Wednesday, December 28, 2011

Sampu't Sari: Japs Sergio ng Rivermaya

"I'm an ear based musician.. whatever the hell that means.."

Noong Dekada NoBenta, ang Pilipinas ay biniyayaan ni Bro ng mga talentadong musikero.

Nang pumutok ang Grunge sa bansa ni Uncle Sam ay sumabay si Juan Dela Cruz at pinasabog naman ang “Pinoy Rock Movement” kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong sibol na maiparinig ang kanilang himig sa madla na noo’y ang alam lang ay mga labsung.

Mula sa mga punkista, mga death metal bands, hanggang sa pop rock, at alternative, namukadkad ang mga istasyon ng radyo sa mga kombo-kombo. Ang dami-dami-dami-dami nila pero ilan lang ang nakilala at tinanggap ng mga tagapakinig. Ang iba ay naghari sa "underground scene" na may mga piling tagasubaybay habang ang iba naman ay pumatok sa masa na parang pang box-office hits.

Friday, December 16, 2011

Sampu't Sari: Wolf Gemora ng Wolfgang

"You can hit things and not get arrested." 

Kung tatanungin ako sa kung sinu-sinong mga banda noong Dekada NoBenta ang nakaapekto sa panlasa ko pagdating sa musika, hindi-hinding mawawala sa listahan ang WOLFGANG. 

Sino ba namang Batang Nineties ang hindi nakakikilala sa quartet nila Basti Artadi (vocals), Mon Legaspi (bass), Manuel Legarda (guitars), at Wolf Gemora (drums)? 

Sa sobrang kasikatan nila noong kapanahunan ko, kahit na isang kolokoy na pasayaw-sayaw lang ng "Macarena" o isang nakiki-mmmbop sa Hanson noon, imposibleng hindi narinig ng mga binging tenga nila ang mga kanta ng tropang lobo. Tae lang ang hindi nakakaalam.