"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang grupong nagpasikat kay Alicia Silverstone."
Kaninang umaga ay gumising akong may ngiti sa aking mga labi dahil napanaginipan ko kagabi ang konsyertong magaganap ngayong darating na May 8, 2013 sa Mall of Asia Arena. Matagal ko nang nakikita sa internet ang mga petisyong dalhin sa ating bansa ang tinaguriang "The Bad Boys From Boston" upang magtanghal. Salamat sa Pulp Live World, ang pangarap na mapanood sa Pinas ang AEROSMITH ay mabibigyan na ng katuparan!
Hindi katulad noong pinanood namin ni misis ang muntik nang hindi matuloy na konsyerto ng Smashing Pumpkins kung saan ay nasa upper box kami, sa harapan ako nakapwesto sa aking panaginip upang makipagrakrakan kila Steven Tyler. Kahit na sobrang mahal ng halaga upang makabili ng ticket para sa "Ultimate Aerosmith Experience VIP" ay hindi ko na ito inangal dahil ang grupong ito ay tinagurian ding "America's Greatest Rock and Roll Band" at "The Best-selling American Rock Band of All Time" na nakapagbenta ng 150 milyong pinagsasama-samang dami ng kopya ng kanilang mga albums. Oo, mahal ang kanilang talent fee para sa "The Global Warming World Tour"- Php2600, Php5700, Php12500, Php15500, at Php20000 lang naman.
Pagkatapos tumugtog ng Rivermaya bilang front act, ay umangat ang mga platforms ng bawat miyembro. Kitang-kita sa malaking screen ang kamay ng lidista nilang si Joe Perry na kakaskas na sa gitara. Bumilang sa pamamagitan ng drumsticks si Joey Kramer kasabay ng pagsambit ng "1...2...3..." at bigla nilang tinugtog ang alarm tone kong "In Bloom" ng Nirvana.
Epekto ito ng kasabikan.
Epekto ito ng kasabikan.