbitiw na ako ng trabaho sa dati kong pinapasukan at tumatambay nalang sa bahay bago lumipad papuntang Saudi, sinubukan kong magpaturo sa aking misis. Matapos ang ilang pindutan sessions, napansin ko na parang ito lang 'yung itlog ko na nilalaro dati pero mas hamak na hi-tech nga lang ang pagtatanim sa pc.

TAMAGOTCHI is a portmanteau of the Japanese word "tamago" meaning egg, and the English word "watch (as in timepiece)". Others say that it's also from the word "chi" which means "small".

Ang lufet talaga ng mga Ponjaps pagdating sa mga gadgets at technology. Kaya nga paborito kong panoorin sa channel 9 at 13 yung Tokyo video documentaries eh. Sino ba namang gifted child ang makakaisip na gumawa ng handheld digital pet?!

Si Aki Maita ang pinagmulan ng itlog at hindi si Adan. 'Yun nga lang, binenta niya ang kanyang ideya sa Bandai, isang nangunguna at sikat na pagawaan ng mga laruan sa Japan.

Una naming nahawakang magkakapatid ang aming mga itlog noong dumating ang lola at lola namin galing Hong Kong bandang 1997, pero ang gadget na ito ay unang lumabas sa market noong November 1996.

Hanggang ngayon, 'di ko pa rin maalala kung original Bandai o class A China-made lang 'yung natanggap namin noong Paskong iyon. Basta ang alam ko lang, simula nang binuksan namin ang power at inantay na mapisa 'yung itlog na nasa maliit na LCD monitor, nagbago na ang buhay namin!

Maliit lang yung unang lumabas na tamagotchi. Parang kasing laki ng pinakamurang itlog na binebenta sa manukan sa palengke. Low-tech nang masasabi ang mga sinaunang labas ng laruang ito kung ikukumpara sa mga laruan ngayon pero masasaki kong isa ito sa mga pinaka-cool na gadgets noong Dekada NoBenta.

Simple lang ang laro pero nakakaadik. Ang totoo, 'di ko nga itinuring na laro ito dahil nag-aalaga ka ng isang digital na hayop. May tatlong buttons ito na gagamitin mo para: magpakain, makipaglaro, i-discipline, i-check yung age at happiness, at bukod sa lahat ay ang maglinis ng kanilang mga tae.

Sabay-sabay napisa ang mga itlog naming magkakapatid kaya nagpapagalingan pa kami noon kung sino ang mas lalaki ng mabilis, masaya at mabait. Dumating sa puntong na nag-aasaran at nag-aaway na kami dahil dito.

Kahit sa iskul bukol, lahat ay meron nito. Hindi ka "in" kung wala kang pag-aari nito. Kung napupudpod ngayon ang daliri mo sa kakapindot sa cp, sa tamagotchi malamang ay nagkakalyo ka dati. Kung adik ka sa kakaisip sa mga comments sa newly-redesigned FS ngayon, malamang dati ay nakatitig ka maya't maya sa LCD ng mga golden eggs para makita kung nagkakalat na ang tae ng iyong alaga sa screen. Kung ngayon ay 'di ka mapakali pag may tunog kang naririnig dahil sa text messages, ganun din 'yung nararadaman ng mga bata dati kapag minumura na sila ng mga alaga nila dahil sa gutom!

Chocolate starfish na mga pets, napaka-demanding nila! Buti pa ang mga alaga naming sina Pootchie at Cindy, nagnanakaw ng pagkain sa mga tropa nilang aso kapag gutom na sila at wala pa kami sa bahay.

Nagsawa na rin ako sa itlog kaya sinubukan kong patayin at pahirapan ang aking alaga. Hindi ko pinapakain kahit nagwawala na siya. Ang nakapagtataka, tumatae pa rin siya kahit wala nang kinakain. Hindi ko nga nilinisan sa asar ko. Ilang araw kong ginawa 'yun para mamatay na siya pero walang epekto. Matapos ang ilang linggo, naiyak ako sa aking paggising. Wala na siya sa screen.

