"Isa kang Batang Nineties kung isa ka sa mga unang nakagamit ng mga kung anu-anong social media sa internet."
Kapag nagbukas ka ng efbee ay tatambak sa harapan mo ang 'di-mabilang na mga litrato ng iyong mga kaibigan at kaaway. Kahit na naaalibadbaran ka nang makita ang sangkatutak na mga larawang kinunan nila bago kumain o pagpapakuha sa isang magarang kotse na hindi naman sa kanila ay wala kang magagawa. Wala ka mang pakialam sa mga balita tungkol sa iba ay patuloy mo itong malalaman.
Ganyan katindi ang teknolohiya.
Isang pindot lang sa "enter" ng teklada ay naka-broadcast na sa buong mundo ang gusto mong iparating. Hihintayin mo na lang kung sino ang magbibigay ng komento at makikipindot sa "like" o "share".
"Tao po! Sulat galing Hong Kong!"
Noong ako ay bata pa, bespren ko si Manong Kartero. Bukod sa pag-aabang sa notice ng pensyon ng aking lola kay erpats ay hinihintay ko rin ang mga sulat na dumarating mula sa mga kamag-anak namin na nasa ibang bansa. Ito ang pinakasimple at pinakamurang pamamaraan ng komunikasyon ngunit napakabagal kaya nga tinawag itong "snail mail".
Ang bawat sobre na natatanggap namin ay makapal dahil sama-samang nakalagay sa loob ang mga liham para sa akin, kina utol, at kina ermats at erpats. Samahan mo pa ng mga nakasingit na Kodak pics nila tita, tito, mga insan, lolo, at lola. Nahilig akong mangolekta ng mga selyo dahil sa mga sulat na ipinapadala ni tatay (tawag namin sa lolo ko kay ermats) na "special delivery via airmail". Gumagastos siya ng mas mahal sa pangkaraniwan upang masiguradong makakarating nang mas mabilis sa Pinas. Kapag mas maraming postage stamps, hindi aabutin ng isang linggo bago dumating sa amin ang mga sulat mula HK.
Kinokolekta ko rin ang mga sulat na aking natatanggap at minsan ay binabasa kong muli ang mga ito kapag may bakante akong oras. May sentimental value, tagos sa buto at kuyukot ang ipinapahiwatig ng mga mahal mo sa buhay.
Natatandaan ko ang mga kuwento ng mga kasamahan ko sa Saudi noon na kailangan pa nilang maghintay ng isang buwan bago makatanggap ng sagot mula sa mga naiwanan sa Lupang Hinirang. Taena, napakatagal 'nun.
Pasalamat tayo kay Tim Berners-Lee dahil naimbento niya ang World Wide Web o ang internet noong December 25, 1990. Isa itong Pamaskong kanyang ipinakilala sa buong mundo noong August 6, 1991. Kung hindi dahil sa kanya, malamang sa alamang ay wala kang friendsters sa efbee. Sa kalagitnaan ng Dekada NoBenta ay nauso naman ang electronic mail o e-mail, dahilan upang bilhin ng higanteng Microsoft ang "HoTMaiL" na sinimulan nina Sabeer Bathia at Jack Smith noong July 4, 1996. Gumamit ako ng serbisyo mula sa kanila ngunit mas nagustuhan ko ang mail service nina Jerry Yang at David Filo (ng "Yet Another Hierarchical Officious Oracle" o mas kilala bilang Yahoo!) na unang nagamit ng madla noong October 8, 1997. Naging mas madali ang komunikasyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ilang segundo lang ay makakatanggap at makakapagpadala ka na ng mga mensahe sa iyong mga mahal sa buhay. Siguraduhin mo lang na may dial-up connection ang sinauna mong Windows PC.
"Anak, magbihis ka at tatawagan natin sila nanay."
Ang hirap tumawag sa mga kamag-anak mo sa ibang bansa kapag wala kayong linya ng telepono. Napakamahal at napakahirap magkaroon ng serbisyo ng PLDT noon kaya kapag gusto naming batiin si lola sa kanyang kaarawan ay pumupunta pa kami sa loob ng Camp Crame para gumagamit ng pay phone. Naabutan ko ang "tatlong bente singko" para makagamit ng pulang hulugang telepono hanggang sa ito ay maging digital at piso na ang kada tawag. "Collect Calls" ang uso sa mga kamag-anak ng mga OFW's. "Dial 108 for International Calls" - tatanungin ng operator kung tatanggapin ang tawag mula sa Pinas. Kapag matamis na "yes" ang sagot ay simula na ng balitaan, kumustahan, tawanan at iyakan. Wala kang pakialam sa kung sino ang nakapila sa labas ng telephone booth. Kahit na si Clark Kent pa man siya. Mas may pakialam ka pa sa baryang mahuhulog dahil libre ang tawag kapag collect calls.
"Dito na tayo sa sala at pakinggan na natin ang voice tape."
