Friday, December 31, 2010

Makulay na Buhay

ang iconic photo ni Macaulay para sa pelikulang Home Alone

Isa sa mga paborito at pinakaaabangan kong ginagawa namin tuwing Christmas Eve noong bata pa ako ay ang pagpunta sa bahay ng Tita Nelia ko sa Antipolo upang daluhan ang Family Reunion sa side nila ermats. Bukod sa masaya ang taunang pagsasama-sama ng malaki naming angkan, inaabangan naming magpipinsan ang bigayan ng mga regalo at mga perang nakasobre!

Kapag natapos na ang "mini-Christmas program" at Noche Buena, kanya-kanyang hawak na ng bote ang mga barako habang nag-aagawan sa mic para makakanta sa videoke (hindi pa ako tomador noong mga panahong 'yun kaya hindi pa ako kasali sa session nila erpats). Kami namang mga bata ay nagtutumpok-tumpok sa sala para manood ng pelikulang pambata. Ilang taon din naming naulit at hindi pinagsawaan ang musical na "Annie". Napalitan lamang ito nang magkaroon na kami ng VHS copy ng "HOME ALONE".

Tuesday, December 21, 2010

Regalo ni Kris


galing DITO ang malufet na pektyur

Pangalawang bansa na ang China sa napuntuhan ko para magtrabaho abroad. Pangalawang taon na rin akong magpa-Pasko sa bansang wala namang Christmas. Walang Simbang Gabi. Walang Noche Buena.

Walang EXCHANGE GIFTS.

MONITO MONITA para sa mga medyo jologs, SECRET SANTA naman para sa mga medyo sosi, at KRIS KRINGLE naman ang term na ginagamit ng karamihang average people. Akala ko dati ay kay queen of puta-kowts, Kris Aquino, ipinangalan ang pausong kailangang magbigay ng kung anu-anong paksyet na regalo tuwing papalapit na ang Pasko. Hindi niyo ako masisi kung bakit ganun ang naisip ko dahil wala namang ibang Kris noong Dekada NoBenta kundi siya lang. Ngayong matanda na ako, alam ko na ito'y hango sa German Cut word na "Das Christkind" meaning "The Christ-child" o traditional gift-bringer.

Wednesday, December 15, 2010

Absence of Evidence, Evidence of Absence



Kung may (Kurt) Cobain ang tugtugan scene noong Dekada NoBenta, meron namang Vizconde ang mga naganap na massacres sa Pilipinas. Taena, ‘di ko alam kung nako-connect ang comparison pero alam kong ganun katunog ang apelyido ng huli noong kapanahunan namin. Kung nabanggit ko sa nakaraan kong entry na synonymous ang Bobbit sa “putol-etits”, naging synonymous naman ang Vizconde sa rape at massacre.

Monday, December 6, 2010

Naputol na Kaligayahan


Noong ako ay bata pa, inutusan akong bumili ni ermats ng toothpaste kina T'ya Uling na may may-ari ng isang mabentang sari-sari store sa lugar namin. "Pabili nga po ng Colgate, 'yung Pepsodent ang tatak...". 

Sa ating mga Pinoy, kapag sinabing Xerox, photocopier machine ang ibig sabihin. Kapag Mongol naman ang hiningi sa'yo ng anak mo para sa eskuwelahan, alam mo na ang ibig niyang sabihin. Hindi tayo makapagluto ng pagkain kapag walang Shellane o Gasul sa bahay. Hindi naman alam ng karamihan na ang Frigidaire ay isang brand ng refrigerator. Katulad na rin ng mga brand names na Styropor at Styrofoam, ang daming nagtatalo kung ano ang dapat o tamang gamitin sa pakikipag-usap.

Sa bansa ni Uncle Sam, ang term na "imeldific" ay tumutukoy sa mga taong mahihilig sa sapatos tulad ni Imelda Marcos. Ang "glorification" noong panahon ni Gloria Arroyo ay tumutukoy sa mga taong ayaw bumaba sa puwesto kahit na ayaw na ng kanyang nasasakupan. Sa blogosphere naman, kapag pangalan ko na ang nabasa mo (ehem), siyempre ang maiisip ay ang Dekada NoBenta!

Eh kung banggitin ko sa'yo ngayon ang term na "BOBBITTISED PUNISHMENT", sino ang maiisip mo?