"Yahoo!! Patay na siya! Tagumpay ako!"

Sinuri kong muli. Paksyet, naubusan lang pala ng battery. Hindii ko nakita at nalaman kung paano sila mamatay.

Mahigit isang dekada na silang nanggugulo sa mga takdang-aralin ng mga kabataan sa Japan. Ang balita ko ay marami nang klase ito. May bluetooth na rin for social networking. Puwede nang magpakasal ang mga tamagotchi's at puwede na ring gumawa ng grupo o banda.

Ang dami ring lumabas na anime series, movies, at console games. Kahit nga ang mga banda tulad ng Eraserheads ay gumawa ng kanta tungkol sa kanila.

Astig talaga ang Dekada Nobenta. Sa panahong ito mo lang masasabing "Ang masarap sa itlog ay panoorin, pindutin, alagaan, at palakihin!".



Wednesday, December 2, 2009

Massacred Movies: God Saved the Industry

PhotobucketThanks to the perpetrators behind the Maguindanao killings, the Philippines is more dangerous to visit than Iraq. We are now top ranked in the list of terrorist countries of the world.

Yung ginamit kong passport papunta dito sa Saudi ay may nakalagay na "Not Valid for Travel to Iraq". Siguro sa ibang lahi, tinatatakan na rin ang passport nila na 'di puwedeng pumunta sa Pinas. Kahit naman sinong dayuhan, matatakot sa nangyari. Kung tayong mga tumanda na nga sa Pilipinas ay takot na, sila pa kaya?

Tinaob ng massacre sa Ampatuan ang lahat ng mga massacre na naganap noong Dekada No Benta. Kahit na sobrang dami ng karumaldumal na pangyayari ang naganap noon, natabunan ang lahat sa isang iglap.

Pero hindi pa rin natin dapat kalimutan ang nakaraan. Lalo na yung mga kasong wala pang kalinawan at sumisigaw pa rin hanggang ngayon ng hustisya.

Sa dami ng patayan noon, naisip tuloy ni komiks writer-turned-director Carlo J. Caparas na pagkakitaan ang sitwasyon. Gumawa sya ng mga true-to-life films based on the heinous crimes. Agad naman itong tinanggap ng masa dahil mga usisero at takot ang lahat sa mga recurring events at that time. In fact, nagustuhan ito ng mga crusaders against crime and violence dahil it promotes social awareness (daw).

'Di na ako nagtataka ngayon kung bakit maraming ayaw gawing "national artist" si direk. Aside from the rumors na 'di daw siya marunong mag-drawing, puro B-movies (with the longest title ever) ang majority ng mga films na nagawa nya. But we have to give credits to the man who started the "massacre movies" genre here in our country. Kundi rin dahil sa kanya, walang "pito-pito" at "krisploitation" films. Dahil gusto kaagad kumita, films during his days were done in more or less than seven days.

To make things even more exciting, he starred Kris Aquino in his films. Sino ba namang Pinoy ang 'di mae-excite na makita ang anak ng dating presidente na pinahihirapan, pinapatay, at ginagahasa? Nagsawa na kasi ang mga tao sa kakatiis sa mga comedy films nyang 'di naman nakakatawa. Siguro sa massacre, mas hahalakhak ka sa acting niya.


MYRNA DIONES: LORD HELP US

Kris played the role of Myrna, isa sa apat na ginahasa ng limang police officers sa Benguet. Siya yung nakaligtas sa kababuyan ng mga pulis.


