"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang alamat na si Karl Roy."
Ang pangalang KARL ROY ay kasingkahulugan na ng salitang ALAMAT sa industriya ng musikang Pinoy. Sa loob ng halos tatlong dekada, ipinakita niya ang kanyang husay sa paggawa ng mga kanta at pag-awit. Itinuturing na isa sa mga haligi ng Pinoy Rock.
Sa mga bata ng bagong milenyo, kilala siya bilang bokalista ng bandang Kapatid na nabuo noong 2003. Kasama niya sa bigating orihinal na line-up sila Chico Molina (lead guitars), Ira Cruz (rhythm guitars), Nathan Azarcon (bass), at J-Hoon Balbuena (drums). Nagkapaglabas sila ng mga albums tulad ng "Kapatid (2003)", "Luha (2006)", at "Kapatid EP (2009)". Nakilala ang grupo sa mga pumatok na awitin tulad ng "Prayer", "Doon", ang revival na "Pagbabalik ng Kwago" at ang instant klasik na "Luha".
Para sa mga Batang Nineties na tulad ko, mas kilala siya bilang frontman ng grupong at P.O.T. at ng Advent Call.
Nagsimula bilang isang cover band, ang Advent Call ay isa sa mga namayagpag na grupo ng musikero noong mga unang kalahati ng Dekada NoBenta. Una ko silang narinig sa namayapang LA105.9 sa pamamagitan ng kanilang awiting "Puting Ilaw" na noon ay pasok sa lingguhang "Alternative Filipino Countdown" at madalas ding mapatugtog sa "Alternative Filipino Hour". Taena, ang lufet ng pagkakasulat at pagkakatugtog. Sapul na sapul ang sambayanan sa katanungang "Ano ang tunay na kulay ng salamin?". Sabi ko sa sarili ko, parang nakatagpo na si John Lennon ng katapat sa kanyang awitin na "Imagine". Noong panahon ng gitara, ito ang isa sa mga madalas naming kantahin ng mga tropa ko sa tuwing nag-iinuman session kami (ng patago) sa suki naming tindahang nagbebenta ng alak sa mga menor de edad.
Puting Ilaw
Saan ang pangakong kaligayahan?
Aling daan tungo sa paraiso?
Pag-ibig natin, iisang damdamin
Maraming ilaw, nakakasilaw
Ang kulay mo, 'yan ba ang tunay?
Maraming sulok, natatago ng lagim
Ang isip natin minsa'y nagdidilim
Saan ang langit, kaibigan?
Hindi makita ng katauhan
Puti ang ilaw, mga silab ng araw
Ano ang tunay na kulay ng salamin?
Saan ang langit, kaibigan?
Saan ang pangakong kaligayahan?
Aling daan tungo sa paraiso?
Pag-ibig natin iisang damdamin
Noong hindi ako nakasama concert gig ng Metallica, nainggit ako sa kuwento ng pinsang kong si Badds pagkauwi nila. Advent Call ang nag-front act at sobrang galing daw ni Karl Roy lalo na nang i-cover nila ang "Unbelievable" ng EMF. Paksyet na malagket, na-miss ko ang kalahati ng buhay ko!
Marami naman ang nagtaka dahil sa gitna ng kasikatan ng grupo ay biglang umayaw ang bokalista nito. May mga paniniwalang ito raw ay dala ng musical differences sa pagitan ng mga miyembro. Nais ni Karl na subukan ang bagong tunod at iwan na ang noo'y "old school rock".
Nagulat naman ang lahat nang bumalik si Karl Roy sa eksena kasama ang grupong P.O.T. noong 1995. Panibagong tunog ang ipinarinig nila sa masa - kombinasyon ng soul, funk, at acid jazz. 1997 ay inilabas ang kanilang self-titled debut kung saan nagmula ang Advisor original na "Yugyugan Na". Kasama rin sa album ang mga paborito kong "Fishcake", "Ulitin",at "Piece of This". Hindi na nasundan ang kanilang obra dahil nagkalasan din ang mga miyembro nito upang magpursigi sa kani-kanilang karera.
2007, habang dala-dala ang isang kahon ng beer sa labas ng kanilang bahay ay inatake siya ng stroke. Ito ang naging dahilan upang maparalisa ang kanang bahagi ng kanyang katawan. Upang makatulong sa pagpapagamot, isang benefit concert ang ginanap noong March 28, 2008 at pinamagatan itong "Wish You Were Here". Kasama sa linya ng mga grupong tumugtog ang Sandwich, Peryodiko, Razorback, Sugarfree, Itchyworms, Kjwan, at marami pang iba. Isa itong patunay na marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Kanina pagkagaling ko sa trabaho ay nabalitaan ko sa FB wall ni Sir Renmin Nadela na pumanaw na ang nag-iisang Karl Roy. Nabasa ko naman kay Sir Robert Javier ang mensahe ni Kathryn Roy, ang kapatid ng namayapa:
It is with deepest sadness that I share the news of Karl's passing. He was called Home today at 1:01 a.m. Manila time (Tuesday, March 13th), surrounded by those who loved him most - mommy, Keith, Kevin, Krys, his daughter Arianna, and our cousin Jack (Roy-Duavit).Nalagasan na naman tayo ng isang musikerong punung-puno ng talento pero hindi bale dahil sigurado akong nagrarakrakan na sila sa langit! Nahanap na niya ang paraiso.
Please continue to pray for Karl. He brought so much joy to others but, unfortunately, did not have enough of it in this life. He's in a better place now, with Lolo Pepe, Lola Conching and Daddy.
Thank you for your kind words and your prayers.
God bless!
Kathryn
Salamat Kapatid na Karl sa iyong kontribusyon sa buhay ko bilang musikero at bilang isang tagahanga.
Hindi ka kailanman makakalimutan ng ganun-ganun nalang. Sabi nga ni Sir Cabring, "'DI NAGLALAHO ANG MGA IMORTAL!".
di ko sya knows pero madaming nalungkot sa kawalan nia. :(
ReplyDeleteNalungkot ako :( Karl Roy :( Na-miss ko ang AdventCall.
ReplyDeleteRest in Peace Kapatid.
ReplyDelete