"An ye harm none, do as ye will."
Naitala na sa kasaysayan bilang kauna-unahang Pinoy MasterChef, nakilala si JR Royol sa reality cooking show ng Dos bilang "Rakistang Kusinero ng Benguet".
Siya ang nag-iisang lalaking nakapasok sa Final Four ng MasterChef Pinoy Edition at tumalo sa mga katunggaling sila Carla Mercaida (ikalawang karangalan), Ivory Yat (ikatlong karangalan), at Myra Santos (ikaapat karangalan). Sa "The Live Cook-Off" na ginanap noong nakaraang Pebrero 9, 2013 sa SM Noth EDSA SkyDome, inihain niya ang kanyang magiging signature dish na tinawag niyang "Bigorot" na portmanteau ng mga salitang "Bikolano" at "Igorot" na mga pinaggalingang lahi ng kanyang ama at ina.