Charlene Gonzales, "Best National Costume"
Isa sa mga katangi-tanging ugali nating mga Pinoy ay ang pagiging mabusisi pagdating sa kagandahan. Madalas nating husgahan kaagad ang ibang tao sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang itsura. Kapag ipinanganak kang maganda o guwapo, madali kang makakahanap ng trabaho dahil pasado ka kaagad sa qualification na "
with pleasing personality". Social injustice ang tawag dito - paano naman kaming mga pangit na may laman ang utak?
Kada taon ay inaabangan ng buong mundo (at pupusta akong nangunguna tayong mga Pilipino) ang MISS UNIVERSE pageant na nilalahukan ng naggagandahang mga dilag mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Gusto nating malaman kung sino ang "fairest of them all".