"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang lahat ng mga kantang kabilang sa '90's Music Comes Alive' compilation album."
Hindi ito isang music review sa bagong labas na compilation album featuring Pinoy talents. Wala ring libreng mp3 download link na matatagpuan sa entry na ito. Kung ang dalawang nabanggit ko ang hanap mo, maaari mo nang pindutin ang ekis ng iyong browser.
Noong Dekada NoBenta ay inilabas ng Vicor Records ang "Mga Himig Natin: Pinoy Rock Revisited", isang compilation ng mga revivals ng mga klasik na awitin mula sa Dekada Setenta. Dito ipinamalas ng ilang mga banda noong Nineties ang kanilang talento upang tugtugin ang mga obra tulad ng "Usok", "Batugan", at "Tao". Tinanggap ito ng madlang bitin sa tunog na kinabibilangan ng mga tulad ni Ka Freddie.
Sa mga nilalang na hindi mabubuhay kung walang musika, may paniniwalang ang ganitong pangyayari ay nagaganap kada dalawampung taon.
Parang itinadhana tulad nina Julio at Julia, nakita ko sa isang record bar ang complilation album na "90'S MUSIC COMES ALIVE" noong nakaraang buwan bago ako bumalik dito sa China. Matapos ang dalawang dekada ay maririnig ng mga bata ng bagong milenyo ang ilan sa mga banyagang awitin na kinalakihan ng aking henerasyon.
Sinilip ko ang track list at ang mga artists. Hindi ko kilala ang ilan sa mga tumugtog; malamang ay mga bagong sibol. Nang makita ko ang mga kanta ay agad akong napangiti. Bigla kong naalala ang aming walang-pahingang mini-karaoke machine na ilang beses nagutom noon kaya ilang beses ding kinain ang aking mga priceless na cassette tapes. May naramdaman akong tumapik sa likod ko, si Ida. Tinitigan niya ako at walang kiyemeng nagwika ng "Time spacewarp, ngayon din!". Hindi ko na nagawang sumigaw ng "Babylos!" tulad ng ginagawa ni Shaider dahil agad na akong napabalik-tanaw.

#1 Unbelievable
Ito ay mula sa debut album na "Schubert Dip" ng EMF o "Epsom Mad Funkers" na lumabas noong 1991. Ang kanilang pangalan ay hango sa fan club ng grupong New Order ngunit may mga tsismis na ito ay may kahulugan ding "Electromotive Force" at "Ecstasy Mother Fuckers" na narinig nang paulit-ulit sa kantang "Head the Ball". Unang taon ng Dekada NoBenta ito lumabas kaya medyo may hangover pa ng tunog-Eighties. Marami ang hindi nakakaalam na may maririnig na "What the fuck was that?" sa chorus nito matapos banggitin ang "You're unbelievable!".Ang kantang ito naisama sa mga pelikulang "Space Jam (1996)", "Hoodwinked (2005)", at "Coyote Ugly (2000)" bilang soundtrack. Isa rin ito sa mga kantang ginawaan ng rendition ng "Alvin and the Chipmunks" para sa album nilang "The Chipmunks Rock the House (1991)". Tinutugtog namin ito noon ng banda kong Demo From Mars kapag wala ang bokalista namin. Ako lang naman ang malufet na kumakanta kapag binababoy namin ang kanta! Unbelievable!
#2 This Used to Be My Playground
Isang malufet na awit mula sa Queen of Pop, Madonna, na ginamit para sa pelikulang "A League of Their Own (1992)" na kanya ring pinagbibidahan. Maniwala man kayo o hindi, wala sa original soundtrack ang awiting ito dahil sa isyu sa licensing. Ganun pa man, ito ay naging isang worldwide hit na nag-number 1 sa US Billboard Hot 100 na tumagal ng isang linggo. Memorable ang kantang ito para sa aki dahil ginamit naming graduation song ito noong ako ay magtapos ng high school.
#3 Fake Plastic Trees
Third single mula sa pangalawang album ng Radiohead, "The Bends (1995)". Nakakalungkot ang tunog nito kahit na sinabi ni Thom Yorke na patawa lang daw ang lyrics na ginawa niya para rito. Sabi naman ng direktor ng music video, ang hidden meaning daw ng vid ay tungkol sa kamatayan at reincarnation - makukuha mo lang daw ito kung may kakaibang antas ng pag-iisip! Madalas naming ipatugtog ito ng mga barkada kong sina Michelle at Sabrina kapag kami ay nagjo-joyride. Kung mapapansin niyo, parang dito hinugot ng Coldplay ang kanilang istilo sa pagtugtog.#4 I Don't Wanna Wait
Ang kanta ni Paula Cole na mas kilala bilang opening theme ng teevee series na "Dawson's Creek". Sikat na sikat ang awiting ito lalo na sa mga tagasubaybay ng programa. 56 weeks lang naman itong namalagi sa US Billboard Hot 100. 'Yun nga lang, kailanman ay hindi ito nakapasok sa top ten.
#5 Linger
Isa sa mga paborito kong kanta mula sa debut album ng The Cranberries na "Everybody Else Is Doing It, So Why Can't We?". Sobrang cool at nakaka-relax ang pagkakagawa nito. Ayon kay Dolores, ito ay tungkol sa kanyang first kiss. Sa pelikulang "Click (2006)" ni Adam Sandler, ito naman ang background na narinig nila ng kanyang asawa noong sila ay unang maghalikan.
#6 Twisted
Nahilig din ako sa mga R&B noong ako ay nasa kolehiyo na at ang awiting ito na mula sa self-title debut ni Keith Sweat ay ang isa sa aking mga paborito. Natatandaan kong bumili pa ako sa Recto ng pirated CD kung saan kasama ang hit song na ito. Masarap siyang pakinggan lalo na kapag mga lasing na kayo o kaya naman ay nasa loob ng kotse habang binabaybay ang trapik ng EDSA.

