Ano ang naaalala mo sa Dekada NoBenta?
Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na binabalik-balikan ang mga masasaya, malulungkot, at malufet na mga pangyayaring nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy? Ang sumusunod na listahan (in no particular order) ay ilan lang sa mga nagawan ko na ng entry dito sa NoBenta.
Isa kang ganap na Batang Nineties kung:
1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanood ang "Montreal Screw Job" na nangyari sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.
2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.
3. alam mong si Dino Ignacio ang utak ng "Bert is Evil".
4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.
5. alam mo kung sino ang gamol na naghahanap ng panget.
6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa "Ang Dating Doon".
7. isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine.
8. nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi.
9. nakapanood ka ng kahit isa sa mga milyung-milyong massacre films ni Carlo J. Caparas.
10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.