Isa sa mga mahirap makalimutan sa pagiging bata ay ang mga simpleng jokes na kahit na sobrang corny ay nakapagbigay-saya sa atin. Kung sabagay, mababaw lang naman talaga ang kaligayahan ko noon. Kahit na hanggang ngayong malaki na ako, wala nang mas bababaw pa sa ikasasaya ko. Este, matanda na pala dahil hindi naman na ako lumaki at tumangkad. Mais na naman ang intro.
Ako: 'Tol, may tanong ako sa'yo. Dapat masagot mo ha.
Utol Ko: Ano 'yun?
Ako: Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si Giripit kaysa kay Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?
Mukhang napaisip si utol sa malufet kung puzzle.
