Thursday, July 29, 2010

Hadouken

Street Fighter Characters





Click niyo muna ang play button ng player bago basahin ang entry.

Ang inyong naririnig niyong maingay sa background ay mula sa first album ng The Youth na "Album na Walang Pamagat". Ito ay isang hidden track sa side B ng cassette tape kaya ang taytol nito malamang ay "Kantang Walang Pamagat". Kung pakikinggang mabuti, ang istoryang bunga ng malikot na pag-iisip ni Sir Robert Javier ay puwedeng bigyan ng pamagat na "Tindahan ng Patis ni Chun-Li".

Ganito kaadik sa STREET FIGHTER ang Dekada NoBenta. Ganito kami kaadik.

Monday, July 26, 2010

Isang Taon ng Dekada: Pa-Contest na 'Yan

 isang taon na mga ka-dekads!!


Akalain niyo 'yun, mag-iisang taon na pala ang tambayan ng mga Batang Nineties sa August 8!! Ang bilis ng panahon pero kahit gaano ito katulin ay 'di pa rin natin maiwasang balik-balikan ang nakaraan.

Para ipagdiwang at magbigay pasasalamat sa aking mga ka-dekads, inaanyayahan ko ang lahat nas umali sa aking munting TRIVIA CHALLENGE. Napakadali lang nitong pa-contest ko. Ayaw niyong maniwala? Heto, basahin mo ang mga napakasimpleng rules:

Saturday, July 24, 2010

Bakit Hate Ko si Bongiovi

 those were the bad ass hair days

Last week ay bumili ng bagong celphone ang kumpare ko dito sa Saudi at nagpatulong sa akin ng pagpapalgay ng mga mobile applications. Samahan ko na rin daw ng videos. At siyempre, hindi mawawala ang mga mp3s para puwedeng gawing walkaman ang gadget niya kapag walang magawa sa villa o sa trabaho.

P're, meron ka bang Duran Duran? Ah oo, meron ako ng "Greatest Hits" nila.

Meron ka rin bang Spandau Ballet? Meron din akong "The Best" nila. Paborito ko ang mga songs nilang "Gold" at "True".

Sabi ko na nga ba at ikaw ang dapat kong lapitan basta rock eh. Lagyan mo na rin ng BON JOVI.

Parang gumuho ang mundo ko sa pagiging rakista.  Oo nga pala, rocker ako kaya malamang ay paborito ko rin ang paboritong banda ng mga <insert your answer here> noong panahon ko!!

Sunday, July 18, 2010

Dekada, Pamilya, at ang OFW

ang aking mga inspirasyon sa pagiging OFW


DEKADA

Noong um-attend ako ng Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS, ay marami akong natutunan tulad ng tamang pag-iinvest ng pera, mga karapatan bilang manggawa sa ibang bansa, ang pagpili ng tamang sim card na may international roaming, ang pagbili ng medicine kits dahil bultuhan daw ang ibinibenta sa abroad, at ang pagpili ng tamang remittance centers. 

Pero higit sa lahat, ang tanging naging interesado ako ay nang tanungin kami ng isa sa mga lecturer ng “Kailan nga ba nagsimulang mangibang-bayan ang mga Pinoy?”. Sa totoo lang, napakahilig ko sa trivia pero hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na ito. Basta ang alam ko lang ay nag-aabroad ang mga noypi para makatikim ng greener pastures.

Sunday, July 11, 2010

Abangan Mo sa Right Corner Pocket, Sumakay Ka Pa


Last week ay napanood ko sa teevee at nabasa sa net ang balitang na nanalo si Francisco "Django" Bustamante sa WPA World 9-Ball Championship. "Sa wakas!", sa loob-loob ko dahil ilang decades na rin niyang pinaghirapang makuha ang title. At least ngayon, hindi na siya maaalala bilang second lagi kay Efren "Bata" Reyes.

Heto na naman si Ida, naririnig ko na naman ang kanyang pamosong linya...."Time space warp, ngayon din!".

Wednesday, July 7, 2010

Panic at the Disco




"Isa kang Batang Nineties kung nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco."

Noong minsang nakipagkuwentuhan ako kay pareng Wiki para sa entry na ito ay may nai-tsismis siya tungkol sa kanyang pinsang si WikiPilipinas. Pinagkakalat kasi ng kamag-anak niya ang rumors na ang kantang "Disconnection Notice" ng Pupil ay inspired ng OZONE DISCO TRAGEDY. Siyempre hindi ako kaagad sumang-ayon dahil baka matulad ako sa kalokohan ni Tito Sotto noong tinira niya ang "Alapaap" ng Eraserheads sa paniniwalang tungkol daw ito sa drugs.

Kaya dali-dali kong pinatugtog sa aking computer ang single at medyo kinilabutan ako sa aking narinig dahil ganito ang lyrics: "There is no escaping, there is no replacing all that you hold.....Turn off the lights now, turn off the lights now....Dressed so swell, they're dancing at the gates of hell 'cause there's nowhere to go...". Kapag pinapakinggan ko dati ito ay naiisip ko ang mga times na pinapadalahan kami ng notice ng Meralco na nagsasabing mapuputulan na kami bukas ng kuryente. Ngayong natutukan ko na ang lyrics habang nakikinig sa nakakahingal na tunog ng kanta ay parang gusto kong maniwala na may kaugnayan nga ito sa isa sa pinakamalaking trahedya na naganap sa disco.

Thursday, July 1, 2010

Thank God It's Gimik

heto yung madalas gawing cover ng mga notebooks ng kabataan noon


Naaalala niyo pa ba ang palabas ng Shitty Siete na "T.G.I.S." noong Dekada No Benta (taken from my entry "Seattle's Best Love Story")? Suwerte mo ngayon dahil nagkaroon na ako ng konting sipag para gumawa ng entry sa mga inaabangang palabas ng mga kabataan tuwing sabado noong panahon ko.

Noong nag-aaral pa ako ng college sa uste, mayroon akong classmate na ayaw sumama sa lakad ng tropa kapag hapon ng Sabado. Madalas niyang sabihin na may lakad sila o may pupuntahang importanteng bagay kaya hindi na namin sila pinipilit. Ang kaso minsan, nadulas ang kanyang dila at sinabi niyang "T.G.I.S. ngayon eh. Maganda na 'yung episode na ipapalabas mamaya.". Paksyet, ano daw?! Ang madalas ko dating marinig sa teacher kong si Ms. DueƱas noong highschool ay "T.G.I.F" o "Thank God It's Friday". Tinanong ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya at ang sinagot sa akin ay "Hindi mo alam ang Thank God It's Sabado, 'Yung palabas sa channel 7?".

Nakanamputs, parang kasalanan ko pang hindi ko alam na mayroong isang teevee series na nagpapauso ng acronym na hindi man lang ginawang "Saturday" ang "S" para magtunog konyotic!