Showing posts with label dj. Show all posts
Showing posts with label dj. Show all posts

Wednesday, April 11, 2012

Sampu't Sari: Ramon "The Doctor" Zialcita ng LA105.9


"Each day, you wake up and get out of bed knowing that there is shit waiting for you outside.

Each day is a struggle, a battle and you must prepare for these battles, prepare for these wars. You have to be prepared.That is where the spirit of Pinoy Rock comes in.

It is for everybody, both men and women, who have the fighting spirit.You either fight to win or your throw up your hands and admit that you are fucked! In the end, it's all about delivering God's justice!"


Noong Dekada NoBenta, ang radyo ay biniyayaan ng sangkatutak na mga istasyong nakikiuso at nakikisabay sa pagsikat ng Pinoy Alternative Music. Hindi makakaila na dahil sa dami nila, marami rin ang hindi totoo - may mga pa-konyo, may mga pasikat, at may mga posero. Lahat ng mga peke ay nakikisabay lang sa daloy para sa "payola" o ang pagpapatugtog ng musika kapalit ng pera.

Ang totoo, ang isa sa mga nagpasimula ng "Pinoy music revolution" noong Nineties ay ang alamat na LA105.9 sa ilalim ng Bright Star Broadcasting Network Corporation. Naitatag noong 1992, nagpalit ito ng format mula "world music" papuntang "rock" mga huling buwan ng 1993. Simula noon ay kinilala sila bilang "Manila's Rock Authority" na naging tagapagtaguyod ng Pinoy Rock sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapatugtog ng mga awitin mula sa mga nagsisimulang kombo. Walang salaping hinihintay na kapalit.