Thursday, March 29, 2012

Sampu't Sari: Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.


"Loving your COUNTRY is loving your CHILDREN 
for it is they that will inherit it when you're gone."


Many Filipinos only look at him as the son the late president. Being the namesake of his father, it is quite impossible to detach himself from the shadows of his old man. For a political leader and a public manager who has served our country with integrity for nearly two decades, it is unfair not to see him as his own person.

At age 54, he has achieved a remarkable record of accomplishments. He started public service when he was elected vice-governor of Ilocos Norte in 1980. After a forced exile abroad, he came back to the Philippines in 1991 and was elected to Congress as representative for the second district of his home province the following year. During his three-consecutive term as governor to his hometown, he transformed Ilocos Norte into a first-class province through cultural tourism. In 2007, he was elected back to the House of Representatives where he served for a time as Deputy Minority Leader - Republic Act No. 9522 or the "Philippine Archipelagic Baselines Law" is one of the important legislation he successfully authored. He placed seventh overall in the 2010 senatorial elections and presently chairs the Senate Committee on Local Government and the Committee on Urban Planning, Housing and Resettlements.

Thursday, March 22, 2012

Pekeng Duck



"Isa kang Batang Nineties kung nasaksihan mo ang unang pagsulpot ng mga pirated CD's."

Kapag ako ay may nakakausap at nalalamang dito sa lupain ng mga singkit ako kumakayod para kumita ng pera, ang unang itinatanong kaagad sa akin ay "Uy, doon ka pala nagtatrabaho, eh 'di nakita mo na ang Great Wall of China?".

Isang tangang katanungan na kailangang sagutin ng isang katangahan para hindi masaktan ang tangang nagtatanong.

"Ah eh (with matching kamot sa ulo para mukhang tanga talaga), hindi pa ako nakakapunta doon kasi malaki ang China. Malayo sa lugar namin 'yun."

Okay, next question please.

"Maraming peke ang nanggagaling mula sa China, 'di ba?"

Bago ko pa maisip kung isang tangang katanungan ulit ito at kung paano sasagutin ay may follow-up question na kaagad tungkol sa mga pekeng puwedeng mabili rito - iPad, iPod, iPhone, Hermes, Samsung Galaxy Note, Louis Vuitton, BB, DVD player, sapatos, shampoo, chocolate, relo, at CD's. Maraming hindi orig sa mundo, kahit ang tao ay may peke at napepeke, pero mag-focus tayo sa huli. PIRATED CD's.

Wednesday, March 14, 2012

Tunay na Kulay ng Salamin


"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang alamat na si Karl Roy."

Ang pangalang KARL ROY ay kasingkahulugan na ng salitang ALAMAT sa industriya ng musikang Pinoy. Sa loob ng halos tatlong dekada, ipinakita niya ang kanyang husay sa paggawa ng mga kanta at pag-awit. Itinuturing na isa sa mga haligi ng Pinoy Rock.

Sa mga bata ng bagong milenyo, kilala siya bilang bokalista ng bandang Kapatid na nabuo noong 2003. Kasama niya sa bigating orihinal na line-up sila Chico Molina (lead guitars), Ira Cruz (rhythm guitars), Nathan Azarcon (bass), at J-Hoon Balbuena (drums). Nagkapaglabas sila ng mga albums tulad ng "Kapatid (2003)", "Luha (2006)", at "Kapatid EP (2009)". Nakilala ang grupo sa mga pumatok na awitin tulad ng "Prayer", "Doon", ang revival na "Pagbabalik ng Kwago" at ang instant klasik na "Luha".

Monday, March 12, 2012

90's Music Comes Alive


"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang lahat ng mga kantang kabilang sa '90's Music Comes Alive' compilation album."

Hindi ito isang music review sa bagong labas na compilation album featuring Pinoy talents. Wala ring libreng mp3 download link na matatagpuan sa entry na ito. Kung ang dalawang nabanggit ko ang hanap mo, maaari mo nang pindutin ang ekis ng iyong browser.

Noong Dekada NoBenta ay inilabas ng Vicor Records ang "Mga Himig Natin: Pinoy Rock Revisited", isang compilation ng mga revivals ng mga klasik na awitin mula sa Dekada Setenta. Dito ipinamalas ng ilang mga banda noong Nineties ang kanilang talento upang tugtugin ang mga obra tulad ng "Usok", "Batugan", at "Tao". Tinanggap ito ng madlang bitin sa tunog na kinabibilangan ng mga tulad ni Ka Freddie.

Sa mga nilalang na hindi mabubuhay kung walang musika, may paniniwalang ang ganitong pangyayari ay nagaganap kada dalawampung taon.