VIZCONDE MASSACRE: GOD HELP US

The most sensational shocking event of the decade. During the 90's, the surname of the brutally murdered family became synonymous to the word massacre. Kris played the role of Carmela Vizconde.June 30, 1991. Kakapasok ko lang sa high school level. Nakakatakot para sa isang totoy tulad ko yung mabalitaan na may pinatay na pamilya - Estrellita, Carmela, at Ana Marie Jennifer sa bahay nila sa BF Homes Parañaque habang wala yung ama ng tahanan.The worst thing about it, sangkot si Hubert Webb at Antonio Lejano. Mga rich kids na anak ng famous politician / celebrities.Dito na nakilala si Kris as "Massacre Queen" at "Massacre King" naman si Caparas.


VIZCONDE MASSACRE 2: GOD HAVE MERCY ON US
Sequel ng masaker? May namatay pa ba ulit?! Lintik na title yan. BULLCRAP!! Kahit na si Vina Morales na yung gumanap na Carmela, the film is still crap.


HUMANDA KA, MAYOR! (BAHALA NA ANG DIYOS!)

Si Kris ulit playing the role of Eileen Sarmenta, a UPLB student who was allegedly raped and brutally murdered by then Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.Sino ba naman ang makakalimot sa mayor na parang naging inspiration ng drummer ng Hale pagdating sa hairstyle?Si mayor din yata ang naging inspiration ni Dong Abay para sa "Banal na Aso" eh. Mahilig kasi siya sa imahe ng Virgin Mary. Sa kanya rin ibinase yung isang mayor sa pelikula nila Goma at Carmina na "Wating".At sa kanya yung mga kotse na may plate number na "7". Suwerte daw sa kanya iyon.


THE ELSA CASTILLO STORY: ANG KATOTOHANAN

Sa popularity ni Kris, sumaydlayn siya kay Laurice Guillen. Dito natakot lahat ang kababaihan dahil sa "chop-chop lady".


LIPA ARANDIA MASSACRE: LORD, DELIVER US FROM EVIL / GOD SAVE THE BABIES!

Obviously, Caparas film ito. Title pa lang, alam mo na. Parang gumanti siya kay Kris, all-star cast ang pinalit niya sa "massacre queen". Si Ate Vi ang gumanap na nanay. Si Joel Torre ang asawa. At si John Regala ang kontrabida.Isa sa mga nakakaiyak na scene dito ay yung pauwi si Ronald Arandia, OFW galing Saudi. Nabasa niya sa diyaryo sa eroplano na pinatay ang asawa niya kasama ang mga anak na babae aged 6 and 8. John Regala is really one of the best villains!


THE CECILIA MASAGCA STORY: ANTIPOLO MASSACRE (JESUS SAVE US!)

Starring Dawn Zulueta and Cesar Montano. Natakot kaming mag-uutol at magpipinsan habang pinapanood namin sa original pirated vcd from Quiapo. Ang lufet ng acting ni Cesar. Pang killer talaga. Dito rin sumikat yung "possessed" jungle bolo na pinampatay sa mga biktima.


VICTIM NO. 1: DELIA MAGA (JESUS PRAY FOR US)

Siya yung kasama ni Flor Contemplacion na naging dahilan sa pagkabitay niya sa Singapore. Ayon sa movie, hindi si Flor ang pumatay kay Delia Maga.

Dumating ang panahon na wala nang masaker na pwedeng gawing pelikula si direk kaya mga masaker naman dati ang ginawan nya. Kasama dito ang "The Maggie dela Riva Story: God, Why Me?", "The Anabelle Huggins - Ruben Ablaza Tragedy (Mea Culpa)", at "The Lilian Velez Story (Till Death Do Us Part)".

Akala ko tapos na kaso humabol pa ang "Wilson Forronda: Leader, Kuratong Baleleng Solid Group".

Hay, don't get mixed up with the stars and the real characters of the movie / massacre. Sa sobrang dami nga, 'di ko na rin alam ang chronological order of events. Minsan napapaisip ako na baka kaya maraming patayan noon ay dahil naging trend ang massacre movies.

At para sa mga kagalang-galang na mga direktor, parang awa niyo na, READ FROM THE BIBLE COMMANDMENT NO. 2!!




SiKatsuPOST