"Isa kang Batang 90's kung nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa."
PUNK ZAPPA
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls
Matapos kong lumutang sa nakaka-hypnotize na “Minsan”, nakarinig ako ng isang nakakairitang boses. Mga sampung segundo lang naman pero parang bigla akong naasar. Pinindot ko ang rewind button ng aming karaoke machine at sabay tingin sa cassette sleeve ng "CiRcuS" (oo, medyo sinaunang jeJEm0n ang pagkalayout ng title ng album cover). Punk pala ha. Eh obvious naman na word play lang ito sa pangalan ni Frank Zappa. Hmmm, pareho pa kami ng hobbies ah. Humilata nalang ako ulit at itinuloy ang pakikinig sa malufet na second album ng Eraserheads.

