"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang signature song ng RATM."
Noong aking kabataan, pinangarap kong maging isang aktibista dahil gusto kong iparating sa mga kinauukulan ang mga hinaing ko sa gobyerno bilang isang mamamayan ng bansang Pinas. Sa loob-loob ko, handa akong sumama sa mga kilos-protesta sa labas ng Palasyo ng MalacaƱan. Isisigaw ko ng todo ang boses ng pakikibaka. Itataas ko ang mga karatulang naglalaman ng mga mensahe ng sambayanan. Kakayanin ko ang pagbomba ng mga bombero. Kahit pa mga nalusaw na tae mula sa septic tank ang ibuga ng kanilang mga hose ay sasagupain ko ito ng walang pag-aalinlangan.
Karaniwan sa mga agresibong Juan Dela Cruz, na sabihin nating mga bespren ng administrasyon, ay ganito ang pamamaraan upang mapansin ng mga nakapuwesto.
Ang iba naman, idinadaan sa rakrakan. Gumagamit ng mikropono. Mga instrumentong pang-musika.
Dito nakilala ang grupong RAGE AGAINST THE MACHINE na kinabibilangan nila Zack de la Rocha (vocalist), Tim Commerford (bassist and backing vocalist), Tom Morello (guitarist), at Brad Wilk (drummer).