Kapag Pasko ay meron kaming family reunion sa partido nila ermats. Madalas ay umuuwi ng Pinas ang mga lolo at lola ko galing HK upang magdiwang sa piling ng kanilang mga apo. Ang mga tita ko namang hindi nakakasama ay nagpapadala nalang ng voice tape. Ihanda na ang karaoke player pati na ang mga tengang may tutuli. Abangan mo ang pangalan mong mabanggit. Jay, kumusta ang pag-aaral mo? Mas galingan mo pa para nasa honor roll ka palagi. Pasensya ka na sa regalo ko, sana ay nagustuhan mo. Mula Side A hanggang Side B, ang lahat ay nakikinig. Tulad ng nangyayari sa mga imported na tawag, may mga pagkakataong bigla kaming nagtatawanan at nag-iiyakan sa mga bagay na naririnig mula sa 60-minutong recording.
Naaalala mo pa ba ang Nokia? Noong mga panahong hindi pa OS ang android, ang Finnish na kumpanyang ito ang naghari sa mundo ng mga cellular phones. Sa kanilang kasikatan ay maririnig sa buong mundo ang kanilang trademark ringtone na "Nokia Tune" ng 1.8 billion sa isang araw o 20,000 beses kada segundo. Ang kanilang modelong Nokia 1011 ang kauna-unahang mass-produced GSM (Global System for Mobile Communications, originally Groupe Spécial Mobile) celphone na inilabas para sa mga magiging adik na texters noong November 10, 1992. Mas tumindi ang kanilang kasikatan nang maipadala ang kauna-unahang SMS (Short Message Service) na "Merry Christmas" noong December 3, 1992. Mas madali nang makipagbolahan sa ka-long distance relationship mo sa pamamagitan ng mga text messages na short cut o talagang mali lang ang pagkakabaybay. Isang katotohanan na ang Nokia ay "Connecting People".
Isa rin sa mga dapat ipagpasalamat ng mga Batang Nineties ang instant messaging na sinimulan ng PowWow (1994), ICQ (November 1996), at AOL Instant Messenger (May 1997). Mas matipid ito sa pagpapadala ng text messages at mas mabilis kaysa sa mga emails kaya mas pumatok ito sa sangkatauhan. Kumonti ang nakakaramdam ng "homesick" dahil malapit na sila sa kanilang mga pamilya kahit na sa ibang bansa nagtatrabaho. Yun nga lang, dumami rin ang nasira ang mga pamilya dahil sa mga chat rooms.
Dekada NoBenta ang unang nakatikim ng mga teknolohiyang nakapagpabago sa mundo ng komunikasyon at pakikipagsosyalan; mga bagay na pinagtiyagaan ng mga naunang dekada. Nang pumasok ang bagong milenyo ay mas tumindi ang pag-usad.
Sa panahon ngayon ay wala ka nang rason upang makalimutan ang kaarawan ng iyong kaibigan o kamag-anak dahil panay ang paalala ng mg social networks na iyong kinabibilangan. Marami na ring nahuhumaling sa paggawa ng mga blogs sites upang magkuwento ng kani-kanilang buhay sa loob at labas ng bansa kaya may pagkakataon kang makakabasa ng mga "online diaries" ng mga kakilala o mga mahal mo sa buhay. Hindi mo na kailangan ng "crossline" sa tuwing ikaw ay nababato at walang magawa sa buhay dahil sa mga sandamakmak na chat rooms sa internet.
Aminin natin na habang tumataas ang teknolohiya ay dumarami ang mga taong bumababa ang antas ng pag-iisip - nasanay na kasi sa "one push of the button". Habang dumadali ang komunikasyon ay mas dumarami ang natuto ng "invisible mode" para i-dedma ang mga hindi trip kausap. Tumitindi ang pagiging hi-tech pero bumababa ang grade sa Good Manners and Right Conduct.
Sana, sa dami ng mga social media, ay hindi maging malaki ang "generation gap" ng mga kabataan noon sa mga kabataan ngayon. Hindi lang "tag", "like", at "share" ang dahilan kung bakit naimbento ang mga ito. Huwag sanang gamitin ang mga ito sa pamamaraang makakasira ng relasyon sa ating mga mahal sa buhay.
Ang blog entry na ito ay ang aking suporta sa 2012 PINOY EXPATS / OFW BLOG AWARDS.

Awww... gusto ko tong entry nyo sir for Pinoy Expats Blog Award.
ReplyDeleteI consider myself lucky kasi isa din akong 90's kids. lahat ng binanggit nyo sa taas ay naranasan ko din. lalo na ung sa pagkakaroon ng landline at voice tape dati ehehe.
siguro natuto akong mag-internet mga early 2000.
we all know na napapabilis na ng teknolohiya ang mga bagay bagay sa ngayon. pero sana wag din kaligtaan ung mga bagay noon like mga larong kalye na hindi na alam ng bagong henerasyon ngayon. mga kabataan kasi ngayon ay laging sa harap ng computer nagbababad.
The DE particles act to puncture the exoskeletons of most insects, mites, fleas, ticks, etcetera, causing them
ReplyDeleteto die by dehydration. When you're preparing your planting area, just mix the soil with about three inches of organic compost. Wood can be used as long as it's not treated
with chemicals.
Feel free to visit my site - steamroller