Friday, August 24, 2012

The Impossible is Possible Tonight

PHOTO 21 (Large)

"Isa kang Batang 90's na diehard fan kung nakipagrakrakan ka sa konsiyerto ng Smashing Pumpkins sa Araneta."

Pagpasok namin sa loob ng Big Dome ay nag-flashback sa akin ang mga alaala noong nawasak ang Araneta sa pagpunta ng Beastie Boys, Foo Fighters, at Sonic Youth sa Pinas. Malamang, halos lahat ng mga nandoon para mapanood ang THE SMASHING PUMPKINS ay ang mga kaedaran ko ring nakapanood ng 1996 "MTV Alternative Nation Tour".

Maraming mga pamilyar na mukha akong nakita. Karamihan sa kanila ay mga miyembro ng mga kombo-kombo noong panahon namin. Hindi ko lang maalala kung saang gig namin sila nakasabay. Naghahanap ako ng mga kakilala kaso ay wala akong natanaw; siguro ay mga big time na sila at may pambili na ng mga VIP tickets 'di tulad noon na pang "general admission" lang.

Kung dati ay mga dugyot kami kapag may konsiyerto, ibahin mo ang mga nakita ko noong gabi. Lamang pa rin ang naka-kulay itim na t-shirt pero hindi na kami mukhang mababaho. May mga nakita pa nga akong mga naka-barong na malamang ay galing pa ng opisina.

Wednesday, August 22, 2012

Today is the Greatest



"Isa kang Batang 90's na diehard fan kung sinagupa mo ang bagsik ng Habagat para lang mapanood ang konsiyerto ng The Smashing Pumpkins sa Araneta."

Habang hinihintay ang aking maleta sa baggage carousel ng unti-unting nabubulok na NAIA 1 ay may nakita akong dalawang long-haired na puti. May dala silang mga kahong lalagyan ng kung anong instrumentong pangmusika kaya sa tingin ko ay mga rakista silang miyembro ng isang kombo-kombo. August 5 ako dumating mula China kaya bigla akong napaisip na baka kako nakasabay ko sa paliparan ang grupong yayanig sa Araneta, ang THE SMASHING PUMPKINS.

Sunday, August 5, 2012

Ako si Green Two

"Isa kang Batang Nineties kung pinangarap mong maging miyembro ng Bioman."

Noong unang panahon, ako ay napadpad sa kaharian ng National Bookstore baon ang misyong makabili ng mga gagamitin ko sa isang proyekto para sa HeKaSi. Sa paghahanap ng mga mukha ng mga naging presidente ng Pilipinas ay napadpad ako sa lugar kung saan makikita ang mga post cards ng zodiac signs. Noon ko lang nalaman na lahat pala ng mga "cancer" na tulad ko ay ipinanganak na matatalino at gwapings. Matagal ko nang nararamdaman iyon kaya hindi ko masyadong pinansin. Ang natapukaw ng aking atensyon ay ang lucky number na "two" at lucky color na "green" - isa itong signos.

Hindi natupad ang pangarap kong ipatawag ng Galactic Union Patrol upang gawing isang pulis pangkalawakang may sidekick na laging nabobosohan, pero ang lucky color at lucky number ng aking astrological sign ay maaaring palatandaan na ako ay isang bloodline ng isa sa limang nilalang na nabudburan ng "Bio Particles" mula sa Bio Robo limang dantaon na ang nakakaraan.