Laman ngayon ng mga balita ang patuloy na paghahanap sa eroplanong misteryosong nawala nang maglakbay ito noong March 8, 2014 mula Malaysia papunta sanang Beijing. Hanggang sa ngayon habang isinusulat ko ito ay hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang Boeing 777-200ER ng Malaysia Airlines, Flight MH370, na may lulang 239 katao.
Habang pinapanood ko sa teevee ang mga ulat tungkol sa MH370 ay hindi ko maiwasang maalala ang trahedyang naganap sa Pinas dalawang taon bago matapos ang Dekada NoBenta. Nang sumalpok ang eroplano ng Cebu Pacific sa Mt. Sumagaya noong February 2, 1998, itinuring ito bilang “pinakamalalang trahedyang panghimpapawid sa kasaysayan ng Pilipinas”. Walang nakaligtas sa 99 na pasahero at 5 tripulante ng Flight 387.