#7 Creep
Pangalawang kanta ng Radiohead na nakasama sa tracklist ng "90's Music Comes Alive". Noong una kong marinig ang malufet na gawa na ito mula sa debut album na "Pablo Honey (1993)", nainggit ako sa talento ni Thom Yorke at ng kanyang grupo. Ang lufet kasi ng potang kanta. Bukod sa gitara, ang lyrics nito ay sumapol sa mga tulad kong pangit na hindi makahanap ng ka-date. May radio version ito dahil sa lyrics na "You're so fucking special...." na ginawang "You're so very special....". 'Yung edited ang pinapatugtog noon sa NU107.5 kaya mas gusto ko ang ginagawa ng LA105.9 na original ang pinaparinig sa mga metal. Ginawaan ito ng spoof ng Parokya ni Edgar, ang kantang "Trip (Ang Siopao na Special)" ay pumatok din noong Nineties.

#8 Power of Two
Ang awiting madalas kong marinig sa mga kasalan. May bersyon din nito si Aiza Seguerra na mas gusto ko kaysa sa gawa ni Nyoy Volante. Ang orihinal nito ay mula sa "Swamp Ophelia", ang ikalimang studio album ng Indigo Girls.
#9 Change the World
Kung napanood mo ang pelikulang "Phenomenon (1996)", malamang ay alam mo ang awiting ito na kinanta ni maestro Eric Clapton kasama si Babyface. Kinakanta ko ito sa videoke pero madalas lang akong nagiging TH. Gusto ko ring matutunan ang pagtipa nito sa gitara pero hindi ko magawa dahil alam naman natin kung gaano kahirap ang mga piyesa kapag ito ay galing sa alamt na si Clapton.
#10 Stay (I Missed You)
Hindi ito ang pinasikat na kanta ng Cueshet. Kasama nitong sumikat ang "My Sharona" dahil sa pelikulang "Reality Bites" na pinagbibidahan ng ex-gf kong si Winona Ryder at ng kamukha kong si Ethan Hawk (ang pangit ko talaga, 'di nga). Ito ay nagmula rin sa debut album na "Tails" ni Lisa Loeb. Noong panahon ng gitara, isa ito sa mga piyesang gustung-gustong matutunan ng mga kabataan. Sa mga hindi nakakaalam, ang lyrics nitong "You say I only hear what I want to / You say I talk so all the time" ay ginamit ni Bamboo sa awitin niyang "Much Has Been Said".
#11 No Rain
Ang isa sa mga malufet na awiting iniwan ng namayapang si Shannon Hoon ng grupong Blind Melon. Ito ang unang single mula sa kanilang 1992 self-titled debut album na mas nakilala dahil sa music video nito na may "Bee Girl".
#12 Someday
Isa pang kantang madalas kong kantahin sa videoke. Dito, medyo kaya ko na at konti lang ang pagiging TH. Ito ay mula sa album na "14:59" ng Sugar Ray. Natatandaan kong ginamit ng San Miguel ang kantang ito para sa isa nilang commercial ngunit Tagalog ang lyrics. "Traffic, too bad nakaka-badtrip...".

#13 Torn
Akala ng marami ay si Natalie Imbruglia ang orihinal na gumawa ng awiting ito. Ang totoo, ito ay isang cover song niya na galing sa 1995 self-titled debut album ng grupong Ednaswap. Maganda ang pagkakayari niya kaya naman ito ay nagustuhan ng masa. Noong nag-aaral pa ako sa uste, isa ito sa mga kantang tinutugtog namin ng mga klasmeyt ko.

#14 Mambo No. 5
Tulad ng "Torn", ang kantang ito ni Lou Bega na mula sa 1999 debut album na "A Little Bit of Mambo" ay hindi orihinal. Ito ay isang jive dance song na ginawa PĂ©rez Prado noong 1949. Taena, halos lahat ng children's party na napuntahan ko noong kasikatan nito ay paulit-ulit mo itong maririnig. Sa teevee at radyo ganun din. Akala ko nga ay magiging katulad ito ng "Macarena".
Kapag nakikinig ako ng revival songs, ang una kong inaalam ay kung paano ito ginawaan ng rendition. Kung pareho lang naman ang pagkakaawit at pagkakatugtog, bakit kailangan mo pa itong pakinggan? Noong lumabas ang "Ultraelectromagneticjam", isang tribute album para sa Eraserheads, nagustuhan ito ng masa dahil sabik ang lahat na marinig muli ang kanilang mga hit singles na tinutugtog ng ibang grupo. Nagustuhan ko rin ito pero habang tumatagal ay 'yung orig pa rin ang aking mas pinapakinggan.
May mga bagay na hindi dapat pinapakialamanan. Kung gusto mo mang gawin ito, siguraduhin mong mas maganda pa sa orihinal ang kalalabasan dahil magmumukha ka lang tae kapag hindi mo ito nagawa.

I Don't Wanna Wait, power of two at torn. hayys. :D saraps pakinggan :p
ReplyDelete